Chapter 11

486 13 0
                                    

Chapter 11 || Parking Lot

Felix's POV

Ngayon ang kaarawan ko at nandito nga ang babaeng mahal ko pero hawak naman ang kamay ng ibang lalaki.

Wala akong ibang nagawa kundi ayain si Mikka para makalayo sa sakit na nararamdaman ko. I got too emotional while dancing with her... lalo na nang makita ko pa si Cyrish na nakayakap kay Kailer habang nagsasayaw malapit sa akin.

Gusto niyang mahalin ko ang pinsan niya hindi ba? Osige!

Nilapit ko ang sarili ko kay Mikka na ikinagulat niya.

"Hindi ako nagbibiro sa sinabi kong mahal kita." Ito ang gusto kong sabihin kay Cyrish ngayon. Noon pa man ay nasabi ko na rin sa kanya 'to pero binaliwala niya.

"Umayos ka nga." sabi ni Mikka. Nawawala na talaga ako sa sarili ko ngayon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Parang dinudurog ang puso ko lalo na at alam kong magkayakap 'yung dalawa habang nagsasayaw. Ang tanging itsura na naipakikita ko ay pagiging seryoso.

"Dinadaan ko lang sa biro pero totoong matagal na kitang mahal... Mikka naman. Bigyan mo ako ng chance na patunayan ko ang sarili ko sa 'yo." It was as if I'm talking with Cyrish right now. Nasisiraan na talaga ako ng bait.

"I'm sorry Felix... may iba akong mahal." Alam ko. Alam ko na mahal niya si Kailer. Alam ko rin na parehong may mahal na iba ang mahal namin.

Hinabol ko siya kahit na nung una ay naestatwa pa ako. Naabutan ko siya sa may parking lot at pilit kong inakap. Pakiramdam ko si Cyrish ang yakap yakap ko sa mga oras na 'to.

"Ano ba?! Bitiwan mo na ako Felix! Tama na! Sinabi ko na sa 'yo 'diba? May iba akong mahal!" sigaw niya pero hawak-hawak ko lang siya habang kaharap ko na ngayon.

"Ayoko Mikka! Ang tagal kitang inintay tapos sasabihin mo may iba kang mahal ha? Hindi pwede 'yan! Ako na lang please!" Higit pa rito ang ginawa kong pagmamakaawa kay Cyrish noon pero parang wala lang sa kanya. Ni hindi siya nagdalawang isip na paalisin ako sa kanyang party kahit na alam niyang planado ang lahat!

Kung kami na lang kaya ni Mikka? Kami na lang kaya? Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ngayon.

Namanhid na yata ako dahil sa hindi ko man lang naramdaman ang sakit nang may kamaong tumama sa mukha ko. Nakita ko si Kailer at agad pumasok sa isip ko ang ginawa nila ni Cyrish sa party ko. Akapan? Landian?

"Bakit mo ako sinuntok ha?!" At nagawa pa niyang suntukin ako ulit. Wala siyang alam kaya hindi ako gumanti! Hindi niya alam na dalawang tao ang nasasaktan nila ni Cyrish! Ako at si Mikka!

"Tama na Kailer..." sabi ni Mikka na nasa likod niya ngayon dahil dinala niya ito roon para protektahan mula sa akin. Kung alam lang niya kung sinong gago ang higit na nananakit dito... suntukin niya ang sarili niya!

"Ayaw nga ni Mikka 'diba? Matuto ka namang rumespeto. Sinabi ko na sa 'yo na hindi maganda ang ugali mong 'yan eh." Nangangaral na naman siya. Oo aaminin ko na inalis ko sa pagkatao ko ang Felix noon na sobra kung rumespeto sa babae. Nagagawa ko na ngayon ang tinatawag nilang flirting lalo na sa mga babaeng magaganda talaga. Ginagawa ko ang mga ito para makita ni Cyrish kung sino ang pinakawalan niya. Kung sino ang sinayang niya. Kung sino ang tinatawag niyang basura ngayon.

Pero kahit na minsan ay hindi ako umabot sa puntong nambastos ako ng babae. Alam ko ang limitasyon ko. Babae rin ang nanay ko kaya imposibleng magawa ko sa isang babae iyon.

Tiningnan ko ng masama si Kailer. Susuntukin ko sana siya pero mabilis siya at naunahan ako. Balak ko siyang suntukin dahil sa pagiging manhid niya sa nararamdaman ni Mikka. Sa nararamdaman namin dalawa. "Hindi ka parin natatauhan ha? Layuan mo na lang si Mikka. Ayoko nang maging kaibigan ang gaya mo. Nung una gusto kita para sa kanya pero ngayong nalaman ko ang kakitiran ng utak mo, nagbago na ang isip ko." litanya niya na nagpainit ng ulo ko at nagpasakit ng dibdib ko. Matalik na kaibigan ang naging tingin ko sa kanya sa loob ng apat na taon na unang beses akong nagkaroon. Nakasentro kasi noon ang mundo ko sa pag-aaral. Pero eto kami at mukhang magkakalimutan na.

Nakita ko ang paglalakad nila paalis. "Bakit ka ba nangingielam samin ha?! Kaibigan ka lang din naman!" sigaw ko bago sila tuluyang makalayo. Umamin ka na! Umamin ka na sa nararamdaman mo para kay Mikka hindi 'yung ganyan! Ang laki niyang paasa... wala siyang sinabi at tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Naupo ako sa sahig at ginulo ko ang buhok ko bago ko inihilamos ang palad ko.

Ilang sandali lang ay namataan ko si Cyrish na naglalakad palabas ng hardin namin. Huminto siya rito sa parking lot ngunit hindi niya ako napansin. Hawak niya ang kanyang cell phone at nakatapat ito sa kanyang tenga. "Kailer!" Ito pala ang kanyang kausap. Bumuga ako ng hangin.

"Nasaan ka na ba?" Rinig na rinig ko ang pagkairita sa kanyang boses. Malamang dahil ang isang Cyrish Villaroel ay naiwan sa ere para sa kanyang pinsan. Kaya naman alam ko na may pagtingin talaga si Kailer kay Mikka. Isang halimbawa na lang ang nangyari ngayon.

"What?! Grabe ka magalala sa kaibigan ah. Talagang inuna mo sya kaysa sa girlfriend mo? Kailer naman!" Yeah... kasi nga naguguluhan lang siguro si Kailer sa nararamdaman niya. Akala niya siguro ay kaibigan lang ang tingin niya kay Mikka.

Natapakan ang pride ni Cyrish kaya siya ganito ngayon. Halata naman kasi sa kanyang reaksyon. Walang bahid ng lungkot ang mga mata niya. Talagang inis lang at pagkadismaya.

Tumayo na ako at lumapit kay Cyrish na halatang nagulat nang makita ko. Binaba na niya ang kanyang cell phone at nagawa ko pang ngumisi. "Damn! You're bleeding!" At suminghap siya. Nilapitan niya ako at agad nilandas ng kamay niya ang gilid ng labi ko. Parang napaso ako sa ginawa niya. May kuryente 'yong dala sa buong katawan ko. Hinila ko siya palapit sa akin at kinulong sa yakap ko.

"F-Felix ano ba?!"

"Anong regalo mo sa akin?" tanong ko habang isinisiksik ko ang sarili ko sa may leeg niya. Ang bango niya talaga. "Pwedeng ikaw na lang? Ibabalot kita sa kumot para hindi ka maagaw o makita ng iba." Seryoso ako. Sa sobrang ganda niya ngayong gabi, aakalain kong dyosa siya na bumaba galing langit.

"Cyrish!" boses iyon ni Mama kaya itong si Cyrish lumayo agad sa akin. Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Mama at Papa. Nakangiti ang mga ito sa amin. "Bakit nandito kayo sa labas? Pumasok na kayo." malambing na sinabi ni Mama. Hindi nila alam ang nangyari sa aming dalawa noon. Akala nila ay naging maganda ang paghihiwalay namin at ngayon ay magkaibigan. Gusto nila si Cyrish noon pa man dahil si Mama ay kaugali nito. Matigas ang ulo nila at may pagkaspoiled brat. Si Papa nga lang ang nagpatino rito noon sa pagkakaalam ko.

"Oo nga iha. Pasok na tayo sa loob." natatawang sabi ni Papa. Tinutukso na naman nila ako sa mga titig nila kaya napahawak na lang ako sa batok.

"Ay tita kailangan ko na po kasing umuwi e. Uhmm.. pasensya na po." dahilan ni Cyrish at wala namang nagawa ang parents ko. Sinabi ko na lang na papasok din ako maya-maya at kailangan ko munang masigurado na ligtas uuwi si Cyrish.

"Ipapahatid na kita sa driver namin." sabi ko nang kaming dalawa na lang ang natira ni Cyrish.

"No thanks. Taxi na lang ang sasakyan ko." mataray niyang sinabi pero hinigit ko siya sa braso at iniharap sa akin.

"Regalo mo?" Nagtaas siya ng kilay.

"Na sa 'yo na lahat. Ano pa bang hihilingin mo?"

"Ikaw." mabilis kong sagot at kung tama ako ay nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Ikinabigla ko rin 'yon dahil ito ang unang beses na namula siya dahil sa akin. "Whatever we had, can we just have it again?" Nagkapagasa ako dahil doon. Tinanong ko na naman siya kahit na malaki ang chance na masaktan na naman ako sa magiging sagot niya.

"Hindi na pwede. Period." sabi niya at agad na naglakad palayo. Kahit na ganun ang sinabi niya ay hindi ko siya hinayaang makaalis. Hinabol ko siya at binuhat na parang bride. "Ibaba mo ako ano ba?!" sigaw niya pero huli na dahil pilit ko siyang isinakay sa sasakyan namin at nagtawag na ako ng driver. Bago ko tuluyang isara ang pinto ay nakita ko pa ang nakasibangot niyang mukha.

"Tatanungin kita ng tatanungin hanggang sa magbago na ang isip mo." sabi ko at tyaka sinarado ang pinto. Sapat ng regalo sa akin ngayon ang pamumula ng kanyang pisngi...

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now