Chapter 43

305 8 2
                                    

Chapter 43 || Meeting Her Parents

Felix's POV

I think I've never seen her work this hard ever since I met her.

Tingin ko lang kasi sa kanya noon, babaeng walang ibang inatupag kung hindi humabol sa mga lalaki dahil sa panay nga ang dikit niya sa akin. Ngunit ngayong nakikita ko kung gaano niya ginagawa ang lahat para sa event nila, I think there's more to her.

Hindi ko tuloy alam kung bakit ako pinapalayo ng mga tao sa paligid ko sa isang taong gaya niya na halata namang hindi lang puro paglalaro ang alam sa buhay.

Hindi man siya anghel, I guess she's more of a wounded angel.

Hindi ko talaga siya dapat hinusgahan lalo na at hindi ko naman siya maalala. Basically, I don't know her at all to even think of her in a bad light. Alam ko nang nagkamali ako sa pagtrato ko sa kanya kaya nagsisisi tuloy ako ngayon. Siguro, dapat ay mas naging maayos ang pakikitungo ko sa kanya. 

Nagdesisyon akong tumayo sa bandang likod kung saan mas kita ko ang buong event nila Kailer. Nakakaruwa dahil ang daming taong nagpunta para sumuporta at manuod.

Sa pagsisimula ng kanilang event ay nagsalita ang mga kaibigan ko. Mukhang masayang-masaya sila hindi pa man dahil sa sobrang excitement.

Actually, nagulat ako nang umakyat si Cyrish sa stage. Hindi ako makapaniwala na may igaganda pa siya. Sa totoo lang kasi ay maganda naman siya para sa akin pero napapangunahan lang ako ng pagdududa kaya hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin. Ngayong mas kita ko siya ng buo, ay hindi ko na talaga maitatangging napakaganda niya, ito siguro ang tatak ng isang Villaroel.

Ngayong nasa stage siya, parang ibang tao siya kumpara sa Cyrish na una kong nakilala. Kumikinang siya sa puti at ang sarap sigurong pisilin ng kanyang pisngi.

Kung anu-ano na namang iniisip ko! Hindi ba kaibigan na nga lang dapat ang tingin ko sa kanya?

Kung tama nga ang hinala ko, parang hinahayaan na niya ako ngayon. 'Ni hindi niya ako kinausap kahit na nagkakasalubong na kami kanina. Mas kinakausap pa nga yata niya 'yung lalaking kasama niya na mukhang kilala ako. Kasalukuyan itong nakikipagusap sa mga babaeng kinulang sa tela ang suot.

Cyrish is finally over with the chase and it feels like something is still wrong with me. Hindi ba ay ito naman ang gusto ko? Kaya bakit parang nagsisisi pa ako sa naging desisyon ko?

Nagsimula na nga ang event ngunit nang mawala si Cyrish sa harapan, kahit sa gilid, ay hinanap agad siya ng mga mata ko. I decided to check on her lalo na at napansin kong kanina pa siya wala.

Pumunta ako sa backstage kung saan ko siya posibleng makita at tama nga ako dahil nandito siya.

She's standing in front of a mirror. Ang nakapagtataka ay parang takot na takot siya pero hindi kumikilos. Abala ang mga nasa paligid niya kaya walang nakakapansin nito kung hindi ako lang.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat na ikinabigla niya.

"F-Felix?" tanong niya nang mapatingin sa akin at ngayon ko napansin na maputlang-maputla siya. Aakalain ng kahit na sino na nakakita siya ng multo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko naman agad at hinawakan siya para lumabas dahil baka makaabala kami sa mga modelo nila.

Dinala ko siya tabing dagat, may kalayuan sa kanilang event, para makahinga siya ng maayos. Naupo naman kaming pareho sa buhangin.

Tulala lang siya ngayon kaya naman kinabahan na ako. "Cyrish?" tawag ko sa kanyang pangalan. Tumingin siya sa akin na para bang hindi alam kung ano ang dapat sabihin. 'Yung mukha niya'y takot at naguguluhan. Ano kayang nangyayari sa kanya?

Tumingin lang kami sa buwan pareho at nanahimik ako ng ilang minuto para makapagisip siya. Whatever's bothering her seems to be pretty serious for her to have this look and to be acting this way. 

