Chapter 27

401 10 0
                                    

Chapter 27 || Owning

Felix's POV

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na kasama mo 'yung babaeng ilang taon mo nang hinahabol. Ngayon, pakiramdam ko mas malaki na ang pag-asa ko sa kanya kasi unti-unti na niyang nabubuo ang kanyang pagkatao. Parang kailan lang nung nakita ko siyang umiiyak ng sobra dahil sa mga bagay na hindi niya talaga ginustong mangyari sa buhay niya.

"Will you please stop staring?" utos ni Cyrish na halatang nagsusungit sa akin kanina pa. Bawat gawin ko kasi pinupuna niya. Pero ayos lang kasi buti napapansin niya ako hindi ba? Masaya na ako muna roon. Pero syempre gusto kong higit pa roon ang mangyari sa amin. Gusto kong makasama siya habambuhay.

Hindi gaya noon ay mas simple ang pananamit niya. Nakapants lang siya at simpleng v-neck white shirt. Naka-bun lang din ang kanyang buhok na may kaunting laglag. Manipis lang ang make-up na inilagay niya kumpara sa karaniwan niyang nilalagay. Mas bagay talaga sa kanya ang ganitong ayos.

Nakinuod na rin ako sa palabas. Nandito kami sa sinehan at ang pinili niyang palabas ay cartoon. Nakakatuwa lang kasi iilan lang siguro ang may alam na ganito si Cyrish. Antukin siya sa sinehan pero kapag ganito ang palabas ay nagigising naman siya. Para nga siyang durian kung tutuusin. Akala mo matinik sa labas pero sa loob may malambot na puso palang itinatago.

Natapos kaming manuod at alam kong ginabi na kami. Ayun at hindi maalis ang ngiti niya dahil sa pinanuod namin. Tawa siya ng tawa kanina dun sa mabagal na character sa movie at ako na-inspire naman sa pagsusumikap nung rabbit.

Natapos ang gabi na nakangiti kaming pareho pero syempre alam ko na kailangan ko pang magpursige para magtiwala siya sa akin ng buo. Para dumating ang panahon na maligawan ko siya officially at sagutin niya akong muli.

Pasalamat lang ako at hindi na kagaya kanina ang pagpapatakbo niya ng kotse. Para akong masusuka sa pagharurot niya!

"For 4 years, inantay kong mangyari na ganito tayo." mahinang sabi ko habang hindi ko mapigilan ang pagngiti.

"Naku nagdadrama ka na naman." sabi niya pero ramdam kong napapangiti rin siya. "You're in love with my cousin."

"Sinabi ko na sa 'yo... hindi ko magawa 'yon. I just wanted you to be jealous. Syempre ganun din si Kailer. Gusto kong makita nila ang isa't isa."

"Wow so you're the hero and I'm the villain?"

"Sort of." At hinampas niya ako tyaka bumalik sa manibela.

Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Thank you ulit..."

Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman sa kanyang sinabi. "Para saan?"

"Sa lahat ng ginawa mo para sa akin kahit isa akong b*tch." At natawa siya.

"For me, you're not and you're very much welcome." Kinuha ko ang kamay niya at mabilis na hinalikan ang likod nito. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya, namula ang pisngi... bago umirap.

***

"O pa 'no?" sabi ni Cyrish nang makababa kami ng kotse niya. Nasa harap ng bahay nila ang kotse ko na iniwan ko kanina nang sumama ako sa kanya. Lumapit kami pareho roon.

"See you again Rish..." I whispered.

"Ay Rish agad agad? Mr. Sarmiento, what's your plan na ba?" Nakahalukipkip siyang lumapit sa akin at napasandal ako sa kotse ko.

I gulped. "H-huh?" Wow Felix. Paano ka naman sasagutin niyan e 'ni hindi ka nga makapagsalita ng maayos ngayong sobrang lapit ng mukha niya sa 'yo?

She chuckled. "Sus, masyado ka namang kabado. Sige na ingat ka paguwi. Salamat sa pagsama sa akin. May lakad nga pala kami ng pinsan ko this weekend. Baka lang gusto mong sumama. Punta ka rito ng mga 8 am." At namatay ako ng kumindat siya. Dito nagtatapos ang kwento namin.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now