Chapter 2

1.3K 27 2
                                    

Chapter 2 || Nakabalandra

Cyrish's POV

"Anong gusto mong kainin? Ako na kukuha." tanong sa akin ni Kailer. Being a flirt. Tss. Nandito kami ngayon sa dining hall para kumain na dahil gutom na rin kaming lahat matapos ang mahabang byahe.

Napagod din ako sa pagiging malandi ng Felix na 'yon sa pinsan ko. Tss.

Kung wala ang tulong ni Mikka ay hindi ako papayagan ng Mommy at Daddy ko na sumama sa kanila rito sa resort. Well it's good to be here para naman makapagrelax kahit kaunti. Kaga-graduate lang namin sa kolehiyo and I got too tired studying. Hindi naman ako pabaya pagdating sa pagaaral ko kasi alam ko na para ito sa sarili ko sa hinaharap. All of us graduated with Latin Honor.

"'Yung low in fats na lang. Salamat Kailer." sabi ko at ngumiti ng peke.

Felix James Sarmiento is getting on my nerves again. Akala ko ba 4 years na siyang in love sa cousin ko? He should focus on her! Wag siyang maging two timer gaya ko (Well hindi lang ako two timer) dahil pinsan ko ang tinatalo niya!

Bumalik na si Kailer dala ang mga gusto kong pagkain. "Thank you ulit Kailer." Hinawakan ko ang kamay niya to return the favor. Alam ko namang habol lang ng mga lalaki 'yung ganito. Tsk. Parang kinikiliti siguro ang ano niya ngayon. Eww!

I know Kailer's feelings dahil sinabi iyon ng pinsan ko sa akin noon but I don't care. I don't feel the same. Kahit na magkababata kami, hindi ko siya nakita ng higit pa sa kaibigan. I only feel hatred because of what he feels for me. Alam ko naman na hindi totoo ang salitang LOVE. It's just too cliche. Too pointless. It's not as if you'll die without it. OA lang talaga ang mga nagsasabi na ikamamatay nilang mawala ang isang tao.

Boys are always boys. Kapag nakuha na nila ang gusto nila, doon na natatapos ang lahat. Well sorry sila. I am not that type of girl. I am the one who plays this game. They are all my toys. JUST my toys.

I will never be played again by anyone.

"Kumain na nga kayo. Lakas niyong pumagibig eh." singit ni Felix na agad nabatukan ni Kailer. Buti nga sa kanya. Epal kasi masyado. Kakukuha lang din niya ng pagkain.

Umalis muna si Kailer para yata kumuha ng pagkain niya kaya eto kami ni Felix at naiwan sa table.

Naiirita ako sa bawat pagtitig na ginagawa niya sa akin. Kinikilabutan kasi ako. If I know baka hinuhubaran na niya ako sa isip niya. Bastos.

Ngumisi pa ang loko. "You look so cute when you're mad..." I almost fell for his words years ago... But not now. Not again.

Hindi na lang ako nagpaapekto sa pambobola ng siraulong 'to. Kumain ako ng kumain at hindi na siya muling tiningnan pa. Dumating na rin si Kailer kaya naman mas hindi kami nagimikan.

Naagaw ang atensyon namin maya-maya sa pagtili ng isang babae. Nagulantang kami syempre. Pumunta kami agad kay Mikka kahit na alam naman naming hindi siya 'yung tipong titili. Mukhang doon kasi sa direksyon niya nagmula ang ingay.

Tama nga kami dahil 'yung babaeng kaharap niya ang tumili. Mukhang nagkabanggaan si Mikka at 'yung babae dahil sa may mga pagkain sa sahig ngayon na mukhang natapon.

"Anong nangyari rito?" tanong ni Kailer sa babaeng nakakunot ang noo kay Mikka. Si Mikka naman bulong lang ng bulong kaya nilapitan na siya ni Kailer para marinig. Masyado yata silang close... Dati pa man ganito na sila. Kala ko ba patay na patay si Kailer sa akin? Tapos ngayon balak niyang landiin ang pinsan ko? Balak ba niyang pagsabayin kaming dalawa? Ayokong madamay sa karma ko ang pinsan ko kaya wag na wag niyang gagawin 'yon!

".... Nasayang 'yung pagkain sa kaartehan mo! Alam mo ba kung gaano karaming bata ang namamatay dahil sa gutom ha?!" sigaw ng nagaalburotong si Mikka.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now