Balak ko na sanang magsalita nang bigla niya akong yakapin. Nakapulupot ang kanyang braso sa leeg ko at damang-dama ko ang init ng yakap niya sa akin. Ang mga kamay ko naman ay nanatili sa buhangin upang suportahan ang pagkakaupo ko dahil para akong mahuhulog.

Ako naman ngayon ang hindi makapagsalita lalo na at umiiyak na siya. Hindi ko alam kung sa akin ba o sa kanya ang mabilis na tibok na nararamdaman ko ngayon.

"I-I'm sorry Felix!" She cried.

"B-Bakit?" I stuttered because she's still hugging me and it's getting tighter!

"I'm sorry kasi kung hindi ako nagmatigas, hindi tayo maaaksidente - hindi mangyayari sa atin 'to ngayon. I'm so stupid! I'm so selfish! I don't deserve to be loved!" I could feel the pain in her words and that's when I decided to hug her back.

I want to comfort her despite not remembering anything about her.

***

She's actually being weird when she decided to leave without a word.

Pagkatapos niya akong yakapin ay bumalik siya sa event nila at ako naman ay tumayo na lang muli sa likod. Umarte siyang parang walang nangyari at hindi ko naman siya masabayan dahil nagaalala pa rin ako sa kanya. 'Ni hindi ko man lang nalaman kung bakit ganuon ang ikinilos niya kanina at kung may problema ba sya...

Bahala na nga.

But as expected ay naging maganda ang resulta ng event na pinaghirapan ng mga kaibigan ko. Halos lahat, pati ako, ay napahanga nila lalo na sa passion and dedication nila sa kanilang ginagawang trabaho. I really hope na magtuloy-tuloy ito.

Balak ko na sanang pumunta sa kwarto ko rito sa resort upang makapagpahinga nang may tumawag sa pangalan ko. Hindi talaga ako sigurado pero palagay ko may tumawag sa akin.  Nilingon ko naman ito kahit na baka may kapangalan lang ako.

"Felix ikaw nga! Kamusta ka na?" tanong ng babae na kaedad lang siguro ni Mama. May kasama siyang lalaki na tingin ko'y asawa niya.

Nagtaka naman ako kung sino sila pero ngumiti na lang dahil ayokong maka-offend. Ayoko rin namang may magtake-advantage sa nawala kong alaala. Sapat na ring naguguluhan ako sa amin ni Cyrish...

"Mabuti naman at maayos ka! Kung alam mo lang, halos mabaliw ang anak namin dahil nawala ka na lang na parang bula!" may sama ng loob na sinabi nung lalaki. Akala ko pa nga'y susuntukin ako kaya napaatras ako.

Hindi ko pa rin makuha kung sino sila kaya naman hindi ako makapagsalita ng kahit na ano. Mahirap na dahil baka may mali akong masabi.

"Honey baka magalit si Cyrish!" saway nung babae at doon ko na naisip kung sino sila.

 Magulang sila ni Cyrish!

"Pasensya na talaga tito at tita, ano po bang nangyari nung nawala ako?" I tried to make it sound normal. Hindi siguro nila alam na nawalan ako ng alaala pero ayos na ring hindi nila alam para naman maging sigurado talaga akong hindi sila magsisinungaling sa akin.

"Nagulat talaga kami nang malaman naming naaksidente ang kotseng sinasakyan niyo. Tanda pa namin nung maging kayo ni Cyrish days before that happened. It was the happiest Cyrish we ever saw in years," Her father said as if he's actually seeing her face again. Naluluha rin ito kaya mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.

"Kaya nga sobrang sakit na makita siyang sirang-sira dahil hindi ka niya makita. She even thought you were dead. She was stuck between knowing you're alive and knowing you're dead and that was the hardest for her. It's the hope that destroyed her back then," Inakap ni tita ang kanyang asawa at para bang maiiyak na.

"Masaya kami na alam na niyang buhay ka ngayon. Nagkukwento pa nga siya sa amin na maayos ka na raw. We're actually glad to see you here lalo na at mahalaga ito para sa anak namin. Thank you for helping her change Felix," She sincerely said.

I listened to what they have said in my head over and over again. Hindi ko tuloy napansing may tumulo na palang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Please love her as much as she loves you," Walang sagot na lumabas mula sa bibig ko lalo na at hindi ko rin alam kung kaya kong gawin ang hinihingi nila.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now