Chapter 24

427 12 1
                                    

Chapter 24 || Forgiveness

Cyrish's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong wala ako sa kwarto ko. Amoy gamot sa paligid. Ospital ito sa tingin ko pero paano ako nakarating dito?

"Oh thank God you're awake!" boses iyon ni Mommy at nakita ko siya kasama si Daddy.

"Bakit mo ginawa 'yan?!" galit na tanong ni Daddy.

Yes... I want to kill myself. I want to end my life kasi gusto kong pagbayaran ang ginawa ko kay Mikka at sa kanyang anak. I deserve to die. I deserve to go to hell... Bakit ba nandito pa rin ako hanggang ngayon?! I don't deserve to f*cking live!

"C-Cyrish..." That voice. Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Felix.

Siya.

Mapula ang mga mata niya at ilong na para bang galing lang siya sa iyak. Siya ba ang nagligtas sa akin?

"Dapat hinayaan niyo na lang akong mamatay!" I shouted at kahit na pigilan ko ang pagagos ng luha ko ay hindi ko na magawa. Tanging hikbi ko ang narinig ko sa buong kwarto at kahit na tinatahan na nila ako ay wala itong epekto sa akin. Ang bigat bigat ng loob ko. Pakiramdam ko napakalaking bagay ang pasan-pasan ko.

"Pwede ko po ba siyang makausap muna?" narinig kong sabi ni Felix sa parents ko at walang pagtanggi ang nagmula sa kanila. Gaano ba nila kakilala ito at ganito na lang nila ako kung ipagkatiwala?

I hate him being here... because it feels like it's okay to be weak.

Iniwan nila kami ni Felix at mas humagulgol ako.

"Shh... don't cry babe... everything's gonna be alright." Nang sabihin niya 'yon ay hindi ko na napigilan ang pagyakap sa kanya. Hindi ko kayang mag-isa. Matagal ko nang alam 'yon pero nagtatapang-tapangan lang ako. I know everything's not going to be fine!

"Namatay ang b-baby ni Mikka... ako ang may kasalanan... a-ako ang may-"

"It's not just your fault... that didn't happen kung hindi rin nagmatigas si Kailer... And that's what fate wants for them I guess.. Pagsubok sa relasyon nila kung ano man ang nangyari. Stop thinking negatively please."

"P-pero- I destroyed them!"

"Kung sila talaga, magiging sila. Oras lang ang kailangan."

"But-"

Hinaplos niya ang buhok ko ng dahan-dahan na medyo nagpakalma sa akin. Natigilan tuloy ako sa pagsasalita. "I thought you'll never wake up. Isang linggo kang walang malay. I heard everything from Mikka's parents. They'll send Mikka to France with her friend."

I got surprised dahil isang linggo na pala ang nakalipas. Nabigla din ako dahil aalis si Mikka papuntang France. Maybe this friend is someone I don't know. Kung sino man siya, bakit niya isasama ang pinsan ko sa hindi pamilyar na lugar? Paano si Kailer ngayon?

Gusto kong sampalin ng malakas ang mukha ko dahil sa ang kapal kapal ko para magalala ako sa kanila. Ako naman ang may kasalanan!

"Babe... can you please learn to accept things? Nangyari na ang nangyari. Pain is inevitable but you know what? Suffering is optional. Ang magagawa mo na lang ay ang magpatuloy sa buhay despite all the pain. Kung nasaktan ka noon, ipakita mong deserve mong hindi masaktan. Kung isa ka sa dahilan ng pagkawala ng baby ni Mikka, then prove to that little angel of hers that you deserve to live. You can live that life she almost had. You need to be happy para naman hindi mawalan ng silbe ang pagkawala niya."

"We all have a purpose in life kaya tayo nandito sa mundong 'to hanggang ngayon. I know my purpose is to stay with you and love you unconditionally." dugtong niya na nagpaluha sa akin ng sobra. Hinang-hina pa rin ako at para akong gusali na paguho na.

Sa haba ng sinabi niya ay talagang naisingit pa niya ang feelings niya para sa akin. Tss... dumidiskarte pa rin. But then, his words of encouragement.... nakagaan sa nararamdaman ko. Mukhang kahit papaano ay may pakinabang din pala siya.

Unti-unti akong tumigil sa pagiyak. Ito pala ang unang beses na umiyak ako ng ganito. I was so scared matapos akong iwan ni Kailer ng gabing 'yon. I can't believe I caused them that much... pero naisip kong tama si Felix.

Ito na siguro ang hudyat para tapusin ko lahat ng hinanakit sa loob ko. This is maybe a wake up call for me. Alam kong magiging mahirap pero pakiramdam ko ay kaya ko basta nasa tabi ko si Felix... alam kong nakakatawa pero mukhang kailangan ko pala talaga siya.

Hindi na ako nagtagal sa ospital dahil sa kagustuhan ko. Nakabalik na ako sa bahay at nagtaka ako nang hindi pumasok pareho ang parents ko. Tapos hindi rin ako iniwan ni Felix. Our house is crowded than usual. Hindi ako sanay.

"Anong ginawa mo sa parents ko ha?" bulong ko kay Felix. Nandito kami sa sala ngayon at kahit naka-on ang TV ay nakatingin naman sa kusina kung nasaan sila Mommy at Daddy. Naghahanda sila ng lunch. Bihira ko silang makitang ganito. Madalas nga kasi ay wala sila rito sa bahay kaya pag wala si Manang ay naiiwan akong mag-isa. Pakiramdam ko ginamitan sila ng magic para maging ganito sila.

"Wala akong ginawa. It's their own will."

"Tss." I rolled my eyes. "Umalis na lang sila." At tumingin ako sa TV para subukang manuod pero nagsalita si Felix.

"Hephep! Ayan ka na naman sa pagiging bitter mo e. Hayaan mo sila. They're reaching out. Kung hindi mo kayang iabot ang kamay mo then just let them do this." sabi niya na nagmamagaling. Hmp! Umirap ulit ako. "Napatawad mo na ba lahat ng involve sa nangyari sa 'yo years ago?" Natigilan ako sa sinabi niya.

Oo... may kirot pa rin sa loob ko sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa akin noon pero sabi ko nga ay balak kong tanggapin na parte na 'yon ng nakaraan ko. Hindi ko na sinisisi si Mikka o ang parents niya... hindi na rin ang parents ko. Siguro ay isang pangyayari 'yon na hindi ginusto ng lahat...

Dapat kahit paunti-unti ay matanggap ko.

"Napatawad ko na sila pero oras pa ang kailangan ko para maghilom na talaga ang mga sugat e. Isa pa, gusto ko rin na tuluyang mapatawad ang sarili ko. Sa papanakit sa iba... lalo sa mismong sarili ko." sabi ko. Gusto kong ayusin na ang buhay ko. Gusto kong ibalik ang Cyrish noon. Nung hindi pa ako nasasaktan. Ako na masayahin, simple lang at hindi wild.

Hindi ko alam pero gustong-gusto kong maging open kay Felix... kahit na takot pa rin ako...

"Ako ba? Okay na ba tayo?" Natahimik ako sa tanong niya. Takot pa rin ako sa kanya... takot akong masira ang tiwala ko kapag hinayaan ko ang sarili ko na pagkatiwalaan siyang muli...


The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon