Chapter 4

756 20 13
                                    

Chapter 4 || Softness

Cyrish's POV

Lasing ako pero gising na gising ang diwa ko. Sinundan ko si Felix dahil sa tingin ko dapat ay magkalinawan kami tungkol sa pinsan ko. It seems like he actually has feelings for her...bakit ako naiirita? Isn't it a good thing? A win-win situation? May lalaki nang nagmamahal sa pinsan ko, mawawala pa siya sa buhay ko... But I hate both.

"So you're really in love with my cousin huh?" Humiga ako sa buhangin at pinikit ko ang mga mata ko.

"What if I say yes? Will you get me back?"Ayan na naman siya. Get him back? Now way! He fell in my trap!

"Hindi na ako pumupulot ulit ng basurang tinapon ko na."

I ended up saying hurtful things again dahil sa pinangunahan ako ng emosyon ko na hindi ko alam kung saan ko hinugot.

"Cyrish-"

"You better love my cousin right. Wag mo siyang sasaktan dahil lang sa nakaraan natin." I said bago ako tumayo ng tuluyan. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa naparami ang inom ko kanina.

Siguro ay sapat na naman ang sinabi ko sa kanya para naman seryosohin niya ang pinsan ko at wag niyang igaya sa nangyari sa amin noon ang kanilang relasyon.

Maglalakad na sana ako nang tumayo rin siya at hawakan ako sa magkabilang braso. Muntikan na akong mapatalon sa ginawa niya dahil nabigla ako. Hinarap niya ako sa kanya at nakita ko ang mapungay niyang mga mata.

The same piercing eyes I saw years ago...

***

4th Year Highschool ako nang makilala ko si Felix. May boyfriend ako nun sa eskwelahan nila, si Renzel. Walang alam si Mikka o si Kailer. Walang alam ang kahit na sino. Palihim lang kasi ang ginagawa ko... after all, I'm just playing. Mawawala rin naman sila sa buhay ko pagkatapos. There's no way I'm going to let them stay.

I'm not only a two timer back then. Higit pa sa dalawa ang karelasyon ko sa iba't ibang eskwelahan. 'Yung iba alam nilang hindi lang sila pero 'yung iba naman walang alam. Inosente. Pinakamatagal na ang limang buwan na relasyon para sa akin. Wala akong boyfriend na lumalagpas ng limang buwan.

Pinagsabay-sabay ko si Philip, Renzel at Felix. Sa kanilang tatlo ay si Renzel lang ang may alam ng ginagawa ko. Okay lang sa kanya dahil may iba rin naman siyang babae.

Philip is a really nice guy while Felix is the total opposite of who I am. Both of them courted me. Una kong sinagot si Philip at sunod naman si Felix. Naging mahirap gumawa ng schedule para sa kanila pero nakayanan ko. It's fun anyway lalo na kapag iniisip nila na patay na patay ako sa kanila when deep in side I know I'm just playing around. Pinapagastos ko sila ng pinapagastos. Inuutusan ko ng inuutusan. I took advantage of them.

Una akong nakipagbreak kay Renzel noon dahil sa nakahanap na siya ng girlfriend niya. It was a smooth break-up I must say. Si Philip ayaw pang makipagbreak pero maparaan ako sa ganito. Kayang-kaya kong alisin ang kahit na sino sa buhay ko.

Sinabi ko lang sa kanya na may iba na akong mahal ay agad siyang nagalit at iniwan na niya akong mag-isa. Wala man lang thrill.

I want a new set of boyfriends that's why I want to break up with the three of them. Iba nga lang ang nangyari pagdating kay Felix.

Una kaming nagkakilala dahil nadapa ako sa field ng eskwelahan nila. Ang lampa ko kasi tss. To the rescue siya noon at dinala pa ako sa clinic. Doon nagsimula ang lahat. Nagkapalitan ng number at tanda ko pa ang pamumula ng pisngi niya.

Nakilala ko siya bilang studious na estudyante. He's like my friend Kailer na patay na patay sa akin. He's a good guy. Siya pa 'yung tipo ng lalaki na nakikita na ang future kasama ako.

Sa lahat ng naging boyfriend ko ay siya lang talaga ang gentleman. 'Yung tipong gusto niya palagi akong ayos. Inaalalayan niya ako at inaasikaso. Ginawa niya akong prinsesa...

But then too much kindness is sickening. He's no fun at all kahit na para pa siyang superhero.

Sinabi ko rin sa kanya ang sinabi ko kay Philip nang maglimang buwan na pero hindi siya nagalit at ang sinabi niya? He wants to stay with me kahit na may iba na akong mahal. That he'll wait till I long for him again and that we should never break up.

I cursed. I showed him how evil I am.

He saw me kissed other guys. He saw me as a bitch who should never be loved.

But then whenever I talk to him again.. he's this angelic guy na tanggap na tanggap pa rin ako kahit na ganun ako! Damn him! He did that for almost one freakin' year! Kahit si Mikka at Kailer ay never siyang nakilala kasi pinaramdam ko sa kanya na he's nothing!

And so I decided to lure him in a trap. A trap that awakened his true color...

***

"Do you really want me to love your cousin?" tanong niya at natulala ako sa mga mata niya. Ang mga mata niyang bumubuo sa mukha niyang madaling makaakit ng kahit na sinong babae maging ako. Mas lalong nadepina ang pagiging mestizo niya. Naluluha ba siya o iyon lang ang tingin ko?

Hindi na bago kung iiyak siya sa harapan ko. I've seen him cry for me so many times lalo na nung araw na pinutol ko na ang kahit na anong namamagitan sa amin. Lumuhod pa siya sa harapan ko at nagmakaawa pero binaliwala ko lang. Ganun ako katigas. Pero kahit na alam ko sa sarili kong matigas ako... kahit na sinasabi ko madalas na wala akong pake, mapasalita o kilos... alam ko sa loob ko na may sakit ako nadarama.

But in every pain you have two choices... one is to feel it and the other is to just ignore... I always pick the latter.

I nodded bilang sagot sa kanyang tanong and there I saw a tear rushed down his cheek. Hindi niya pinunasan 'yon dahil sa may sunod siyang ginawa na nagpaestatwa sa akin.

He cupped my face and his lips owned mine for the first time. I can feel the softness of his. Kahit na naging kami noon ay hanggang holding hands and hugs lang kami. He never tried to kiss me that was why I was so bored back then. I even thought he was a gay...

Pero ngayong hindi kami and he's pursuing my cousin, bakit niya ginagawa 'to? Balak ba niyang gumanti sa akin sa pamamagitan ng pinsan ko?! Balak niyang pagsabayin kami?

I pushed him away. Pinunasan ko ang labi ko at napatakip ang kamay ko roon. "F-Felix!" I hissed at tinalikuran ko siya tyaka naglakad palayo. Hindi ako dapat makaramdam ng pagbilis ng pintig ng puso pero ano 'tong nangyayari sa loob ko na hindi ko mapahinto?

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now