Chapter 64

235 8 0
                                    

Chapter 64 || How to mend a broken heart?

Cyrish's POV

Nang imulat ko aking mga mata'y mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Dala siguro ito ng gutom dahil hindi ko na matandaan kung kailan ba ako huling kumain. Kumalam ang sikmura ko na tila ba sinasabi nitong tama ang hinala ko. 

Ngunit nagtaka ako nang mapansin kung nasaan ako. 

I can clearly remember myself inside that cave and now I am back to my room? 

Paano ito nangyari? Agad akong kinilabutan dahil sa misteryo na nangyari sa akin. Pero pwede namang may nakakita sa akin at dinala ako sa aking kwarto hindi ba? Oo nga, baka iyon lang ang nangyari o di kaya'y panaginip lang ang pagpunta ko sa kweba. 

Dahil sa ayaw ko nang madagdagan pa ang isipin ko ay hindi ko na lang pinaunlakan pa ang kahit na anong ideya tungkol sa nangyari kagabi. 

Pilit akong bumangon. I struggled to bring back my sanity kahit na ilang oras pa lamang ang lumilipas ay naiiyak na ako. Hindi ako ganito kahina at papatunayan kong kaya ko kahit wala si Felix o ang sino man sa aking tabi. I have always been so strong at hindi ako papayag na magbago iyon dahil lang sa isang lalaki. 

Bumuhos na naman ang mga alaala namin ni Felix. Yes! He's not just any other guys. Siya ang unang lalaking minahal ko. He made me believe in love when I myself tried to run away from it so many damn times!

Bumuntong-hininga ako at nag-isip ng magagandang bagay. Tutal ay nasa resort na naman ako, sasamantalahin ko na ito para makapagbakasyon. Nakakapagod din naman kasi itong mga nagdaang araw at hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit nagbe-break down ako ngayon. 

Lumipas ang mga araw na naging routine lang ang ginagawa ko sa maghapon. I was able to meet new people, learn new things from them and most especially managed to forget for awhile. Hindi na ako muling bumalik pa sa kweba sa takot na baka may mangyari na naman sa akin na kakaibang bagay. 

Pero magmula nang magpunta ako sa kweba, may mga panaginip na ako na hindi ko alam pero para bang nangyari na hindi. Makaluma ang mga imahe pero alam kong ako iyon. Hindi malinaw ang kwento sa tuwing gumigising na ako. Alam ko lang na nanaginip ako pero kung tungkol saan ay hindi ko alam. Kung mahilig lang ako sa mga fiction books, iisipin kong past life ko ito. 

Ang palaging naiiwan sa akin ng bawat panaginip ay kalungkutan. Siguro nga talaga kung ito ang past life ko, malungkot ako noon at hanggang ngayon. Para bang sinumpa...

Isang gabi bago ako matulog, nagdesisyon akong buksan na ang phone ko. Dito bumaha ng text messages. Karamihan ay galing sa aking mga magulang... alalang-alala siguro sila. I've been so selfish na kahit sila ay dinamay ko sa nangyari sa akin. I messaged them and told them I'm fine. I apologized for not saying goodbye and that I'm just in a trip. Mahirap ipaliwanag lahat ng nangyari over text at ayaw ko rin namang dagdagan pa ang kanilang alalalahanin.

Hindi ko intensyon pero napansin kong walang message kahit isa kay Felix. Huling text niya sa akin ay noong araw na iniwan ko siya. Hindi man lang ba siya nagaalala sa akin? Kung ano na ang lagay ko? Sabagay, bakit nga naman? Kung kakampi niya si Sir George ay walang dahilan para magalala pa siya sa akin. 

Pero hindi man lang ba niya ako minahal talaga?! Wala ba siyang pake man lang?!

Ibabato ko na sana ang phone ko nang i-scroll down ko ang notification at may mabasang message galing sa isang kaibigan ko. 

Mikka's back!

Agad akong nanlamig. Alam kong hindi pa rin niya ako napapatawad. Dapat akong magpasalamat dahil bumalik pa siya pero... natatakot akong harapin siya. Na baka masira ko na naman siya dahil sa sarili kong kasakiman. 

But I've already damaged her. Kinuha ko ang mga bagay na dapat sana'y nagpapasaya sa kanya. Ano pa ang panganib na maidudulot ng sorry ko? I should apologize. I know that it's the least I can do. Hindi man ako sigurado kung mapapatawad niya ako pero at least ay nakapag-sorry ako sa kanya at malaman niyang nagsisisi na ako sa lahat. 

Dahil sa bumalik na si Mikka mula sa ibang bansa ay nagdesisyon akong bumalik sa Maynila. Kikitain ko si Mikka at tyaka magpapakalayo-layo. Magpapaalam ako ng maayos sa mga magulang ko para rin hindi na sila magalala pa ng husto. They deserve a proper closure.

Kinabukasan, nagdesisyon akong tumulak na pa-Maynila. I checked out of my room and waited by the seashore. Kinalma ako ng simoy ng hangin... I can stay here all my life kung pwede lang.

Nakaramdam ako ng lungkot. Alam ko namang naghihintay ako kay Felix. Alam ko na kahit may lungkot at galit sa loob ko, a part of me, gustong mahanap niya ako. Gusto kong marinig ang paliwanag niya... Kasi umaasa ako na mali lang ako ng hinala. 

Pero nakakalungkot dahil hindi man lang siya nagabalang hanapin ako. Marahil totoo nga ang kutob ko na magkakampi sila ni Sir George. Nasaktan ko rin si Felix ng sobra... kaya hindi nakakapagtaka kung gumaganti siya ngayon sa akin. 

I stood up and gazed at the sky... and the sea. Knowing that no matter how hard I try to stop the waves in my life, a single chance does not exist. 

I'm going back to Manila and will soon disappear. This time, it's for real. 


The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now