Chapter 37

291 7 3
                                    

Chapter 37 || She's Running After Him

Felix's POV

I stayed at my condo all day. Oo at nagdesisyon akong humiwalay sa mga magulang ko pagbalik ko galing America. Naisip ko kasi na kailangan ko rin matuto kung paano maging independent and this is one way of doing it.

Nahirapan ako noong una na mapapayag sila sa gusto ko pero nang sabihin ko naman na dadalaw pa rin ako sa kanila at sasabay sa pagkain ay pumayag na lang sila.

Mabuti na nga lang at naiintindihan ako ng pamilya ko. Wala ata silang bagay na hindi binigay sa akin at hindi nila ako kailanman pinilit na gawin ang isang bagay. Para sa akin sila na yung pamilyang papangarapin ng marami.

Isang rason din kung bakit gusto kong magkaroon ng pribadong lugar ay dahil sa totoo lang, hindi ko pa rin maramdaman ang sarili ko. Hindi ko alam pero parang may mali? Parang may kulang sa sistema ko na hindi ko malaman kung ano. Dumagdag pa 'yung babaeng hindi ko kilala...

Wala akong kasama rito sa condo. Hindi rin naman ito malaki gaya ng sa iba na talagang pang mayaman. Sapat lang para sa akin ang espasyo at isa lang ang kwarto dahil wala akong balak patirahin pa. Simple lang din ang napili kong disenyo dahil hindi ko hilig ang mga bagay na masakit sa mata.

Pagkatapos ng nangyari sa aking kakaiba sa labas ay nagdesisyon akong umuwi na lang muna. Inayos ko ang mga gamit ko rito at sinabihan din ang kumpanya namin na sa susunod na araw pa ako papasok dahil gusto ko munang makapagpahinga.

It's good to be back here in the Philippines I guess.

Hindi ko pa pala nakakamusta pareho si Mikka at Kailer. May babae kasing humarang sa akin. Sino nga ulit siya? Cyril ba ang pangalan niya? Ewan. Hindi ko matandaan. She's not even important so why am I bothered about her right now?

Rumerehistro sa isip ko ang pag-iyak niya. Paulit-ulit. Bakit parang naiinis ako? Sino ba kasi ang babaeng 'yon? Anong gimik ang ginawa niya at may paiyak-iyak pa siyang nalalaman?

Gusto ko sanang itanong sa parents ko pero ayokong bigyan pa sila ng alalahanin. Sapat nang ako lamang ang nakakaalam nito. Siguro kailangan ko na talagang makausap si Kailer tungkol dito. At least he's someone close to me as a friend. Si Dianne kasi baka trip lang ako kahapon dahil alam niyang naaksidente ako. Kilala ko pa naman ang isang 'yon. She almost tried to seduce me way back in college so her credibility is at risk.

May pagkatok akong narinig sa pinto ng unit ko at agad akong nairita dahil dito. Bakit kumatok pa ito eh may pwede namang pindutin ang doorbell 'di ba? I don't remember asking for a room service at all.

Hindi na ako nagabalang sumilip at binuksan na agad ang pinto. Dali-dali namang may pumasok na babaeng may dalang tray. Pinatong niya ito sa maliit na mesa sa sala at iritable ko siyang nilapitan. "I didn't ask for this." sabay turo ko sa soup na dala niya. Nakayuko lang siya at hindi ako matingnan. "Go out and bring it with you again. Sa susunod-"

"Hi Felix." pamilyar ang boses na 'yon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yung babaeng may sira ang ulo! Ngayon ko lang napansin na hindi ito nakasuot ng uniporme kaya hindi siya rito nagtatrabaho!

"CYRIL?!"

"Anong Cyril? CYRISH ANG PANGALAN KO!" She protested after rolling her eyes. Napahawak ako sa batok ko. Nagawa pa niyang itama ang tawag ko sa kanya gayong walang pasubali na nga siyang pumasok sa unit ko?

"Anong ginagawa mo rito? Bakit alam mo kung nasaan ako? Are you stalking me?" Napahawak ako sa noo ko at napailing. Hindi pa rin ba niya ako titigilan?

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now