Chapter 51

344 7 1
                                    

Chapter 51 || Her Love

Felix's POV

I didn't realize that Cyrish will be the biggest argument I will ever have with my parents.

Binigyan nila si Cyrish ng pagkakataon. Ngunit ito ay bagay na hindi ko inasahang tatanggapin niya dahil sa kilala ko siya. I don't want things to be hard for her but I respect her decision.

Nag-intay kami na kumalma ang mga magulang ko matapos nila kaming iwanan sa sala. Pagdating ng gabi ay muli nila kaming kinausap at naging mahinahon na ang lahat.

Pumayag si Cyrish na mayroong magmamanman sa kanya kahit na saan siya magpunta gaya ng gustong mangyari ng mga magulang ko. Ayoko man ay wala na akong nagawa pa tungkol dito. Gustong patunayan ni Cyrish sa mga magulang ko na nagbago na siya at ito lamang ang nakikita niyang paraan. Ang pagpayag sa kagustuhan ng aking mga magulang.

Kapag may bibisita sa kanya kagaya na lamang ni Renzel ay agad niyang tinataboy, hindi nilalabas o di kaya'y pinapatawag niya ako. Naging mailap na siya sa ibang tao. Bawat kilos niya ay may nakamata kaya alam kong hirap din siya. Ayaw niyang mabahiran ng kahit na kaunting pagdududa ang mga magulang ko sa kanya. Ayaw niyang isipin ng mga ito na siya pa rin ang dating Cyrish.

"But if it's the only way to have you, I'm okay with it," tanda ko pang linya niya.

Bukod dito sa pagmamanman sa kanya ay kabilin-bilinan din na hindi siya pwedeng gumawa ng bagay na makakasama sa akin. Kung ano man 'yon ay hindi na inisa-isa pa pero maingat siya sa lahat ng bahay.

Sa mga oras na magkasama kami ay nakikita ko sa kanyang mga mata na mahal niya ako. Kung makikita at maiintindihan lang ito ng aking mga magulang ay madali sana. Para kasi sa akin ay sapat na ang pagmamahal na ito na matagal kong inasam makuha mula sa kanya.

Dati pa man ay malaki na ang tiwala ko kay Cyrish dahil sa naiintindihan ko siya. Alam ko rin ang nakaraan niya. Hindi ko rin naman gusto na ungkatin pa ito sa mga magulang ko dahil parte na iyon ng nakaraan ni Cyrish. Ayokong buksan ulit ang sugat niya na naghilom na.

Ngayong araw ay pupunta ako sa bahay nila para makausap ang kanyang mga magulang. Gusto kong makausap sila at mapatunayan din na seryoso ako sa kanilang anak.

Inihinto ko ang aking kotse at hindi pa man ako nakakababa ay nakita ko na si Cyrish na nagmamadali palabas ng kanilang gate. Napangiti ako, God I'm in love with her.

Bumaba agad ako ng kotse at sinalubong ko siya. Inangat ko ang dalawang braso ko para magalok ng yakap at mabilis siyang dumiretso rito habang nakangiti abot tainga. Nakita ko pa ang kinang sa kanyang mga mata. She's really happy right now and I am glad that it's because of me.

"Iniintay ka na nila sa loob," sabi niya at hinawakan ko ang kanyang kamay bago kami pumasok sa bahay nila.

Nakita ko sa sala si Tito na nanunuod ng TV at si Tita naman ay nasa kusina pa yata dahil naririnig ko ang paggalaw ng mga gamit doon.

"Magandang gabi po," bati ko nang magtama ang mga mata namin ni Tito. Hindi gaya ng pagsalubong kay Cyrish ng mga magulang ko, napakabait ng kanyang mga magulang sa akin. Pinaupo agad ako nito at dinalhan din ni Manang ng maiinom habang naghahanda sila ng hapunan sa kusina.

"Kamusta naman si Cyrish iho? Masyado ka bang sinusungitan?" natatawang tanong ni Tita sa akin bago umupo sa tabi ni Tito.

Nakita ko ang pagnguso ni Cyrish sa tabi ko na parang bata. "Ay hindi naman po," sabi ko na lang bilang sagot. Baka magtampo pa ang isang 'to.

Nagusap muna kami tungkol sa pagkawala ko noon at ang pagbabalik ko ngayon. We had a lot of things to talk about and to catch up at masaya ako na naging malinaw na sa kanila ang lahat. Natuloy pa ang pag-uusap kahit nang magsimula na kaming kumain.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now