Chapter 55

221 9 0
                                    

Chapter 55 || The Investment

Felix's POV

"Then what's really the problem?" 

Kahit na mahigpit na ang hawak ko kay Cyrish, pakiramdam ko'y mawawala pa rin siya sa akin dahil sa hindi ko maintindihan ang kinikilos niya. Alam kong hindi simpleng bagay ang pinagdadaanan niya para pagtangkaan na naman niya ang kanyang buhay. 

Even before we got back together, I knew that she's broken. Kahit na ganuon ay minahal ko pa rin siya nang buong-buo. Kaya kahit na hindi niya masabi sa akin ngayon kung ano ang problema, handa akong tanggapin siya. Maghihintay ako hanggang sa masabi na niya sa akin lahat. 

She fell asleep in my arms while crying. Pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko dahil dito. Wala akong magawa kung hindi manatili sa kanyang tabi...

Ilang minuto rin ang lumipas at palagay ko'y nakatulog din ako sa tabi ni Cyrish. Nabigla lang ako sa pag-ring ng cellphone ko kaya kinailangan kong lumabas ng kwarto niya. 

"Hello?" I asked after looking at the name of my caller - Sydney. 

"Pwede ba tayong magkita?" she asked and I heard her sobbing from the other line. 

Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Hindi ko pwedeng iwanan si Cyrish kaya siya na lang ang pinapunta ko. Alam kong hindi ito magugustuhan ni Cyrish pero maiintindihan naman siguro niya kung ipapaliwanag ko ang sitwasyon ni Sydney. Mukhang may problema kasi. 

May pinagsamahan din naman kami kahit papaano. And so I waited at the lobby but when it felt like she's not coming anymore, I decided to go back in the room. 

Tumayo na ako at naglalakad na sa hallway nang marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko. 

"Felix wait!" Nilingon ko ito at nakitang si Sydney pala ang tumatawag sa akin. Huminto ako at hinarap siya. Nakita ko na naghahabol siya ng hininga nang huminto sa harapan ko. Mukhang nagmamadali siya makapunta lang dito. 

"Anong problema?" Agad kong tanong dahil sa namamaga ang kanyang mga mata. Tama nga ako ng rinig kanina - umiiyak siya. 

"I want to say sorry for everything and about the inve-" Bago pa niya matuloy ang kanyang sasabihin ay inakap na niya ako nang mahigpit. 

Nabigla ako at agad napatingin sa direksyon kung saan matatagpuan ang kwarto ni Cyrish. Doon ay laking gulat ko nang makita si Cyrish na nakatingin sa amin ni Sydney. 

Inilayo ko si Sydney sa akin ngunit hindi na ito nakita ni Cyrish dahil pumasok na siya sa kanyang kwarto. Napamura ako sa isip ko. Gustuhin ko mang makipagusap pa kay Sydney ay ayoko namang saktan si Cyrish kaya iniwanan ko na siya at pinaalis. 

Nang makabalik ako kay Cyrish, sinubukan ko siyang kausapin pero wala siyang masabi sa akin. Ano mang paliwanag ko sa kanya tungkol sa nakita niya sa amin ni Sydney ay wala akong reaksyon na nakuha mula sa kanya. Her blank expression scares me the most. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya...

Until that day came when her parents arrived. Dito ay napilitan na akong umalis para bigyan sila ng oras. Kinailangan ko ring asikasuhin ang business namin kaya pumayag na ako. Tiwala naman akong maayos siyang maiuuwi ng kanyang mga magulang dahil nagbago na sila. 

Kaya nga lang ay pinagsisihan ko ang pagalis ko sa kanyang tabi. Just like before, she decided to shut me out of her life. Natakot ako nang sobra dahil ayaw niyang magpakita sa akin. Noong una ay sinubukan kong pilit na harapin niya ako. Pinuntahan ko pa siya sa kanila pero walang nangyari. 

But then I realized later on that perhaps, she needs more time. Kaya hinayaan ko muna siya. 

Alam kong may problema si Cyrish na hindi niya sinasabi sa akin. Ngunit natatakot akong ungkatin ito dahil baka maulit na naman ang pagtatangka niya sa kanyang buhay.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon