Chapter 41

286 7 0
                                    

Chapter 41 || False Memories

Felix's POV

Wala akong makikita sa phone ko na kahit na ano tungkol sa amin ni Cyrish dahil sa pinalitan ito ng bago pagkatapos ng aksidente ko. Sa laptop ko naman ay wala rin akong nahanap. Ganito ba ang sinasabi niyang relasyon namin? Patago? Mas lalo tuloy akong nagtaka sa dahilan kung bakit hindi alam ng malalapit sa amin ang tungkol sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw nyang ikwento.

Isa pa, pati ang private investigator hindi kami makitaan ng koneksyon bukod sa pagiging magkaibigan. Ito ang resulta na ini-report nito sa akin.

I decided to check on my facebook instead at tama si Cyrish. May litrato nga kami sa account ko kaya posible ring nagsasabi nga siya ng totoo tungkol sa amin. Sa kuhang nakita ko, nakapeace sign kami pareho at mukhang kuha ito sa loob ng mall. Mga bata pa kami talaga sa picture na 'to at ang payat payat ko pa. This can be our first date I guess dahil may espasyo pa sa pagitan namin na para bang nagkakahiyaan.

Nang umulan kanina kasabay ng pagpapaalam niya sa akin, may larawang rumehistro sa isip ko. Si Cyrish ito na umiiyak rin sa ulan pero iba ang kanyang suot na damit. How can something like that appear in my mind when I don't even remember her as someone who's part of my life?

And that kiss...

It feels familiar and I'm not sure why.

"Bumaba ka na rito Felix para kumain," Narinig kong pagtawag sa akin ni Mama. Umuwi ako ngayon sa bahay imbes na sa unit ko para makausap ko rin sila ni Papa. Gusto kong malaman ang totoo tungkol kay Cyrish at malaki ang tiwala ko sa kanilang dalawa. Hindi naman siguro sila magsisinungaling dahil kilala ko silang hindi ganuon.

Hinayaan ko munang kumain kami ng maayos instead of bringing that topic up immediately. Kinamusta nila ako at sinabi ko naman na maayos lang ako. They seem to be worrying too much about something kaya naman hindi ko na napigilang magtanong nang matapos kaming maghapunan.

"Kami ba ni Cyrish Villaroel?" Nang itanong ko ito ay nagkatinginan silang dalawa. Halatang may alam sila at ayaw lang nila itong sabihin sa akin. "Please tell me the truth."

Kailangan kong malaman ang totoo lalo na at alam kong nakasakit ako ng tao. Alam kong nasaktan ko si Cyrish dahil sa mga sinabi niya kanina at naging reaksyon niya nang putulin ko ang kung ano mang relasyon namin.

"Isa lang siya sa mga babaeng humahabol sa 'yo. 'Wag mo na siyang alalahanin pa at layuan mo na lang" sabi ni Papa at naalala ko naman ang sinabi ni Kailer. Bakit ba gustong-gusto nila na layuan ko si Cyrish?

"In fact, baka nagkakaroon ka lang ng false memories gaya ng sabi ng doktor mo sa amin," sabi naman ni Mama.

Posible nga kayang false memory lang ang kung ano mang maalala ko na may kinalaman kay Cyrish? Kagaya na lamang nung pag-iyak niya habang malakas ang ulan na alam kong nangyari sa ibang pagkakataon...

***

Bago ako matulog ay binuksan kong muli ang account ko, nakita ko naman na may message ako galing kay Cyrish kaya binuksan ko ito agad.

She gave me a link and when I asked her what it is, she already logged out.

Hindi naman ito siguro virus kaya binuksan ko na. It led me to youtube and it's a video. Noong una ay nagtaka pa ako kung sino 'yung nagsasayaw na parang tingting tapos nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong ako pala ito! Hindi si Cyrish ang nag-upload kung hindi ibang tao. Anong ginagawa ko at bakit ako nagsasayaw sa gitna ng mall habang maraming nakatingin? Nakita ko ring natatawa sa akin si Cyrish!

Hiyang-hiya ako ngayon para sa sarili ko. Pero sa video na 'to, kitang-kita ko naman na masaya kaming pareho. We looked genuinely in love. Hindi ko naman gagawin ang isang bagay na nakakahiya kung wala akong nararamdaman para sa kanya noon.

Posible bang maging kami pa rin kahit na hindi ko na siya matandaan? Posible bang tumagal ng ganito ang nararamdaman ko para sa kanya?

Pero ano man ang sagot, how can I fall in love with someone I don't even remember?

