Chapter 7

652 16 0
                                    

Chapter 7 || Nasaktan At Namumula

Felix' POV

Nandito kaming lima sa rooftop ngayon. Simula nang sabihin ko kay Cyrish ang mga nararamdaman ko ay nagsimula na naman akong masaktan. Siya lang ang may kakayahang gawin ito sa akin. Noon kasi ay puro pag-aaral lang ako pero nang dumating siya sa buhay ko ay doon nabuksan ang mundo ko.

Nakita ko na ang buhay pala hindi lang makikita sa mga librong pinagaaralan sa paaralan. Dahil ang buhay nakikita sa paligid. Nandun 'yung tunay na saya at sakit. Kapag naramdaman mo itong pareho ay dito mo masasabing totoong nabubuhay ka.

Nandito kami ngayon sa rooftop dahil dito kami dinala ni Kailer. Ito kasi ang paborito niyang lugar sa buong resort at mukhang masarap nga talaga rito lalo na at hindi tirik ang araw.

Tanda ko pa ang nangyari kagabi... Hindi na kami masyadong ginabi dahil sa nagaya na pabalik si Cyrish... She didn't say a word. Muntikan na naman siyang mabastos. Hindi ko alam kung bakit ang lakas pa ng loob niya magsuot ng mga ganung damit gayong alam naman niyang takot siya na magawan ng masama. Kahit na gaano niya ipakitang matatag siya o malakas ay mahina pa rin siya.

Kaya niyakap ko siya kagabi para mapawi ang takot niya... Sinabi ko rin na masarap sabihing akin siya dahil totoo naman. Gusto kong angkinin siya kung pwede lang. Kung pwede lang talaga.

"Ayos lang ba kayo ni Mikka?" pabulong na tanong ni Kailer sa akin. Akala ata niya ay tungkol na naman kay Mikka kaya ako ganito dahil hindi ako pinapansin nito.

"Naiilang ata dahil sa sinabi ko sa kanya."

"Sinabi mo na?"

"Oo pero wala pa siyang matinong sagot o reaksyon man lang." Gusto kong katakutan niya ang pagtatapat ko kay Mikka pero mukhang iba ang naging reaksyon niya sa sinabi ko.

"Kakausapin ko nga siya."

"Talaga?" Nagulat ako dahil wala talagang epekto sa kanya. Wala ba talaga siyang nararamdaman para kay Mikka? Kasi sa nakikita ko parang iba siya makatingin dito. Oo at halatang may nararamdaman siya para kay Cyrish pero kung tititigan siyang mabuti ay parang may iba sa kung paano niya pakisamahan si Mikka at kung paano rin siya tumingin dito. Pero binabalot siya ng pagtitimpi o pagpipigil na hindi ko alam kung bakit.

"Oo. Baka malaman ko rin kung anong iniisip niya. Sasabihin ko sa 'yo para magawan mo ng paraan."

Napailing na lang ako. Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko alam kung malaki lang talaga ang tiwala niya sa akin kaya niya hinahayaan sa akin si Mikka o natatakot lang siya sa sarili niyang damdamin.

Umalis muna kami para mangisda at mukhang naiwan talaga si Kailer para sa balak niyang pagkausap kay Mikka. How I wish na magkatapatan na sila nang sa gayon ay maging okay na ang lahat bago pa mas maging magulo ang mga pangyayari.

***

Gabi na nang makabalik kami galing sa pangingisda. Nagihaw din kasi kami sa labas at doon na kumain imbes na sa dining hall. Mas nakapagbonding naman kami at nakapagenjoy kahit na hindi kami nagkausap ni Cyrish. Hanggang lihim na tingin lang ako sa kanya.

Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong naligo. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga naging paguusap namin ni Cyrish nitong nakakaraan...

Nang matapos at mapreskuhan ay lumabas muna ako para sana bumili ng maiinom pero natigilan ako nang makita ko si Mikka na nakayuko, palabas ng kwarto ni Cyrish. Humabol naman sila ni Kailer kanina sa amin sa pangingisda at mukhang wala namang problema.

