Chapter 47

380 9 0
                                    

Chapter 47 || Being True to Him

Felix's POV

Oo at hindi ko pa rin maalala si Cyrish, if there really is to remember.

But I want to give both of us a chance.

Simula ng gabing sinundo ko siya sa trabaho ay nakailang ulit ko rin itong ginawa. Palagi kaming lumalabas dalawa at masaya naman siyang kasama. Sometimes it feels like we are lovers and sometimes I know we are not. Pero ayos lang. Okay lang sa akin kahit malabo ang relasyon namin dahil masaya naman ako kahit ano pa ito.

We spent a week together, trying to bring back the memories I supposedly lost due to the accident.

Once she asked me, nahuhulog ka na ba?

I had a straight face as a reply and when she rolled her eyes, I silently smiled.

I know there's something inside me that is slowly changing.

Little by little, I'm moving closer to her.

And I even invited her to our company dinner tomorrow night.

Hindi dapat kami magkikita ngayong gabi pero gusto ko sana siyang supresahin kaya naman pinuntahan ko siya sa kanila.

Hindi ko alam kung anong dahilan... pero baka talagang pagka-miss ang tawag dito.

Nang malapit na ako sa tapat ng bahay nila ay binagalan ko na ang takbo ng kotse ko bago pa niya ako makita. Nakita ko kasing nasa labas siya at kasama niya 'yung lalaking Renzel ang pangalan. Kapag nakikita ko siya ay kumukulo talaga ang dugo ko.

Mukhang imbes na siya ang masurpresa ay ako pa ang nagulat ngayon.

Bakit ba sila magkasama? It's already 10 pm at dapat nasa loob na siya ng bahay. Hindi ko rin matanggap na ang igsi ng suot niyang shorts at nakasleeve-less pa siya. Masyado siyang kinulang sa tela!

Hindi na ako nakababa lalo na at sumakay si Cyrish sa motorsiklo nung Renzel at mabilis niya itong pinatakbo. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad itong sinundan. Magkahalong inis, pagaalala at selos ang bumalot sa buong pagkatao ko.

Sa bilis ng takbo nila ay takot na takot akong maaksidente sila na wag naman sanang mangyari...

Gusto kong bugbugin ang lalaking kasama niya ngayon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka talagang mapatay ko siya.

Hindi naman kalayuan ang hinintuan nila pero hindi rin maganda ang kanilang pinasukan. Bar ito na malapit lang sa subdivision nila Cyrish. Pakiramdam ko nga ay nakapunta na ako noon dito pero hindi ko lang maalala.

Bumaba sila at sumunod ako papasok. Pagtungtong ko pa lang sa loob ay amoy ko na agad ang singaw ng katawan ng mga tao rito. Naninipang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo ang sumalubong sa akin. Napatakip na lang ako ng ilong at pagkatapos ay mabilis na hinanap ng mga mata ko si Cyrish na siya naman talagang pakay ko.

Hindi ako nahirapang makita siya. Para bang sanay na sanay na akong hanapin siya rito.

She was just sitting in a couch while several boys came rushing towards her. Habang panay ang salita ng mga ito sa kanya ay seryoso lang ang kanyang mukha. Nagsimulang uminit ang pakiramdam ko lalo na at hindi ko na nagugustuhan ang mga nakikita ko.

Nang may isang lalaking hahawakan na siya sa hita ay hindi na ako nakapagpigil, lumapit na ako at dapat sana papalisin ang kamay nito pero nauna si Cyrish. She abruptly saved herself from those men.

She then stood up and looked straight into my eyes. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya bago niya ako nilagpasan palabas ng bar.

Napamura ako sa isip bago ko siya sinundan. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari ngayon. May nagawa ba akong masama? May nangyari ba? Baka naman siya ang nagka-amnesia?!

Mabilis kong hinabol si Cyrish at mabuti nagawa ko siyang hawakan sa braso. Hindi ko na kaya pang manghula dahil sumasakit lang talaga ang ulo ko.

"Ano bang problema Cyrish?!" Napasabunot ako sa buhok ko at doon niya ako hinarap. "Akala ko ba maayos na tayo? Hindi ba ginagawan natin ng paraan para makaalala ako? Pero ano 'to?!"

Hindi siya nagsasalita. Parang hirap na hirap siyang isipin ang sagot sa tanong ko kaya mas nahirapan akong sikmurain ang mga nangyayari lalo na at hindi siya makasagot.

"Sumagot ka naman Cyrish! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon at nagkakaganito ka..."

Pumikit siya nang mariin bago malakas na sumagot sa akin.

"Eto! Eto ako noon! You have to know who I was in order to remember me. You have to meet the girl you loved, the one you changed!" Ramdam ko ang sakit sa pagbitaw niya ng bawat salita. Kahit ako ay nasasaktan din para sa kanya. Parang hirap siyang ipagtapan sa akin ang lahat ng ito pero kailangan.

Ito siguro ang babaeng inaayawan ng mga tao sa paligid ko. Ito 'yung babaeng gustong ilayo ng lahat sa akin. Pero sigurado akong may rason kung bakit siya ganito at kailangan lang niya itong sabihin sa akin para maunawaan ko siya.

"Bakit? Bakit ka ba ganyan noon?" tanong ko.

Umiling siya. May takot sa mga mata niya na agad din niyang itinago nang makitang nababasa ko ang nasa isip niya.

"I can't... I can't tell you myself. You have to find out from someone else," Mukhang sobrang hirap nito para sa kanya kaya mas pinili kong hindi na siya pilitin pa.

Basta alam kong may rason ay ayos na sa akin. Iintindihin ko siya.

Panay ang pagpunas niya ng kanyang pisngi kahit na hindi naman siya tumitigil sa pag-iyak. Hinila ko siya at kinulong sa mga bisig ko. Hindi naman niya kailangang gawin ito para lang sa akin.

"Kung nagbago ka na, nagbago ka na. Hindi na iyon dapat pang balikan," Naramdaman ko ang pagyakap niya ng mahigpit sa akin. "Talikuran ka man ng lahat, husgahan at ipagtulakan, hindi ko iyon gagawin sa 'yo."

Kasi ramdam kong mahal kita... kahit isip ko ang nakalimot ay naaalala ka ng puso ko.

These are the words I wanted to say but instead, I decided to tighten my hug to let her know somehow my feelings for her.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now