Chapter 40

327 9 6
                                    

Chapter 40 || Curiosity Kills Him

Cyrish's POV

Hindi ko itatanggi na paulit-ulit na akong nasasaktan dahil kay Felix pero tingin ko rin na hindi ako dapat magalit sa kanya. Dati naman ay kinaya niya lahat ng pananakit ko sa kanya. Ilang taon din iyon pero hindi niya ako iniwan o sinukuan. Kaya naniniwala ako na dapat ako rin ay hindi sumuko dahil mahal ko siya.

Sinadya kong hindi siya guluhin ng ilang araw upang hindi siya magsawa sa akin. Sapat na ang panggugulo ko sa kanya nitong nakakaraan para hindi niya ako makalimutan.

Sa muling pagkikita namin, tiningnan ko lang siya pero hindi ko kinausap. Nagawa ko pa nga siyang iwasan sa pangalawang beses na magkasalubong kami. Bakit? Simple lang naman. I know curiosity kills him. Kaya hindi magtatagal ay siya na mismo ang lalapit sa akin para makausap ako. Sana nga lang ay pati sa panaginip niya ay makita niya ako. That would be really helpful.

I know I'm taking a risk lalo na at hindi ko alam kung may kasama na naman siyang ibang babae o kung may nirereto na sa kanya ang mga magulang niya pero kailangan kong magtimpi. Kung totoo man ang sumpa sa Amor Cave, sisiguraduhin ko na hindi ako magpapatalo sa mga pagsubok na ibibigay nito.

Ako ang naiwanan ngayon para magtagal dito sa agency namin at sinigurado ko muna na wala nang tao bago ko sinarado ang opisina namin. Iniwan ko na rin sa guard ang pagsasara ng buong building.

"Thank you po." sabi ko kay manong at napaatras nang makita ko si Felix sa harap ng building namin. Pilit kong ginawang seryoso ang mukha ko kahit na ang totoo'y ngiting-ngiti na ako. Sabi na nga ba at siya na mismo ang lalapit sa akin. 

"You're just leaving now? Uwi ba 'yan ng matinong babae?" masungit niyang tanong na mas ikinatuwa ko. Nagaalala siguro siya sa akin ngayon.

"Acting like my boyfriend now? Bakit? Natatandaan mo na ba ako?" paghahamon ko sa kanya. Nilagpasan ko siya at hinayaang sumunod kung gusto niya.

"You're so conceited Cyrish," parang bata niyang sinabi.

"Huh! Anong conceited dun?" I just rolled my eyes.

"I hired a private investigator." I simply nodded with what he said, "And according to him, we are not in a relationship." Nagulat ako dahil dalawang bagay lang ang dahilan ng nakuha niyang impormasyon. It's either nabayaran ng parents niya 'yung investigator na 'yun o hindi lang talaga ito magaling para malaman ang lihim naming relasyon.

"So? Bakit ka pa nandito kung hindi pala talaga tayo at nagsisinungaling lang daw ako?" tanong ko naman sa kanya.

Natahimik naman ito na para bang napaisip din, "Ah k-kasi gusto kong malaman mo." Huminto ako at hinarap siya ng mataray.

"Pwede ka nang umuwi," sabi ko at tinuro ko ang kotse nya hindi kalayuan. "Nasabi mo na so ayos na. Hindi mo naman siguro ako balak sundan hanggang makauwi 'di ba? The last time I know, you feel so sick with my mere presence."

Inihilamos niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha, "Hindi mo man lang ba kokontrahin 'yon?" naguguluhang tanong niya. As expected, curious na curious na siya sa ikinikilos ko. Kung bakit hindi ako ganuon kadesperada gaya ng una naming pagkikita.

"Maniniwala ka naman ba?" Humalukipkip ako at mas lumapit sa kanya. Ginawa kong magkalebel ang mukha namin and I could already feel him breathe.

"Try then." Nang sabihin niya ito ay mas lumapit siya sa akin kaya napaatras naman ako. Naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Alam kong gustong-gusto ko nang maalala niya ako at nakakakita na naman ako ng pag-asa.

***

"Tourism ang kinuha mong course kahit na malabong makatulong ito sa business niyo dahil sa gusto mo na magkapareho tayo. Hinabol mo ako kaya naging magkakasama tayo nila Kailer, Diane at Mikka." Kwento ko sa kanya. Nandito kami sa park malapit sa bahay ko. Sinabi kasi niya na ihahatid niya ako kaya naman dito ko na naisipang kausapin siya. Siya naman na mismo ang may gusto na i-defend ko pa ang sarili ko kaya I'm giving what he wants.

Kumakain kami pareho ng ice cream ngayon dahil bumili ako bago kami nagpunta rito to lighten up the mood, "Pero bakit walang nakakaalam? Kahit si Kailer at si Diane walang alam na... tayo. Hindi ka rin kinukwento sa akin ng mga magulang ko." I felt butterflies in my stomach. Now he's listening seriously and somehow considering what I'm saying. Ito na 'yung kilala kong Felix na hindi agad nanghuhusga ng tao.

Nakaupo kami ngayon sa swing at tahimik lang ang paligid. Hindi ko alam kung paano ko masasagot ang tanong niya ng hindi kami parehong nasasaktan.

Inubos ko muna ang hawak ko at pagtingin ko sa kanya ay mas nauna na rin pala siya na gawin iyon.

Tumikhim ako, "Dahil sa akin. Gusto kong kalimutan mo na 'yung dahilan kung bakit walang nakakaalam kasi kahit ako gusto ko na 'yon kalimutan. You can find proof in your facebook. Hindi ka kasi aktibo roon kaya wala rin talagang nakapansin ng litrato natin," Dahilan ko na lang.

"Bakit hindi mo ikwento?" tanong pa rin niya.

Kapag kinwento ko, masasaktan siya at mas masasaktan din ako dahil parang inuulit ko sa isip ko ang bagay na ayoko nang maalala pa. I'm emotionally done there and I don't want to be back anymore.

"Just believe me please? I am your girlfriend and that accident made you forget about me. I was with you the whole time." Alam kong talo agad ako sa pagpapaniwala sa kanya pero anong magagawa ko? Para akong mauubusan ng hangin maisip ko pa lang ang nakaraan ko. Magawa ko pa kaya ang ikwento ito sa kanya?

Tumayo siya at hindi man lang ako tiningnan, "Mahirap maniwala sa 'yo lalo na at ayaw mo namang sagutin ang simpleng bagay na tinatanong ko."

"Ayos sana kung simple lang eh." I whispered because it's actually not.

Pagkaharap niya sa akin ay ngumiti siya, "Pero wag kang magalala, I've decided to just put an end to us. Mas ayos kung magiging magkaibigan na lang tayo gaya ng alam ng marami. I don't want to complicate things anymore after what Kailer said," Nang sabihin niya ito ay bumagsak ang balikat ko.

"Ano bang sinabi niya?" Alam ko na malaki pa rin ang galit nito sa akin kahit na pilit akong humihingi ng tawad sa kanya. Kahit na magkasama na kami sa iisang trabaho, hindi pa rin mawala sa amin 'yung gap. Pero dahil halata namang wala na siyang pakielam sa akin ay hinahayaan na lamang niya ako. At least he is considering our past friendship.

"Hindi na rin mahalaga 'yon. Basta from this point onwards-"

"Hindi nga ako dapat mahalin gaya ng sabi ni Mikka sa akin noon," I tried to smile pero mukhang iba ang naging itsura ko. Akala ko ay umiiyak na ako ngunit umaambon pala. Matagal naming tiningnan ang isa't isa hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan.

Lumapit siya sa akin at agad na hinubad ang suit niya para ipatong sa ulo namin. He's still the old Felix I know but he's not mine anymore. Napatingin ako sa kanya at sobrang lapit na ng mukha namin.

"I don't regret falling in love with you because at some point in my life, you made me believe that I can also be sincerely loved. But you know what? My only regret is that I know I failed to be yours and that we were almost there." Now, I am really just the girl he almost had.

I lightly pressed my lips on his, giving up all the memories I wish he remembers.

"Paalam," Nang sabihin ko ito ay naglaho na lahat ng pag-asa sa loob ko. Huli kong nakita ang paghawak niya sa kanyang ulo na para bang sumasakit ito bago ako umalis sa kanyang tabi.

Siguro nga kaya ako ipinakalimot kay Felix ay dahil sa ito rin ang makakabuti para sa kanya. Ito naman ang parusa para sa akin lalo na sa ganitong sitwasyon nagkahiwalay si Mikka at Kailer ng dahil na rin sa kagagawan ko.

Umuwi ako sa bahay ng umiiyak at si Manang Lorna ang naabutan ko. Inakap ko ito habang malakas ang paghagulgol. Mabuti at ito ang nasa bahay dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ng parents ko sakaling malaman nila na si Felix ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

Ganito pala 'yung feeling ng heartbroken. Ito ang unang beses na nangyari ito sa akin at masasabi kong hindi madali dahil parang pinagpipira-piraso ang puso ko. Mukhang tama pala ako noon na walang magandang maidudulot sa akin ang magmahal dahil sa huli ay ako rin ang masasaktan.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now