Chapter 8

503 16 0
                                    

Chapter 8 || Hindi Mahaba

Cyrish's POV

"Wala ka bang ibang manliligaw?" Ito ang tanong ni Mikka sa akin nang pasukin niya ako sa kwarto ko pagkatapos naming maghapunan. Alam naman niya ang password ng pinto ko dahil sinabi ko sa kanya at ganun din naman siya. Magpinsan kami kaya we trust each other. Pumasok na rin naman ako sa kwarto niya nung nakaraan para ayain siya noon sa pagpunta sa kweba. Okay lang talaga sa amin ang ganitong set-up.

"Uhmm marami. Maganda ako eh." pabirong sagot ko habang hawak ko pa rin ang phone ko. Katext ko ang mga boyfriend ko. As usual ay binobola ako ng mga 'to.

Ganito talaga ang mga lalaki lalo na kapag nanliligaw pa lang. Yup! Puro ligawan pa lang ngayon. Iyon kasi ang magandang stage. Kasi pag kayo na, doon na nagkakaroon ng ruined expectations. Ayun e. Napasagot ka na, ano pa kailangan? Susunod dyan gugustuhin na niyang bumukaka ka. Tss. But then I never do that. Hanggang date lang ako and simple gestures.

"Wag mong isali sa bilang ng lalaki mo si Kailer." Nabigla ako kaya napabitaw ako sa phone ko. Hindi ako nabigla dahil nalaman niya na may iba pa akong lalaki. Alam ko naman na they'll eventually know pero ang ikinagulat ko ay ang tono niya. Pinagtaasan niya ako ng boses sa unang pagkakataon at dahil 'yon kay Kailer.

"H-Ha?"

"Wag ka nang magpanggap sa harapan ko. Hindi na kailangan eh. Alam ko na marami kang lalaki. Na isasali mo lang si Kailer sa marami na 'yon. Ganun mo ba kagusto ng atensyon ha? Pati kaibigan natin balak mong saktan?" Natigilan ako sa sinabi niya. Mariin ang bawat pagbigkas niya ng mga salita na para bang kutsilyo ang mga 'yon. Hindi ko naman balak saktan talaga si Kailer. Hindi ko nga siya sinasagot at hinahayaan ko lang e. Kasi alam ko na hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya. Pero ang ganito? Na napagtataasan ako ng boses ng pinsan ko dahil lang sa isang lalaki? Hindi mahaba ang pasensya ko.

"Eh ano naman sa 'yo ha?" matapang kong tanong.

"Eh ano naman sa akin? Cyrish! For 10 years gusto ka ni Kailer tapos ano? Pagmumukhain mo lang siyang tanga dahil lang sa kalandian mo?!" Nasaktan ako ng sobra sa sinabi niya. Oo alam ko na totoo 'yon. Malandi ako. Pinaglalaruan ko ang mga lalaki sa paligid ko. Pinagmumukha kong tanga. Dapat lang! Pare-pareho lang ang mga lalaki! I don't trust all of them!

"Gusto mo ba si Kailer ha? Matagal na kitang napapansin eh." I want to wake her up kaya bahagya ko siyang tinulak. "Hindi ka niya magugustuhan kung umaasa ka. Sa akin lang siya gets mo? Kahit maghubad ka pa sa harapan niya, magsirko o ano ka hinding-hindi ka niya mamahalin." Gusto niya makita kung gaano ako kasama? Then I'll show her! I'll show her the beast in me that my past created!

Malakas na sampal ang binigay niya kapalit ng mga sinabi ko. Ngayon lang niya ako pinagbuhatan ng kamay. Para na kaming magkapatid pero eto kami ngayon dahil sa isang lalaki. I don't have any sibling and I treated her as one pero binabaliwa na niya ngayon.

"Para 'yan sa kalandian mo."

"Mikka!"

Sinampal niya ulit ako. Mas malakas kaysa kanina kaya parang namanhid ang pisngi ko pagkatapos

"Para 'yan sa simula ng away natin." Napaupo ako sa kama ko.

