Chapter 62

229 4 0
                                    

Chapter 62 || Kailer's Resort

Cyrish's POV

If only I could scream right now, I would probably do so. Pero hangga't kaya ko pang itago ang nararamdaman ko ay gagawin ko. Gusto ko na lang makaalis sa lugar na 'to.

Napatingin ako sa maliit na bintana sa CR kung nasaan ako. Hindi ako pwedeng lumabas mula rito. Saang anggulo ko mang tingnan ay wala akong maisip na paraan para makatakas. Tanging sa pinto kung saan makikita ko ang dalawa...

"Cyrish?"

Nabigla ako sa boses ni Felix. Agad kumalabog ang puso ko - sa pagkakataon na 'to ay takot ang dahilan. Mukhang masyado na akong matagal dito sa loob kaya nagtataka na sila sa labas.

Sa kaba ko ay mabilis ko na lamang pinalis ang mga luha ko at naglagay ng kaunting make-up para matakpan ang pamumugto ng mga mata ko. Kahit na alam ko namang malabong matago nito ang pag-iyak ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa kin nang buksan ko ang pinto. Agad kumirot ang dibdib ko sa boses pa lang nya. Pero nagpakatatag ako. Hindi ko siya pinansin at matalim na tiningnan si Sir George.

It's his birthday so I must greet him right?!

"Happy Birthday!" I sarcastically said while I'm screaming curses in my head. Ang lakas ng loob niyang lasunin ang isip ni Felix! Igagaya pa niya ito sa pagiging animal nya?!

Naupo ako dahil ramdam ko ang panghihina. Hindi na talaga ako ang dating Cyrish. Pinahina ba ako ng pagmamahal ko kay Felix gaya ng kinakatakot ko?

Rumehistro sa isip ko ang nakaraan na ayaw kong isipin pa. Kahit na matagal na ay tanda ko pa rin iyon.

Pakiramdam ko ay may sumanib na demonyo sakin nang maglapag ng pagkain sa lamesa. I want to hurt myself. Ito na naman ang ganitong pakiramdam. I hate myself for getting fooled! I want to choke myself to death!

"Cy-" Gaya ng inaasahan ay nasamid ako. Kinuha ko ang pitsel at uminom ako ng diretso rito. Wala akong pakielam kahit na natatapunan na ako nito at mas nahihirapn lang.

"Ms. Villaroel-" Hawak pa lang ni Sir George ay nanginig na ako. Iba ang epekto nito sa akin. Nabagsak ko ang pitsel at wala akong naramdaman kahit na alam kong nagkalat ang bubog nito.

"Don't you dare touch me!" sigaw ko sa kanilang dalawa. I know I sound and look insane but I feel like dying knowing that the person I love fooled me. I trusted him at ngayon napatunayan ko na siya na ang karma ko sa lahat ng ginawa kong kasalanan.

Felix looked so confused -hurt- and he tried to calm me. Ngunit bago pa niya gawin ang kahit na ano ay umalis na ako sa harapan nila. Patakbo akong naglakad palabas kahit na alam kong may mga media na nakahandang gumawa ng kwento tungkol sa akin. Bahagyang sumakit ang mga mata ko dahil sa mga flash ng camera.

"Cyrish!" narinig ko ang pagtawag ni Felix. I almost stopped dahil sa mangiyak-ngiyak niyang bigkas sa pangalan ko pero nagpatuloy ako dahil alam kong ayaw kong pareho pa naming lokohin ang isa't isa. Kung balak niya akong saktan ay ako na lamang ang kusang lalayo. Marahil ay ganti niya ito sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko. Bakit nga ba ako umasa pa na may magmamahal sa akin ng totoo.

Nang makalabas ay saktong may taxi na nag-iintay kaya sumakay ako.

"Kuya bilisan natin. Umalis tayo rito," bilin ko sa driver. Hindi ko alam ngayon kung saan ako pwede pumunta. Gusto ko lamang makalayo. Maswerte naman ako dahil sa hindi na ako tinanong muna ng driver. Namuo lamang ang mga luha sa mga mata ako at ilang sandali lang ay tuloy-tuloy ang naging pagbuhos.

Bumalik nang buong-buo sa akin ang nakaraan. I am not worthy of any love at all. Pinatunayan ito ng nangyari ngayon.

Panay ang ring ng phone ko at nang tingnan ko ito, puro si Felix ang tumatawag. Bukod sa tawag ay puno na rin ng text niya ang phone ko. He wants to know where I am, he wants to understand what happened, and that he's so scared to lose me. Ayaw na raw niyang maulit ang nangyari noon.

I turned off my phone.

Nang kumalma na ako ay tyaka ko lamang naisip na magpahatid sa malapit na bus terminal. I need to go somewhere no one would expect me to be. Para sa akin ay iyon ang resort nila Kailer - Eisen Beach Resort. Hindi ko alam pero para bang dito ko mahahanap ang kasagutan sa mga tanong ko. Dito ako binibitbit ng mga paa ko.

I am not wearing the right clothes kaya naman ang mga tao ay nakatingin sa akin. Sigurado rin akong kalat na kalat na ang make-up ko dahil sa pag-iyak ko. Mas pinili kong maupo sa pinakadulo malapit sa bintana. Inintay naming makaupo na ang lahat bago umandar ang bus.

Malapit nang magmadaling araw nang makarating kami sa resort. Bitbit ang maliit kong bag ay bumaba ako at pumasok dito. Mabuti na lamang at may sapat na cash ako para gamitin sa ilang gabing pananatili ko rito.

When I finally settled down, hinayaan kong babad ang sarili ko sa bathtub. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang alisin lahat ng bagay na gumugulo sa isip ko only to be tempted to think of every little thing I hate the most.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nanatili sa CR ngunit pag labas ko ay maliwanag na. Dito lamang ako nakaramdam ng antok at pagod.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko that I had to stay in bed the whole day. Nang imulat kong muli ang mga mata ko ay madilim na sa labas.

Labis na panghihina ang sumalubong sa akin. Ngunit pilit akong bumangon. Gusto kong puntahan ang kwebang puno't dulo ng lahat.

I managed to take a few steps nang hindi nabubuwal. Nakahawak ako sa pader para ibalanse ang sarili ko. I have no idea kung paanong sa lagay ko ay nakarating pa ako sa labas. Tumama sa balat ko ang malamig na ihip ng hangin. Maling-mali na lumabas akong nakabathrobe lamang.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa kweba. Walang katao-tao at may nakalagay na harang pero hindi ko pinansin at nagpatuloy sa loob. Dinig ko ang marahang pagpatak ng tubig pati ang nakakabinging katahimikan. Kung normal na araw ito para sa akin ay kanina pa ako dinalaw ng takot.

Ngunit imbes na takot, hindi ko alam pero sobrang kalungkutan ang naramdaman ko. I feel so miserable. Whatever happened in here might have been so painful. Naninikip ang dibdib ko at panay na rin ang paghikbi.

"Tama na..." I managed to whisper. Pero kalaunan ay pasigaw ko na itong binibigkas.

"TAMA NA!!" Nakahawak ako sa dibdib ko at hinampas ito nang paulit-ulit.

What did I do in my past life to deserve this kind of pain today?!

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now