Chapter 38

297 11 2
                                    

Chapter 38 || Lie To Me

Cyrish's POV

"Cyrish ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Diane. Nandito kami ngayon sa trabaho at on break. Nakasibangot lang ako dahil sa mainit talaga ang ulo ko ngayon. Ilang araw na kasi ang nakalipas mula nung huli kaming magkausap ni Felix. Hindi man lang niya ako hinanap?

"Tingin mo?" I snapped at her.

Ang swerte ni Diane at natatandaan siya ni Felix pero samantalang ako, hindi. Napatingin ako sa kwintas na suot ko. Binalikan ko ito na parang baliw matapos kong itapon sa sahig. After all, this is the first gift I accepted from him and I can't take losing it. Pero kung iisipin, may sense ba talaga na isinumpa kami ng kweba dahil sa isang halik na ginawa namin?

Siya naman kasi ang may kasalanan eh! May pahalik-halik pa kasi siya noon. Kainis!

"Grabe siya! Dahil ba 'yan sa hindi ka matandaan ni Felix? Don't worry kakausapin ko siya." sabi ni Diane na natatawa pa. Edi wow, buti ka pa masaya.

I rolled my eyes, "Whatever."

Bumalik na ako sa mga models at inasikaso sila para maging productive man lang ang araw na 'to. I can't destroy my life again just because of Felix. Tyaka, marami namang ibang lalaki siya na nagkakadarapa sa akin kaya bakit ko naman sasayangin ang oras ko sa taong hindi naman ako natatandaan 'di ba?

Ngunit kinain ko rin ang mga sinabi ko dahil sa hindi ko kinayang hindi siya puntahan sa opisina pagdating ng hapon.

Oo na, mahal ko siya eh kahit nakalimutan pa niya ako. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya noon para makuha ako, hindi ko alam pero naapektuhan pala talaga ako ng mga 'yon. He really made his way towards my heart and I just can't let him go. Sobrang lalim ng pinagsamahan namin para kalimutan ko na lang siya.

Siya ang unang lalaki na pinagkatiwalaan ko ng buo. Una at higit pa sa sarili kong ama.

Pagkarating ko sa harapan ng building nila ay nakita ko siyang sumakay sa kotse niya. Pinasundan ko na lang tuloy siya sa taxi na sinasakyan ko imbes na bumaba mula rito. Mabuti na lamang at matalas ang mga mata ko.

Saan kaya siya papunta? Mukhang nakabihis at porma talaga siya.

Huminto kami sa isang hotel na hindi ko malaman kung ano kasi basta pumasok na lang ako at sinundan siya. Patago kong tiningnan kung sino ang kikitain niya sa lobby.  Wag siyang magkamaling tumuloy sa isa sa mga rooms dito kung hindi malilintikan talaga siya sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang isang babae na ngayon ko lang nakita ang kasama niya. Nagkatagpo sila at sabay umupo sa isang lamesa. They look friendly pero nagngingitngit na ako sa galit.

Baka naman kapatid niya?

"Bobo lang? Only child siya!" Napatakip ako ng bibig dahil sa napatingin sa akin ang ibang tao rito. Muntikan na rin akong mahuli ni Felix.

Umupo ako sa likurang table at magkatalikod kami ngayon ni Felix. Humanda siya talaga sa akin! "Hi, I'm Felix James Sarmiento and you're?"

I mouthed his introduction and sighed.

"Lara Villa." Yuck. Ang pangit naman ng pangalan niya. Almost my surname pa talaga ah. Anyway, hindi naman siya mukhang isang Villaroel.

"Kasing ganda mo ang pangalan mo." Para akong masusuka sa komento ni Felix and at the same time inis na inis dahil hindi niya ito sinabi nang marinig niya ang MAGANDA kong PANGALAN.

Hindi naman maganda 'yung babaeng kasama niya eh! Mukhang upo!

"Ay thank you." I mouthed Lara's response too. I'm so pissed at her kahit hindi ko siya kilala. Sorry girl but you're actually messing with me.

"I want to know more about you." narinig kong sinabi ni Felix at mukhang blind date ito! Gusto ko lang magmura talaga.

Sa sobrang inis ko ay iniusod ko ang silya ko at malakas na inihiga ang ulo ko para untugin si Felix. Hindi ba ganuon daw 'yun? Para maalala ka ng taong may amnesia pwedeng mauntog siya at mabalik nga siya sa dati?

"Aww!" Napatakip ako ng bibig at umupo ng maayos.

"Ay sorry." sabi ko na lang at wala na akong narinig mula sa kanya. Tiningnan ko na lang siya gamit ang phone ko at nakita ko ang paghimas nito sa kanyang ulo. Masama naman ang tingin sa akin ng Lara na kasama niya.

Tss. Hindi pa rin niya ako naaalala kasi nagpatuloy sila sa paguusap nung Lara na 'yun.

"I also want to know more about you. Daddy talked about you a lot and...."

Ano pang ginawa ko? Inulit ko lang naman ang pagatras ng upuan, uuntugin ko na siya sana kaya nga lang ay imbes na tumama ako sa ulo niya, napahiga ako sa balikat niya. Nagkatinginan kami! Masama ang tingin nito sa akin samantalang ngumisi lang ako sa kanya, "Uhmm sorry!" sabi ko at mabilis na tumayo para takasan siya.

Hay! Ang epic ng nangyari! Nakakahiya talaga-

"STOP." Hindi ko alam pero napahinto ako ni Felix dahil sa mariin niyang sinabi.

No. Hindi ako dapat tumigil kaya nagpatuloy ulit ako. That's the time na may humila na sa akin papunta sa kung saan. Pagtingin ko ay nasa parking lot kami, sa sulok kung saan walang ibang tao kung hindi kami lang.

"What exactly do you want from me?" Hindi ko alam pero kumpara nung huli kaming magkita ay mas mainit yata ang dugo niya sa akin. May nangyari kaya?

"You." simpleng sagot ko na para bang hindi kumplikado ang hinihingi ko mula sa kanya. "What? Naiinis ka kasi inistorbo ko ang blind date mo? Sorry ah? Inistorbo ka ng girlfriend mo. Hindi ko sinasadya." sarkastiko kong dagdag.

Napayuko lang siya at napahawak sa ulo niya na para bang masakit ito. He seems to be so frustrated. Na-guilty tuloy ako agad dahil sa paguntog ko sa kanya kaya agad ko siyang nilapitan. Tatanungin ko lang sana siya kung okay lang siya pero nagulat ako nang higitin niya ako sa beywang at mariing hinalikan.

He kissed me furiously while holding me close. I could taste something metallic, is it blood?

This is not what I want. Both our eyes are open and I can see no love from him. Kung ako ang Cyrish noon ay papayag ako sa ginagawa niya pero hindi. Binago niya na ako eh at ayokong halikan niya ako ng walang pagmamahal. Siya ang nagturo nito sa akin. Kung gaano niya ako kamahal noon, ganuon niya ako sinasaktan ngayon.

Tinulak ko siya sa abot ng makakaya ko at doon na bumuhos ang luha ko. Eto na ba ang kabayaran sa pananakit ko sa iba? Lalo na sa ginawa ko kay Mikka at Kailer? Pero bakit ba ito pa? Pwede namang iba eh... bakit si Felix pa?

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" bastos niyang tanong at napasinghap na lang ako sa kawalan.

Gusto kong sumigaw ng malakas pero sobrang nanghihina ako. "Bakit mo ako hinalikan?" He is unbelievable. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Hindi ba ikaw kamo ang girlfriend ko? Am I not allowed to kiss you?" Umayos siya ng tayo at ganuon din ako. Magkaharap kami ngayon at pinalis ko ang luha sa gilid ng mga mata ko.

Napasabunot ako sa buhok ko bago nagsalita. "You are allowed if you can even remember me! Anything about me! Pero hindi ba wala? Mahal mo ba ako? Hindi naman 'di ba?"

Nang wala akong marinig mula sa kanya ay nagpatuloy ako, "Kung natatandaan mo lang ako? Hindi mo ako hahayaang umiyak ng ganito dahil sa 'yo. You hate seeing me cry. You can't take seeing me scared. Kasi oo, natatakot ako ngayon dahil sa 'yo!"

Natahimik siya at nakita kong hindi makapaniwala sa naririnig sa akin ngayon. "Nasagot mo na ba ang iniwan kong tanong sa 'yo?" Hindi na siya makatingin sa akin ng diretso, "Kasi ako? Kilalang-kilala ko kung sino ang nagpabago sa akin at ikaw 'yon. Now, can you at least lie to me?"

I was expecting to hear that he'll try to remember me but I got my heart wrecked open instead.

"I love you."

He coldly said and that's the lie that could split up a universe.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now