Chapter 3

1K 21 0
                                    

Chapter 3 || Babe

Felix's POV

"Napasubo tuloy ako!" Mikka protested. Ito kasing si Cyrish ay pasimuno pa sa paglaban ni Mikka. Ayokong sumali si Mikka rito dahil sa kahit hindi siya ang mahal ko ay ayoko namang may ibang tumingin sa kanya. I want her for Kailer. They're a perfect match for me kaya hindi siya dapat mapunta sa iba.

"Edi wag ka na lang sumali. Hayaan mo siya. Wag mo nang patulan." Kanina pa yata nakakunot ang noo ko. Nagaalala lang ako para kay Mikka. At isa pa, that woman is not worth fighting for. Too confident about herself.

Nandito kami ngayon sa tabing dagat at nakatambay.

"Hindi siya pwedeng umayaw!" sigaw ni Cyrish. Tss. Here she is again for a competition. She wants to win. She wants her cousin to win this fight. Iyan ang mahirap sa kanya... tingin niya lagi lumalaban siya. Gusto niya lagi nananalo siya. She's a control freak.

Nanatili akong nakahiga sa buhangin habang sila nakaupo na.

Nakausap ko si Cyrish kanina bago siya magCR at nakita kong nasaktan siya nang sabihin ko na ayokong may ibang lalaking tumitingin sa babaeng mahal ko... Akala niya si Mikka ang tinutukoy ko pero siya naman talaga 'yon. Halos lumuwa na ang mga mata ng mga lalaki kanina habang naghaharutan sila ni Dianne. There's too much skin exposed for goodness sake! Ginawa ko na lang abala ang sarili ko sa ibang babae para hindi siya mapansin kahit na sinusulyapan ko rin naman siya kada ilang segundo.

Ayaw pa niyang aminin na nasaktan nga siya pero sabi ko nga ay magaling akong observer kaya nabasa ko sa mga mata niya ang sakit sa sinabi ko. All I need is a confirmation from her that she's actually jealous...

"Lumabas ka for once sa comfort zone mo Mikka." Dianne said and I want to shut her mouth. Ayos na naman si Mikka sa pagiging totoo sa sarili niya. Baliw na lang ang magsasabing she's not good enough. Kung siya kasi ang una kong nakilala noon ay baka siya ang mahal na mahal ko ngayon. But this is what fate wants for me.

And this is also what I want.

"Okay sasali na ako. Basta tulungan niyo ako ha?" Mas nainis ako sa pagpalakpak ni Dianne at Cyrish. Hindi nila makuha na maraming lalaki ang manunuod. Baka mabastos si Mikka dahil exposed din ang katawan nito sa swimwear na isusuot.

"Bahala nga kayo." Tumayo na ako at iniwan ko na sila.

Nagtanong pa nga si Kailer sa sumunod na araw kung bakit inis na inis ako e. Hindi ko sinabi ang nasa isip ko para sana magselos siya pero gaya nga ng sinabi ko noon... parang walang epekto sa kanya. Sinabi kong natatakot ako at ayaw kong may ibang magkagusto kay Mikka kasi gusto kong iyon ang maramdaman niya.

Minsan kaming pumunta sa training nila Mikka at nang magpunta kami roon, unang nahagip ng mga mata ko si Cyrish. Tinawag niya si Kailer pero awtomatikong napunta ang tingin niya sa akin. Napakahapit ng suot niya at kita pa ang pusod niya. Tss. I don't want other guys to see her like this pero wala naman akong magagawa. This is her style. She's gradually showing her black color to others. Parang nawawalan na siya talaga ng pake sa sasabihin ng iba.

Oo nga pala... wala naman talaga siyang pake sa sasabihin ng ibang tao sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganun siya katigas. I want to act like I own her pero wala akong karapatan. Kahit ayaw kong makita siya kasama ang ibang lalaki... kahit na ayaw ko ang mga bagay na ipinipilit niya ay hindi ako 'yung tipong iiwanan siya.

Itinuon ko kay Mikka ang atensyon ko nun. Para kasing pagod na pagod siya. I'm worried of course lalo na at may hika pa naman siya. Nagkaroon kami ng konting biruan hanggang sa nagsalita na si Cyrish.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon