Chapter 58

197 8 0
                                    

Chapter 58 || Friday the 13th

Cyrish's POV

Gustong-gusto ko nang sabihin kay Felix ang lahat. Pero alam kong oras na gawin ko 'yon ay maaapektuhan ang business nila. Iyon ang ayaw ko sanang mangyari. Matagal nilang pinagplanuhan ang investment na ito at kung ako lamang ang magiging dahilan ng pagkasira, then I am willing to take a step backwards.

Nakatulog ako sa bisig ni Felix. Parang pagod na pagod siya para magkasakit ng ganito. Naabutan ko siyang sobrang taas ng lagnat at parang lantang gulay.

Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito kahina... Pakiramdam ko ako rin 'yung nahihirapan. Ganito siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao. Ang laki ng pinagkaiba noong dati na isinusuka ko pa ang ideya na magmahal.

Marahil nga ay natuto na ako. Sa lahat ba naman ng nangyari sa akin - sa amin. Imposibleng hindi ako magbago.

Ilang araw ang lumipas at panay lamang ang pagdikit ko kay Felix. Hindi kami mapaghiwalay. Ako na mismo ang nagmistulang personal assistant niya dahil gusto kong alagaan siya. Kung minsan ay nahuhuli ko ang mga mapanuksong tingin ng empleyado niya dahil nga sa ayaw ko siyang layuan kahit saan man siya magpunta.

Sinisiguro ko na kahit gaano siya kaabala sa trabaho ay makakakain pa rin siya ng tama. Kapag may oras ay ako pa mismo ang nagluluto ng mga kinakain niya. Marahil maswerte lamang ako dahil sa mga araw na 'to ay walang Sir George na bumisita sa opisina nila. Kampante at malaya lamang ako sa tabi ni Felix... Hindi ko kailangang mangamba dahil ligtas ako.

Bukod sa pagiging PA ni Felix, sinusubukan ko ring tulungan siya sa business related matters kapag kaya at pinapayagan niya. Kung hindi naman ay sinusubukan ko pa ring maging abala sa mga hilig kong bagay gaya na lamang ng fashion and modeling. I keep myself updated with the latest trends and read magazines when I have the time. Ito naman kasi talaga ang passion ko.

"Mag-off ka muna sa Friday. Spend time with our friends or your parents," biglang sabi ni Felix pagdating ng Thursday ng gabi. Nagulat ako dahil dito.

Kakadala ko lang ng dinner namin sa opisina niya. He told me to wait until he's done with work. At ngayong tapos na siya sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan, iyon ang una kong narinig mula sa kanya.

Sandali akong natigilan dahil sa kanyang sinabi. Oo at may punto naman siya. Nawawalan na ako ng oras para sa ibang bagay dahil sa palagi ko siyang sinasamahan pero...

"Why?" tanong ko. Kunwari ay hindi ako naapektuhan at inayos ko lang ang mga plato para makakain na kami.

"Alam kong pagod ka. And you also have your own life. Hindi naman pwede na lagi ka na lang nandito sa opisina kasama ko," sabi niya at nakaramdam ako ng kirot. Nakakasawa na ba dahil lagi niya akong kasama? Nakikita? Ito na nga ba ang kinakatakot ko nang simulan ko ang plano kong 'to na samahan siya lagi. Natatakot lang naman ako na mawala siya ulit sakin...

Hindi ko siya tiningnan nang magsalitang muli. "I want to be with you. Just let me please," sabi ko at wala na siyang nasabi pa pabalik. Siguro ay nabasa niya rin na nasaktan ako sa kanyang sinabi. Naiintindihan ko naman na siguro nga nagaalala siya sa buhay ko. Gusto ko ring magfocus sana sa business namin ng mga kaibigan ko pero desisyon ko naman na manatili sa tabi niya...

Then Friday came.

Nag-set pala ulit ng meeting si Felix at Sir George kaya ito ang alam kong pagkakaabalahan nila ngayong araw. Kung hindi pa ipaalam sa akin ng sekretarya ni Felix ay hindi ko malalaman.

Maaga akong pumasok ngayon para sana mapakain ng breakfast si Felix dahil alam kong aabot na ng lunch ang meeting nila. Ayaw ko naman na magutom siya at magkasakit na naman...

Sa opisina ni Felix ako dumiretso. While I was actually hoping to see him drinking black coffee in the morning, iba pala ang bubulaga sa umaga ko. Agad nanlamig ang buong katawan ko...

Laking gulat ko dahil imbes na si Felix ay si Sir George ang naabutan ko. Kasama niya ang kanyang assistant pero nang makita ako ay agad niya itong pinalabas. Naiwan kaming dalawa at para bang dumikit ang distansya namin kahit na nasa may pinto ako at nasa may couch siya.

"Good morning Sir George," pormal kong pagbati sa kanya. Nagkunwari akong hindi apektado so that he'll not get through me.

Imbes na magsalita ay pinasadahan niya lamang ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I shivered. Nakakapaso ang tingin na ginawad niya sakin. Kahit na tingin lamang ay alam kong may iba nang tumatakbo sa malikot niyang isip.

Siya ang puno't dulo kung bakit nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki. Hindi siya nagbago kahit na nakulong na siya dahil sa ginawa niya sa akin. Higit pa ang ginawa niya kay Sydney. Nakakadiri siya!

"Ang laki ng pinagbago mo mula noong huli tayong nagkita..." Kinilabutan ako lalo dahil sa kanyang komento. Para bang may iba itong kahulugan. Ang tanda na niya pero wala siyang pinagkatandaan! Wala ba talaga siyang konsensya? Pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon ay nagagawa pa niyang magbaliktanaw ngayon?!

Gusto ko siyang murahin! Saktan! Pero imbes na gumawa ng kahit anong maaari kong pagsisihan ay kinagat ko na lamang ang dila ko. Kinuyom ko ang mga palad ko nang tumayo siya sa mula sa couch kung nasaan siya.

"I knew you then that you would grow like this," Isang pasada pa ulit ang ginawa niya sa katawan ko. Nanginig na ako this time.

Napapikit ako dahil sa sobrang panlulumo. Gusto ko mang magtiis at magkunwaring wala lang ang ginagawa niya ay hindi ko na kaya.

Lalabas na sana ako nang bumangga ako sa dibdib ng kung sino.

"Cyrish?" Si Felix pala ito. He's late. Hindi naman siya usually ganito pero hindi ko alam ngayon kung bakit na late siya sa meeting nila ni Sir George.

"Saan ka galing?" tanong ko at dito ko napansin na basang-basa siya ng pawis. Medyo naghahabol pa siya ng hininga na para bang patakbong nagpunta rito.

"Akala ko sa opisina ni Sir George kami maguusap ngayon kaya roon ako galing," He explained to me. He looked at me as if he was checking if I'm okay then gazed at Sir George who looked at him innocently. "Bakit hindi kayo nagpasabi na rito na tayo maguusap?" tanong niya.

"Hindi ba nasabi ng assistant ko na rito na tayo? Pagsasabihan ko muna siya na gawin ng maayos ang trabaho niya. Pasensya na Mr. Sarmiento," Pagmamalinis ni Sir George bago niya kami iniwan ni Felix.

Bakit pakiramdam ko ay may iba sa nangyari? Pagkakamali nga lang ba ito o sinadya niya?

"Ayos ka lang ba?" tanong agad sakin ni Felix. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at nang hindi pa nakuntento sa pagtango ko ay inakap niya na ako nang mahigpit.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant