Chapter 54

216 9 0
                                    

Chapter 54 || Promise Me

Cyrish's POV

Laman na yata ako ng ospital. 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa kong lunurin ang sarili ko sa loob ng CR ni Felix. I feel guilty lalo na at alam kong hindi ito ang unang beses na nasaktan ko siya dahil sa pananakit ko sa 'king sarili. 

I tried to murder myself so many times in my head.

Nagkaroon ako ng malay habang pilit akong binibigyan ng hangin ni Felix. Ayos na naman ako pero nagpumilit siyang dalhin ako sa ospital kaya hinayaan ko na siya. That's the only thing I could do to make him feel at ease kahit na alam kong walang gamot na makakapagpabago ng nararamdaman ko. 

"Cyrish?" Kinuha ni Felix ang atensyon ko. Napatingin ako sa mga mata niyang halatang pagod na pagod. Ako na naman ang may kasalanan kung bakit siya nahihirapan ngayon.

Nasa tabi ko siya at nakahawak sa kamay ko. Despite the coldness I feel inside, ramdam ko ang init mula sa kanyang kamay.

Tumingin ako sa kanya ngunit hindi nagsalita. "Akala ko ba ayos ka na? Anong problema?" His voice breaks.

Akala ko rin okay na ako... pero nagkamali ako.

Sa muling pagkikita namin ng lalaking sumira sa akin, dumugo muli ang sugat na akala ko'y matagal nang naghilom.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa bintana. Madilim pa rin sa labas...

"Kung dahil 'to sa mga magulang ko, gagawa ako ng paraan para tigilan ka na nila," Nanginginig ang kanyang boses. Naramdaman kong muli ang pamumuo ng luha sa mga mata ko dahil dito. 

Umiling ako dahil alam ko sa sarili kong hindi sila ang dahilan. Pumikit ako nang mariin. Kaya kong pakisamahan sila, kaya kong magtiis para sa lalaking mahal ko...

"Then what's really the problem?" He begged for my answer. Mas inilapit niya ang kanyang sarili sa akin at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. 

Ngunit pagtangis lamang ang naibigay ko sa kanya. Hindi ko kayang sabihin na investor nila ang lalaking nang-harass sa akin noong bata pa ako - ang lalaking dahilan kung bakit wasak ang pagkatao ko ngayon... 

Nakatulog akong yakap niya at umiiyak. Hindi ko alam pero mas sumama ang pakiramdam ko nang gumising ako. Wala sa tabi ko si Felix kaya muli akong binalot ng takot.

Bumalik sa alaala ko 'yung mga panahong hindi ko siya kasama dahil sa nakalimutan niya ako. Posible bang mangyari 'yon muli?  

Tumayo ako kahit na mabilis ding umikot ang paningin ko. Kinuha ko ang natitirang lakas ko para makalabas ng kwarto ko at agad ding nagsisi nang makita ko si Felix na yakap-yakap si Sydney.

Why is she here? Kung sasabihin niyang dinadalaw niya ako ay napakalaking kasinungalingan noon. 

Bakit magkayakap sila ni Felix?

Hindi ko na kailangan pang mag-isip ng kung anu-ano dahil tumingin sa direksyon ko si Felix. Nagtagpo ang mga mata namin at nakita kong nagulat siya. 

Oo masakit na makita silang magkayakap pero para sa akin ay mababaw na bagay lamang 'yon.  Kung tutuusin ay mas maraming bagay na ang napagdaanan namin para maapektuhan pa ako sa ganito kaliit na bagay. 

Maybe she wants him back. Maybe they became friends while they were together kaya hindi niya kayang hayaan na lamang ito. 

Wala akong sinabi at bumalik na lamang sa loob ng kwarto ko. 

May mas mabigat na bagay pa akong pinagdadaanan. 

Sinubukan akong kausapin ni Felix maghapon pero wala akong kahit isang salita na nasabi sa kanya. Ipinaliwanag pa nga niya 'yung nakita ko eh. Nasa ospital si Sydney dahil sa gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya sa akin - sa amin. I would like to believe that it's true. 

Wala pa rin akong kibo.