I didn't sleep well that night. Dumating ang linggo kung saan pinapupunta ako sa Eisen Beach Resort ng mga kaibigan ko kaya naman nagpaalam ako sa opisina na hindi muna ako makakapasok. Wala naman silang problema dahil nagagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. I just realized that I need air to breathe and think more about these things.

Dahil kay Cyrish Villaroel, nasira 'yung pagaakala kong ayos lang ako pagkatapos ng aksidente. Ramdam ko na ngayon na may mali sa akin. Kahit kailangan ko siyang iwasan, pisikal ko lang itong nagagawa dahil hindi ko na siya maalis sa isip ko.

Sa mga panaginip ko ay nanduon siya at hindi ko alam kung ano ang totoo at ano ang false memories lamang.

I had this dream na magkasama kami sa loob ng sine at nakatulog siya sa akin. Kaming dalawa lang ito. May panaginip din ako na hinahalikan ko siya. Kahit na puno ako ng pagdududa sa panaginip ko ay hindi ko pa rin maiaalis sa isip ko ang pakiramdam ko tungkol dito. It felt good. My dreams that include her felt too good.

Dumiretso na ako sa resort imbes na kitain pa sila Kailer. Sa pagkakaalam ko ay abala rin sila dahil ito ang unang pagsabak ng mga modelo nila sa isang fashion show at gaganapin nga ito sa Eisen Beach Resort. I'll be there to support my friends of course.

Alam kong hindi rin malabong magkita kami ni Cyrish doon and I have this feeling that I'm really waiting to see her but I don't know why.

Sa buong byahe ko ay panay ang pagiisip ko sa huli naming naging paguusap ni Cyrish. Sumuko na nga kaya siya? Ngayon pa na binigyan niya ako ng patunay tungkol sa amin?

Hindi ko rin siya masisisi kung sumuko na siya dahil ako na rin naman mismo ang nagsabi na ito ang mas makakabuti. Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil may kung anong lungkot sa akin ngayon na hindi mawala-wala.

Tanghalian na nang makarating ako sa resort. Naabutan ko namang abala sila sa pagtapos ng pagaayos sa stage dahil mamayang gabi na ang event nila. Una kong nakita si Kailer na agad ko namang nilapitan.

"May kailangan ba kayong tulong?" tanong ko lalo na at hindi pa ako nakapormal na suot.

"Oo eh. Pwede ka bang tumulong sa paglalabas ng mga upuan? Pasensya kasi may ginagawa rin 'yung ibang staffs and we need more hands. By the way, just ask one of someone na ilagay sa magiging kwarto mo 'yang mga dala mo para hindi ka na mahirapan," Halatang pagod na ito dahil sa preparasyong ginagawa nila.

"Sure," sabi ko at ginawa ko nga ang kanyang sinabi. Huli kong tiningnan ang minimalist na set up nila. Kulay midnight blue at silver ang ginamit nilang kulay para rito. Bagay na bagay ito para sa theme nila na Starry Night.

Pagkarating ko sa loob ay sinalubong ako ng isang staff. Inabot ko rito ang gamit ko para mailagay sa magiging kwarto ko. I'll be staying for 2 nights and 3 days, "Nasaan pala 'yung upuan na dapat ilabas para sa event?" tanong ko na agad nilang itinuro sa akin. Pinuntahan ko ito at naabutan ang iba na nauna nang maglabas ng mga upuan.

I became busy helping out my friends kaya naman hindi ko na namalayan ang pagdating ni Cyrish. Lalapitan ko sana siya kaya nga lang ay may kasama siyang lalaki na ngayon ko lang din nakita. Sa bibig nito ay may sigarilyo kaya naman alam ko na agad na hindi kami magkakasundo. Ayoko sa mga taong may bisyo.

Kanina pa siguro sila dahil halata ito sa pawisang si Cyrish. Hindi rin niya ako pinapansin na para bang hindi pa nakikita.

Sino kaya ang kasama niya? Ito ba 'yung sinasabi nilang isa sa mga lalaki niya? Tumigil naman ako sa pagtulong at naupo muna sa tabing dagat. Hindi ko alam pero uminit bigla ang pakiramdam ko dahil sa nakita kong pagiging malapit ni Cyrish sa ibang lalaki.

I just wanted to have peace pero may tumabi sa akin at nang tingnan ko ay naubo lang ako. Dahil ito sa usok ng sigarilyo sa mukha ko. Ito pala 'yung lalaki kanina, "You haven't change at all. Sigurado kang may amnesia ka?" may kayabangan nitong tanong sa akin.

This time, he seems familiar to me, "Magkakilala ba tayo?" tanong ko para makasigurado at tinawanan lang niya ako.

"Renzel bro," Pakilala niya na nagpakunot ng noo ko.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now