Chapter 60

254 7 0
                                    

Chapter 60 || The Biggest Mistake

Cyrish's POV

"You are cordially invited..."

Hindi pa man ako nakaka-recover sa nangyari noong Biyernes ay nagkaroon na agad ng part 2 ang kaba ko dahil inimbitahan kami ni Sir George sa kanilang bahay. He's throwing a party for his birthday this Sunday and Felix and I are formally invited.

Sorry but I am not happy that he was born. Kung pwede ko lang i-wish ang pagkawala niya ay baka ginawa ko na.

And something's weird... Si Felix pa mismo ang nag-aya sa akin na pumunta. Para bang wala lang ang mga nangyari nitong nakakaraan. Hindi pa ba siya talaga nakakatunog sa sikretong tinatago ko? O hindi ba halata na ayaw ko kay Sir George and I am so much willing to go as far way as I can from him?

Dahil gusto kong matigil na lang ng tuluyan ang pag-iisip ni Felix tungkol sa koneksyon namin ni Sir George ay nagkunwari na lang akong ayos lang sa akin ang lahat. Kahit na may epekto pa rin sa akin ang huli niyang pagkikita.

Mas nagtaka ako nang wala na siyang tanong na ibinato pa sa akin... Hindi gaya nitong mga nakaraang araw na marami siyang tanong na hindi ko masagot-sagot.

Pagdating ng dilim ay pilit kong itinulog ang takot at kaba sa sistema ko. Nang buong akala ko ay ayos na ako... nagkamali lang pala ako.

Hindi ako nakatulog. Nagigising ako dahil sa bangungot ng nakaraan.

Mabilis naman lumipas ang araw. Tiniis ko ang hirap ko sa pagtulog... Mabuti na lamang at parang naka fast forward ang oras. Hindi ko namalayan ang pagdating ng gabing tinatakasan ko. Now that it's here, I know that it's impossible to run away from it.

Pormal na event ito ngunit hindi gaya noon, hindi ko na masyadong pinaghandaan ang ayos ko para hindi na ako mapansin pa ng kahit na sino. I am different from the Cyrish from before who wants attention and fame.

Mabigat man ang pakiramdam ko dahil sa hindi ako nakatulog nang maayos, bumangon pa rin ako. Black long gown na sleeveless lamang ang isinuot ko. Walang kahit anong disenyo. Nagsuot ako ng silver necklace na buwan ang design, silver stilletos, at hinayaang nakapuyod ng isa ang buhok ko. Nag-iwan lamang ako ng kaunting laglag.

To finish my look, I applied red matte lipstick and powder. That's it!

Sinundo ako ni Felix sa bahay. Pagka-doorbell niya, huminga muna ako nang malalim at patakbong binuksan ang pintuan.

"Hi!" sabi ko kay Felix at nakatitig lang siya sa akin. Napangisi ako kasi wala siyang sinasabi. "Uy!" sabi ko at doon lang siya kumurap!

"You look beautiful-"

"I know!" pagpuputol ko sabay tawa. Kumapit agad ako sa kanyang braso at naglakad na kami papunta sa kanyang sasakyan. Wala naman kasi ang mga magulang ko para kausapin pa niya dahil gaya dati, may mga kailangan asikasuhin sa negosyo namin.

Nang makarating kami sa bahay ni Sir George, huminto kami sa harap nito dahil may pa-red carpet pala. Nakita ko mula sa loob ng sasakyan na may mga camera sa paligid!

"Ano bang meron talaga?" nagtatakang tanong ko kay Felix.

He was just cool in his response. "Birthday ni Sir George. Ganyan daw talaga 'yan mag-celebrate."

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now