Chapter 61

241 5 0
                                    

Chapter 61 || To Love Her

Felix's POV

I received a call from Sir George the night I asked someone to investigate about him. I don't know if it's just coincidence o nakatunog agad siya sa inutos ko.

Gusto niyang magkita kami dahil may importante raw siyang sasabihin. Nang tanungin ko naman kung tungkol saan ay mas gusto raw niyang harapang sabihin. Dahil baka tungkol ito kay Cyrish ay pumayag akong makipagkita. Because if it's for her, I am willing to do anything.

Sa malapit na coffee shop sa aking opisina kami nagdesisyong magkita. Nauna siya sa akin kaya naman siguradong mahalaga nga ang kanyang sasabihin. I know that he wouldn't waste his time for some sh*t. Kung tungkol naman ito sa kumpanya at investment niya ay alam kong hindi na niya kailangan pang makipagkita sa akin ng gabi dahil pwede naman niyang idaan sa tawag o 'di kaya ay mag-set siya ng pormal na meeting namin kinaumagahan.

If it's this urgent, I guess this is something personal and important.

Nang makita ako ni Sir George ay agad niya akong tinawag para maupo. He looks so uneasy. Umorder muna kami bago kami binalot ng nakakabinging katahimikan.

He was the one who broke the silence first. "I guess Sydney told you already," He calmly said. Pumasok agad sa isip ko ang ipinagtapat ni Sydney sa akin.

"Kaya ganyan ka makatingin ngayon sa akin," There was a bit of humor mixed with sadness in his eyes now.

I got confused.

"Go to your main point," sabi ko. Hindi ko alam kung anong itsura ko ang kanyang tinutukoy pero hindi ko mapigilan ngayon ang pagkunot ng noo ko. I am thinking of the absurdity of everything that's happening now.

"She lied to you," He abruptly said.

"Anong ibig mong sabihin?" I clenched my jaw.

Before he even speak again, dumating na ang waiter at nilapag ang order namin sa lamesa. Nakahinga lamang siya nang makaalis na ito. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

"It was a set-up. I don't know what she wants from me but it ended like this. Inalam ko kung bakit para bang ilap kayo ni Cyrish sa akin at nalaman ko nga ang ikinalat ni Sydney na kasinungalingan," He paused, as if wanting to give me time to digest everything he said. He looks mad for that particular reason.

"Totoong may nangyari sa amin. I thought it was okay. Lalaki lang ako at nang magpakita siya ng motibo sa akin ay bumigay ako. I feel so sorry right now because that tainted our business relationship. Gumagawa na ako ng aksyon ngayon para malinis ang pangalan ko," Hinilamos niya ang kanyang dalawang kamay sa mukha - as if frustrated with what he just revealed.

Pero hindi pa rin ako tuluyang naniwala sa kanyang isiniwalat sa akin. It's so sudden - so unreal.

"Paano naman ako maniniwala sa 'yo?" paghahamon ko kahit na alam kong baka may nakahanda na siyang sagot sa akin. Hindi naman kasi siguro susugod nang walang bala.

Mas inilapit niya ang mukha sa akin sabay tingin sa paligid kung may nakikinig man.

"I have a video of what happened to us. At kung gusto mo pa 'yon makita para maniwala, ikaw ang bahala. But I swear that it was not forced," Gusto kong manuntok dahil sa bagay na sinabi niya. Why would he take a video of them doing something so intimate?! Bumaba lalo ang respeto ko sa kanya.

Ngunit ayoko nang mamagitan sa kanilang dalawa. "Bakit sinasabi mo pa 'to sa akin?" tanong ko.

"Because I think you deserve to know. Ayaw kong mahulog ka sa patibong nya. Sapat na ang pagsira niya sa pangalan ko pero ayaw ko magtagumpay pa siya sa balak niyang gamitin ang nangyari samin para sirain kayo ng girlfriend mo," Nanlaki ang mga mata ko. Iyon ang dahilan kung bakit ako nilapitan ni Sydney nung gabing 'yon?

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora