Chapter 18

463 13 0
                                    

Chapter 18 || Feels Like I Lost

Cyrish's POV

Lumabas ulit ako ng bahay pagkatapos ng paguusap namin ni Mikka. Nasa labas daw kasi si Renzel. Isa pa siyang panggulo sa buhay ko.

Nakita kong nanduon nga siya at nagsisigarilyo. Buti na lang talaga at wala si Mikka rito kundi baka atakihin ng hika 'yun. Tss.

Wait. Am I worried? Ugh!

"Ano bang kailangan mo Renzel?" iritableng tanong ko.

"Sinabi ko na sa 'yo 'di ba? I want to seriously date you." What? Seriously date me?

Napailing ako at natawa. "Stop kidding me Renzel. I know you." Nagulat ako nang itapon niya ang hawak niya at higitin niya ako sa may baywang palapit sa kanya. I can smell the cigarette from his breath. Nakakasulasok ang amoy!

"I'm not kidding Cyrish... sa lahat ng babaeng naging girlfriend ko, I like you the most." At least I'm thankful he said he likes me. Not love. Tss. That'll sound very stupid lalo na sa isang lalaking nalilibugan lang. Sorry for the term... tsk.

"Sorry Mr. Castro pero hindi ako 'yung babaeng ginagawang girlfriend." sabi ko sabay tulak sa kanya palayo.

"Let's see... I'm going to court you for real soon." sabi niya sabay kindat bago pumasok sa loob ng kotse niya at nagmaneho paalis. Bwisit talaga. Ano ba ang trip ng lalaking 'yon at gusto biglang magseryoso? May nakaing panis? O gusto akong matikman? Yuck lang! Wag siyang magkakamali!

Nabigla ako nang may kotseng pumarada malapit sa amin. Pamilyar ito dahil kotse ito ni Kailer! Nakita kaya niya si Renzel kanina?

"H-Hi Kailer, bakit bumalik ka rito?" Hindi niya pwedeng makita si Renzel. Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa boys ko dahil masisira ang pagpapagood shot ko sa kanya.

"Okay ka lang ba? Bakit nandito ka sa labas?" Inakap niya ako na medyo nagpabalisa pa sa akin

"Uhmmm wala lang... nag ano.. tapon ng basura." Such a lame excuse!

"Dapat hinayaan mo na ang maid niyo. Masyado ka namang mabait."

"Uhmm bakit ka nandito?" pagiiba ko ng usapan. Baka hanapin niya pa 'yung basurang tinapon ko at maidahilan ko na sa malayong lugar ko pa ito tinapon kahit may basuran kami rito sa labas ng gate.

"'Yung phone ko tingin ko kasi naiwan ko rito."

"Oww eto dala ko." Nasa bulsa ko na naman iyon kaya inabot ko sa kanya agad. Nakahinga ako dahil sa hindi naman niya nakita si Renzel. Cell phone lang pala niya ang habol niya.

"Thanks. Okay ka na ba?"

"Yup. Thanks to you." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"I have a question." Nagulat ako sa biglang pagseseryoso niya.

"B-Bakit bigla ka namang naging seryoso. Chill ka lang." biro ko pero hindi siya natinag na mas lalong nagpakaba sa akin.

"May iba ka bang lalaki bukod sa akin?" O.M.G!

"W-Wala! I'm loyal!" Hindi ako pwedeng mabisto! "Sino naman nagsabi niyan sa 'yo?" Nagkunwari akong naoffend sa sinabi niya.

"Si Mikka. Sinabi niya sa akin na-"

"Wag kang maniwala sa kanya! Alam mo ba? Matagal ko nang alam na may gusto siya sa 'yo! And because she's my cousin at alam ko nga ang feelings niya , I let her marry you. Ako na nga itong nagparaya but look, sinisiraan pa niya ako. Walang utang na loob!" Dinaan ko siya sa yakap ko. "Kailer! Please naman believe me... I love you. Hindi ko kayang gawin sa 'yo ang binibintang ni Mikka. I only have you." So sana pumasa ang acting ko dahil sukang-suka na ako sa mga pinagsasasabi ko. Eto ang gusto ni Mikka huh? Pwes hindi ako magpapatalo!

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now