May kurot sa dibdib ko dahil kahit na ganuon ako ay hindi naman siya nawala sa tabi ko. 

It was in the afternoon when my parents finally came to visit me. Dito ay nakaalis na si Felix para makapagpahinga. Sinabi ko naman sa kanya na uuwi na ako kasama ng mga magulang ko kaya wala na siyang nagawa pa. 

Sa mga sumunod na araw ay hindi muna ako nagpakita kay Felix. Hindi ko alam kung paano ako gagaling pero kinailangan ko lang muna ng oras para mapag-isa. Oo at gusto akong makita ni Felix pero binigyan niya ako ng oras at hindi na kinulit pa. Balita ko nga ay naging subsob ito sa trabaho habang wala ako.

Isang linggo ang hinayaan kong lumipas bago ako kusang lumabas ng bahay para puntahan si Felix sa office niya. 

"Si Felix?" tanong ko sa kanyang sekretarya na medyo nabigla pa dahil nahuli kong nagma-manicure. Kung nasa mood ako ay mapagsasabihan ko siya pero hinayaan ko na ngayon. 

"Nasa meeting po with an investor," sagot nito na agad nagpakaba sa akin.

"With Sir George?" paninigurado ko. 

"Yes po," sagot nito na halatang nagtataka sa reaksyon ko. 

Huminga ako ng malalim at aalis na sana nang mahinto ako sa paglalakad. 

Nasa harapan ko si Felix at katabi niya si Sir George. Dalawang tao na magkaiba ang papel sa buhay ko ang nasa harapan ko ngayon. 

"Cyrish!" masayang tawag ni Felix sa pangalan ko sabay takbo para yakapin ako. Habang ako naman ay nakatitig lamang kay Sir George. 

"Mauna na muna ako Mr. Sarmiento," pormal na sinabi ni Sir George kaya naman natauhan itong si Felix na kasama pa pala niya ang investor nila. Masyado siyang lunod sa ideya na kasama niya ako ngayon. 

But just like what I decided to do about this matter, I conquered my fear. 

"Sorry for the late introduction Sir," He paused and listened to what I am about to say. "I am Cyrish Villaroel," Nanlaki ang mga mata niya at agad na kumunot ang noo. 

"Cyrish Villaroel..." He muttered to himself that made me shiver. 

Tumalikod na ako at naunang pumasok sa opisina ni Felix. That's enough bravery for now. 

Sa loob ng isang linggo, pinagisipan ko kung ano ang gagawin ko tungkol kay Sir George at ang ideya na investor siya nila Felix. Pati na rin ang gusto ng parents ni Felix na magtrabaho ako sa kumpanya nila. 

Nakapagdesisyon ako na haharapin ko ang takot ko. Unti-unti ay susubukan kong kayanin kahit na mahirap para sa akin. Gagawin ko ito hanggang sa matanggap na ako ng mga magulang ni Felix at maging maayos na ang lahat sa pagitan namin. 

"Bakit hindi mo 'ko sinabihan na pupunta ka pala?" tanong ni Felix na halatang hindi pa rin makapaniwala na nandito ako. Inakap niya akong muli at ganuon din naman ako. I missed him so much God knows what pain I went through these past few days without him.

"Surprise kasi!" natatawa kong sinabi. 

Nang magtagpo ang mga mata namin, nakita kong maluha-luha siya sa saya. Hindi ko alam kung deserve ko ba talaga ang gaya niya. Kitang-kita ko na mahal na mahal niya ako...

"Kamusta ba?" tanong ko at walang preno na siya sa pagkukwento ng mga nangyari habang wala ako. 

Nakapagbitaw na pala ng investment si Sir George sa kumpanya nila. At ngayon ay pinaguusapan na nila ang proyektong bubuuin nila sa Amerika kasama ang pamilya ni Sydney. Ito ang highlight ng linggo ni Felix na wala ako. 

"Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" tanong naman niya sa akin. I just smiled at him weakly. 

"I'll be okay..." sabi ko kahit na hindi ko alam kung siya ba o ang sarili ko ang gusto kong maniwala roon.


The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEМесто, где живут истории. Откройте их для себя