***

Hindi ako naniniwala na hindi masasaktan ni Kailer si Mikka. Noon pa lang ay ako na ang mahal niya at kaibigan lang ang tingin niya sa pinsan ko. Alam ko na kapag hinayaan ko si Kailer na mapunta kay Mikka... mahalin man siya nito ay agad din iyon mawawala. Lalaki siya e. Hahanap at hahanap siya ng bago. Kahit na kaibigan o kababata ko pa si Kailer ay naniniwala ako na isa rin siya sa mga lalaking kayang humanap ng iba.

Matapos ang araw na nagkaroon kami ng engkwentro ni Mikka ay hindi na kami nagkausap pang muli. Balak ko nang panindigan kung ano ang tingin niya sa akin.

"Si Kailer?" tanong ko kay Mikka pagkalabas niya ng kwarto niya isang gabi. May nasilip akong nakahiga sa kanyang kama at hindi ako pwedeng magkamali na binti iyon ng lalaki. Sinarado niya kaagad kaya hindi ko na masyadong nasilip.

"Hindi ko alam. Bakit?" Hindi marunong magsinungaling si Mikka kaya alam ko na agad na nasa loob ng kwarto niya si Kailer. Tss. Anong ginagawa niya doon?

"Tinawag ako sa dining hall ng isang tauhan nila pero wala naman si Kailer. May surpresa siya sa akin pero hindi ko naman siya nakita. May emergency daw na nangyari eh." Totoo ang sinabi ko. May tumawag sa akin papunta sa dining hall at pagpunta ko roon, walang Kailer na dumating. Balak ko pa namang sagutin na siya para magising na sa katotohanan si Mikka. Kung ipipilit niya si Kailer sa kanya, gusto kong maging hadlang. Dahil kapag nalampasan nila ako pareho, baka sakaling maniwala na ako na sila ang dapat sa isa't isa. Mahirap lagpasan ang isang Cyrish Villaroel.

"Ahh ganun ba? Siguro nagbago ang isip niya." Talaga lang? Bongga ang inihanda ni Kailer pero magbabago bigla ang isip niya? It's a candlelight dinner tapos ang raming nagkalat na roses sa buong dining hall. May mga tutugtog pa roon.

Hinawakan ko siya sa braso bago pa siya makaalis. "Bitiwan mo ako." daing niya.

"Ano bang problema mo Mikka ha? Mas matimbang pa ba si Kailer kaysa sa sarili mong pinsan?" Kasi iyon ang pakiramdam ko. Na kaya niya akong iwan para sa lalaking 'yon. Para lang sa isang lalaki na hindi naman niya kadugo!

"Sorry Cyrish pero ayoko lang na saktan mo si Kailer." Kaya ako ang sinasaktan niya ngayon ganun ba?

"Hindi naman siya masasaktan ah. Edi mahalin niya ako kagaya ng ibang lalaki na nagmamahal din sa akin. Ayoko lang silang itaboy kasi sayang naman." Ito ang nasabi ko sa sobrang inis ko. Malinaw na malinaw sa akin na lahat ng lalaki walang kwenta. Kung kaya ko lang diktahan si Mikka na wag na lang magmahal ng kahit na sinong lalaki ay ginawa ko na. Ayokong masaktan siya. Sabi ni Felix ay iyon talaga ang nangyayari kapag nagmamahal... Edi wag nang magmahal! Why take the risk kung bandang huli ay lolokohin ka lang din naman?

"Masasayang si Kailer sa tulad mo. Hindi ka dapat mahalin. Plastik!" Nang bumalik siya sa loob ng kwarto niya ay siya namang pagsalampak ko sa sahig. Nanghina ako sa sinabi niya.

Tama siya...

Hindi naman talaga ako dapat mahalin... wala namang nagmamahal sa akin. Kahit sabihin ng mga magulang ko na mahal nila ako... hindi ako naniniwala. Hindi ko makakalimutan kahit na kailan ang mga nangyari sa akin noon. Hinding-hindi.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon