Chapter 10

502 14 0
                                    

Chapter 10 || Sayaw

Cyrish's POV

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakahinto na ang sasakyan nila Felix. Nagulat ako dahil pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na kami ng bahay ko. Ginalaw ko ang ulo ko kaya bumagsak ang ulo ni Felix at nagising siya. Why the hell is he leaning on me?! Mukhang tulog din ang kanyang driver.

"Sh*t Felix. Dapat ginising mo ako." pabulong kong reklamo. Kinusot niya ang mga mata niya at ngumisi.

"Ang sarap ng tulog mo sa balikat ko e." At mahina siyang tumawa. Duh!! Inirapan ko lang siya at lalabas sana nang mapaupo ako sa hita niya. Agad na nagwala ang sistema ko kaya madali akong tumayo at lumabas na nang tuluyan.

"Attend ka ng party ko ah?" Umirap na lang ako at sinarado ang pinto ng van bago naglakad ng mabilis papasok sa bahay. Bwisit talaga siya kahit kailan.

***

Birthday ni Felix ngayong araw kaya imbitado kaming apat sa party niya. Nagsuot ako ng black dress na backless at above the knee. Fit din ito para mas makita ang sexy kong katawan. Hinayaan kong bagsak ang buhok ko at pinlantsa ito kaya medyo humaba kaysa sa normal kong buhok. Hindi rin ganun kataas na heels ang sinuot ko na pinareha ko sa silver na necklace, bracelet at earrings ko. Nang makita kong ayos na ako ay tyaka ako bumaba. Naabutan ko si Kailer na nagiintay sa akin. Siya kasi ang nagprisenta na susundo sa akin. Talagang nagtext pa siya sa akin kahapon para sabihin iyon. Oo nga pala, muntikan ko nang malimutan na boyfriend ko siya.

As usual ay wala na naman ang parents ko. Si Manang Lorna lang ang kasama ko. Matagal na namin siyang kasambahay at halos ito lagi ang nakakasama ko sa bahay. Mas malapit pa nga ako sa kanya kaysa sa sarili kong mga magulang e. Matanda na siya kaya naman hindi ko siya gaanong pinapakilos o pinapagawa ng mga extreme works.

"Let's go?" aya ko kay Kailer na hindi maalis ang titig sa akin. Minamanyak pa yata ako ng isang 'to.

Siya ang nagdrive papunta sa bahay nila Felix. Yup! Doon gaganapin ang party dahil malaki ang bahay nila. Talagang umunlad sila nang magpunta sila rito sa Maynila. Sa pagkakaalam ko ay mayaman ang lolo at lola niya. Nang mamatay ang mga 'to ay namana ito ng kanyang mga magulang. Katatapos lang namin ngayon ng college at tingin ko pwede na siyang tumulong sa business nila. Hindi ko nga lang gets kung bakit tourism ang kinuha niya gayong may business sila na dapat niyang asikasuhin.

Nang makapagpark na ay agad akong pinagbuksan ng pinto ni Kailer kaya bumaba na ako. Sabay kaming pumasok sa loob kung saan nakita namin agad si Felix sa isang lamesa kasama si Dianne. Naupo kami roon at binati siya ni Kailer.

"Happy..." Natigilan ako dahil sa matamis niyang ngiti. Ugh. "Birthday Felix." sabi ko at agad nagiwas ng tingin.

"Si Mikka?" tanong niya.

"Ewan." sagot ko. Ganun katipid.

"Salamat sa pagpunta!" sabi niya pero hindi ko na pinansin. Hinarap ko na lang si Kailer tapos hinawakan ko ang kamay niya. Tumikhim si Felix sa ginawa ko. Bahala siya sa buhay niya.

"Mikka!" tawag ni Dianne. Napatingin ako saglit sa kanya pero binalik din agad ang atensyon kay Kailer na namumula. Pabebe pa.

Si Mikka naman ang suot pang manang. Ewan ko ba sa kanila ni Xandreen. They really have bad taste in Fashion. Si Xandreen medyo tanggap ko pa na ganun pero si Mikka? Ayaw lang niya ilabas ang pagiging fashionable ng mga Villaroel.

"Anong regalo mo kay Felix?" tanong ko kay Kailer para may mapagusapan lang.

"Shirt na gusto niyang bilhin noon." sabi niya ng nakangiti. Kung tutuusin, may maipagmamalaking itsura si Kailer lalo na at isa siyang Ramirez. Chinito siya at maganda rin ang katawan pero hindi lang talaga ako mahuhulog sa kahit na sino pang diyos ang itsura.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now