Chapter 29

319 10 0
                                    

Chapter 29 || Let's Try Again

Felix's POV

Sa bawat tanong ni Cyrish sa akin ay naguumapaw ang saya sa puso ko. Nararamdaman ko kasing habang tumatagal ay mas nagkakaroon siya ng pakialam sa akin. And that's a good thing right?

Pabalik na kami ngayon sa bahay ni Cyrish at doon muna tutuloy si Xandreen dahil ginabi na kami.

Hindi pa rin nga ako kinakausap ni Cyrish magmula nang halikan niya ako. Sa tuwing naaalala ko iyon ay napapangiti ako. Oo at alam ko na ganun si Cyrish sa ibang lalaki, she do initiate the kiss pero iba kasi pag sa akin. We never kissed before when we were still together. Bilang pa rin sa kamay ang paglalapat ng mga labi namin. For the first time, she started the kiss.

"Stop it Felix." Napasulyap ako kay Cyrish at naka-pout ito. Mukha kanina pa ako nababaliw dito. Halatang nahihiya sa ginawa niya kanina. Abot-tenga lalo ang ngiti ko.

"Sige sige." sabi ko lang kahit pakiramdam ko nagwagi talaga ako sa araw na 'to.

Napatingin ako kay Xandreen na tahimik lang at mukhang may malalim na iniisip. Mabuti nga at hindi siya naligaw kanina. May nangyari kaya sa kanya habang nasa ferris wheel kami?

Kung meron man ay sana magandang bagay ito.

***

"Nadadalas yata ang paglabas-labas niyo ni Cyrish ah." nakangiting sabi ni Mama sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila ni Papa at tyaka sila niyakap pareho ng mahigpit.

"Anong meron?" tanong ni Papa habang natatawa akong niyayakap pabalik.

"I think I'm getting her back." masayang balita ko. Ayoko pa sanang sabihin dahil gusto ko pag kami na talaga pero hindi ko na mapigilan.

Nagmamadali na akong pumunta kina Cyrish. Sinabi ko kasing sasamahan ko sila ni Xandreen sa book signing ni Tito Romuado. Pumayag nga agad ako kahit na hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Syempre dahil kasama ko si Cyrish and I know it's a quality time.

Pagdating ko sa bahay nila Cyrish ay ayos na silang dalawa ni Xandreen. Tinuro ni Cyrish ang pinsan niya na bakas sa mukhang excited na ito sa pupuntahan namin. Napangiti na lang ako. Lalo nang makita ko ang maaliwalas na mukha ni Cyrish.

"Saan ba tayo nito?" tanong ko habang papunta na kami sa kotse ko.

Pinagbuksan ko sila ng pinto at tyaka ako pumasok sa loob. "Sa beach nila Kailer, Eisen Beach Resort remember?" tumango ako. Alam ko naman kung paano papunta roon.

Gusto ko sanang kausapin si Cyrish habang nagmamaneho ako pero pareho sila ni Xandreen na nakatulog sa byahe. Napuyat ba sila kagabi at mukhang antok na antok sila?

Mabuti at hindi ako nakaramdam ng antok sa buong pagmamaneho ko at nang makarating kami sa resort ay nagising na sila. "Sorry nakatulog pala ako." sabi ni Cyrish sabay hikab. Nauna nang bumaba si Xandreen sa amin.

"Ano bang ginawa niyo kagabi?"

"Girl thing." sabi nito sabay kindat bago bumaba. Girl thing?

Pagbaba ko ay hinabol ko si Cyrish at Xandreen na patakbong nagpunta sa may lobby. Malapit dito ang conference room at sa labas, makikita agad ang maraming tao na kagaya ni Xandreen. Mukhang sikat na sikat talaga ang tatay ni Kailer.

Pinapasok na kami sa loob ilang sandali lang at agad na pinapila. Sa harapan ko si Cyrish habang sa harapan naman niya si Xandreen. Nakipila na kami at aalis din pag nakapagpapirma na siya.

Rinig na rinig ko sa conference room ang boses ng mga gustong magpabook sign. Halatang excited silang lahat kagaya ni Xandreen at may ilang nagsisingitan pa sa pila. Mabuti nga at hindi ginamit ni Xandreen ang koneksyon niya para hindi na niya kailanganin pang pumunta rito.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now