Ngunit sa kabila noon ay may nagtulak sa akin na puntahan si Cyrish. Tutal ay nakabukas ang pintuan ng kanyang kwarto ay pinasok ko na siya.

Patakbo akong lumapit nang makita ko si Cyrish na nayuko at nakahawak sa kanyang pisngi. Parang gulat na gulat siya. Bakit? Ano bang nangyari sa kanila ni Mikka?

Iniluhod ko ang isang tuhod ko at hinarap ko sa akin ang mukha niya. Kinulong ko mukha niya sa mga kamay ko at pinatingin ko siya sa akin. Kahit hindi siya umiiyak ay alam kong may dinadamdam siya. Halata sa mga mata niya 'yon. "What happened babe?" I softly asked.

Hinaplos ko ang pisngi niyang mamula-mula at kung titingnan pa ng maigi ay may bakas ng palad. Kumunot ang noo ko. "Mikka slapped you?" mariin kong tanong na mukhang naging akusasyon. Kahit na hindi maganda ang samahan namin ni Cyrish ay ayaw na ayaw ko pa ring nasasaktan siya ng kahit na sino. Kahit na siya pa ang may kasalanan. Kung pwede namang pagusapan ay bakit kailangan pang magkasakitan.

Kinagat niya ang labi niya na para bang hirap ilabas ang nararamdaman niya. Ayokong mahirapan siya sa pagsasalita o pagpapaliwanag pero gusto kong malaman ang nangyari. Inakap ko siya ng mahigpit at hinayaan kong pagpahingahin niya ang kanyang mukha sa balikat ko.

"S-She loves Kailer..." nanginginig siya nang sabihin niya 'yon. Nakaramdam ako ng takot. Takot na baka...

"Mahal mo na ba si Kailer?" Ayokong magawa niyang magmahal ng iba... Ni hindi ko nga alam kung minahal ba niya ako noon e. Pero umaasa ako na mamahalin din niya ako ngayon.

"H-Hindi pero... ayokong masaktan niya si Mikka. Alam kong ako ang mahal nito. Alam kong oras na maging sila ni Mikka... lolokohin lang siya nito. Makakahanap siya ng iba. Magagamit si Mikka...Mapaglalaruan." Nakahinga ako ng maluwag para sa takot ko pero eto na naman si Cyrish sa masyadong niyang panghuhusga. Hindi ko siya masisisi kung ganito kalaki ang takot niya sa mga lalaki. Alam ko kung saan nanggagaling ang takot niyang 'to.

"Bakit hindi mo sila hayaan Cyrish? Kasi masasaktan at masasaktan ka naman talaga kung mahal mo ang isang tao..." Tulad ko. Dahil mahal na mahal ko siya ay ako ang nasasaktan ng sobra mula noon hanggang ngayon. Nakasulat na yata sa tadhana ko ang pagiging martir. Pero hindi naman ako nagsisisi e. Tanggap na tanggap ko na itong pagmamahal ko para kay Cyrish ay kayang-kaya akong kainin ng buo. Kayang-kaya akong saktan. Pero wala akong pake. Kasi mahal ko e.

Tinulak niya ako and I saw terror in her eyes. Para bang kitang-kita ko sa mga mata niya ang nangyari sa kanya noon kahit na wala ako sa tabi niya nang mangyari 'yon.

"No! No way! Ayokong masaktan si Mikka! AYOKO!" She shouted hysterically. I got scared again for her. Namumutla na siya na para bang nakakita siya ng multo. I know her past... I know how hard it was kaya siya ganito ngayon. Kaya siya takot na takot para sa pinsan niya. Ayaw niyang matulad ito sa kanya noon... masyado niya itong pinoprotektahan. Tingin niya ay siya ito. Tingin niya dapat ay wag niyang hayaan na maulit ang napagdaanan niya. She just can't let go of her past...

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon