Chapter 17

406 12 0
                                    

Chapter 17 || Sydney Keith Harrell

Felix's POV

Nang tumungtong ako sa America at makarating sa hotel ay agad akong nagcheck in bago nagpunta sa meeting place namin ng young owner ng hotel na 'to. Ang alam ko kasi ay kaedad ko lang ang may handle nito matapos itransfer sa kanya ng kanyang ama ang rights dito.

Pormal ang suot ko nang pumasok ako sa opisina nito na may nakalagay pang Harrell sa pinto. Harrell ang apelyido nila kaya ito ang sinunod sa pangalan ng hotel na 'Harrell Palace Hotel'. Pangalan pa lang ng hotel ay talagang kahanga-hanga na. No doubt why this place is prospering.

Binuksan ng sekretarya nito ang pintuan at pumasok na ako. Nakakita ako ng babae na nakatingin sa may bintana kaya nakatalikod sa akin. Mukhang babae pala ang owner na katatagpuin ko. Inakala ko pa naman na isang lalaking may edad na ang namamahala rito pero nagkamali ako. Nang humarap siya sa akin ay nakita ko agad sa mukha niya ang pagiging FilAm. May pagkabrown ang mahaba niyang buhok at ganuon din ang mga mata niya. Maputi rin siya pero hindi kasing puti ng mga Villaroel...

"Done checking on me Mr...?"

"Sarmiento. Felix James Sarmiento." Nahiya naman ako sa ginawa kong pagtitig sa kanya. Hindi naman ako baguhan sa ganito para bigla na lang malove at first sight. Talagang ugali ko na ang pagmasdan ang kahit na sinong bagong kakilala. Kumbaga ay sa paraan na ito ay kinikilala ko ng husto ang isang tao.

Ngumiti ito sa akin at naglahad ng kamay kaya kinuha ko para makipagkamay. "Sydney Keith Harrell." pormal niyang sinabi. Kung titingnan ay matangkad ito kaya hanggang ilong ko na siguro. Bibihira akong makasalamuha sa mga babaeng may katangkaran kaya nakakapanibago.

Pinaupo niya ako sa couch at naupo naman siya sa kanyang swivel chair. We started talking about business dahil hindi ko rin naman gustong magtagal pa rito lalo na at gusto kong mabalikan na si Cyrish sa Pilipinas. I'm actually worried sick about her lalo na at napakabaliw niyang mag-isip.

***

Higit isang buwan na ako rito!

I'm damn frustrated dahil sa ayaw pa rin pumayag ni Sydney na bumili ako ng shares sa hotel. Hindi ko inasahan na magtatagal ako ng ganito. I thought it'll be easy! Gustuhin man niya ay sobrang laki ng hinihingi niyang halaga. Naging tapat naman ako sa hangarin ko. I said this is a big investment for our company lalo na kung sa susunod ay magsisimula rin kami ng hotel dito sa America.

Para lang mapapayag siya sa gusto ko ay kabuntot niya ako palagi. I do things for her. Naging malapit na rin kami dahil sa hindi na puro trabaho kung minsan ang napaguusapan namin at nagiging personal na.

My parents said I should be friends with her kaya ginawa ko naman. Mas nakilala ko si Sydney. Nalaman ko na wala pa pala itong nagiging boyfriend. Well I didn't ask about it at siya na mismo ang nagkwento.

But then ayokong umabot pa 'to ng dalawang buwan. Kaya ngayon ay inaya kong lumabas si Sydney. I need to tell her that I have to go back already and that I need her to close our deal now.

Isang dinner for two ang inihanda ko sa isang restaurant malapit sa hotel at sabay na kaming pumunta ni Sydney. Normal na sa akin ang pagiging gentleman kaya naman tinulungan ko muna siyang maupo bago ako naupo sa sarili kong upuan. Nagtanong ang waiter kaya binigay namin ang order namin pareho.

"Bakit mo nga pala ako inayang lumabas? Are you perhaps.... have a thing for me?" She speaks English fluently. Hindi naman iyon nakakabigla dahil dito siya lumaki sa ibang bansa.

Napangisi ako. Ito ang natutunan ko kay Cyrish. Kahit na hindi ang sagot ay ngumisi lang. Nakita kong pumula ang pisngi ni Sydney. I don't want to use feelings in this but if that's the only way para makabalik na ako sa Pinas ay gagawin ko.

Dumating ang pagkain namin at nagsimula na kaming kumain. Nagpapasok ako ng maiikling usapan para hindi maging boring ang paglabas namin na 'to. Nang matapos kami ay agad akong nagsalita.

"So can you think about the shares?" Alam naman nito ang gusto kong mangyari noon pa.

Natahimik siya at biglang naging seryoso. "Then after buying it, aalis ka na hindi ba?" nagtaas siya ng kilay. Medyo baluktot pa ang pagtatagalog nito.

Ngayon ko napatunayan kung bakit ang tagal na pero hindi pa rin niya tinatanggap ang gusto ko about business. She doesn't want me to go back.

She wants me to stay here.

Napahawak ako sa ulo ko pero umayos din dahil ayokong mawala sa composure. Nandito kasi kami sa isang eleganteng restaurant kaya hindi ako pwedeng mawala sa sarili. Isa pa, maaapektuhan ang pamilya ko kung hindi ko makokontrol ang sarili ko.

"I have my family in the Philippines. I have to be-"

"I love you Felix."

I know this is coming... Tss.

"You're such a sweet and loving girl Sydney but you know... I am family-oriented. I can't leave my family... If fate wants us together, we'll eventually be together in the future. Maybe not now." ginawa kong malambing ang tono ko at sincere. Well hindi kasi ako ganun kasincere lalo na at alam kong may iba nang laman ang puso ko noon pa man. Siya ang pinakarason ng pagbalik ko sa Pilipinas. Well I also consider her as part of my family. Si Cyrish na magiging asawa ko at ina ng mga anak ko.

Nakita ko na naluluha na siya kaya naman agad ko siyang inabutan ng panyo. Kinuha niya 'yon at pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata. "I-I know... sana after mong bilhin ang shares ng hotel ay wag mo akong makalimutan." she sadly said at naguilty ako dahil natuwa pa ako sa sitwasyon na 'to.

Nilabas ko ang papeles at inabot sa kanya. Kinuha naman niya ang kanyang ballpen at tahimik kong pinagmasdan ang pagpirma niya roon. My heart is beating fast because of excitement. Finally!

I'm finally going back!



The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now