Chapter 15

432 11 0
                                    

Chapter 15 || Urgent

Felix's POV

Nakatanggap ako ng tawag kay Papa na kailangan kong pumunta ng America para sa isang business meeting. I want Cyrish to know that I'll be gone for at least 2 months to close the deal. Ang business namin ay nakafocus sa mga hotels at balak kasi naming bumili ng shares sa isang hotel doon sa America para mas lumawak ang business namin na namana pa sa Lolo at Lola kong pumanaw na.

Tourism ang course na kinuha ko para mapalapit kay Cyrish pero mukhang hindi naman ako nagtagumpay sa balak ko... pero ika nga, kapag gusto mo ang isang bagay ay magagawa mong magtagumpay. May special class ako na tungkol sa business bukod sa kurso ko kaya kahit na hindi ako graduate ng business management ay may alam ako sa pagpapatakbo ng business.

Nang puntahan ko si Cyrish sa kanila ay naabutan ko ang isang kotse roon. May pamilyar na lalaking nakasandal habang nagsisigarilyo. Medyo naubo pa ako nang lumapit ako dahil hindi ako mahilig sa usok ng sigarilyo. Hindi ako nagsisigarilyo at aminado akong wala akong bisyo.

Napagtanto ko nang makalapit ako kung bakit pamilyar sa akin ang lalaking 'to. Siya nga pala si Renzel, naging kasabayan ko noon bilang boyfriend ni Cyrish. Ipinakilala siya ni Cyrish noon sa akin at naghalikan pa sila sa harapan ko kaya hindi ko siya pwedeng makalimutan. Tumatak sa isip ko ang pagngisi niya. 'Yung ngisi niya na ang sarap suntukin para mawala lang. Tss.

"Nagkita na ba tayo noon?" tanong niya at ngumisi. Nagyayabang kahit wala namang maipagyayabang. Binato niya ang hawak niyang sigarilyo at inapakan. Seryoso ko lang siyang tiningnan. Malamang ay hindi niya ako mamukhaan. Gaya ng sabi ng marami, malaki ang pinagbago ko sa Felix noon. Umigting ang panga ko lalo na at nandito siya ngayon sa harap ng bahay ni Cyrish after 4 years. Ano ang ginagawa niya rito?

"Oo pre. Ex ako ni Cyrish."

"Jerome?" Umiling ako. "Philip? Manuel? Diego?" Sa lahat ng hula niya ay umiling ako. Tanggap kovna maraming lalaki sa buhay ni Cyrish. Maraming lalaki ang dunaan pero sisiguraduhin kong hindi lang ako dadaan, mananatili ako kasama niya habambuhay.

Humagalpak siya ng tawa. "Pre pasensya, ang dami kasing ex ni Cyrish, hindi ko alam kung sino ka sa kanila." sabi niya at humalakhak pa lalo na parang wala nang bukas.

"I'm Renzel Castro." pakilala niya sabay lahad ng kamay.

Tinanggap ko 'yun tyaka nagsalita pagkatapos. "Felix... Felix James Sarmiento: Inulit ko pa para tumatak sa isip niya. Kumunot naman ang kanyang noo. "Si Cyrish nasaan?" tanong ko agad

Nagkibit balikat siya kaya tinalikuran ko na lang. "Teka pre! Ikaw ba 'yung lampa na naging boyfriend ni Cyrish?"

Natigil ako at humarap sa kanya. I grinned. "Yeah. Look, lamang ako sa 'yo ngayon." sabi ko bilang pangaasar at agad na sumakay ng kotse bago pa niya ako masapak.

Nagmaneho ako habang tumitingin sa paligid at nahinto sa may park dahil nakita ko na si Cyrish roon. Agad akong napangitu ngunit napawi rin kaagad. Nakita ko na magkayakap sila ni Kailer... Si Cyrish at Kailer, magkayakap.

Seloso akong lalaki noon pa man. Kaya halos hindi ko kayanin noon na makita siyang may kasamang ibang lalaki. Possessive akong tao at napatunayan ko 'yon dahil sa kanya. Paulit-ulit akong namamatay sa tuwing nakikita kong may kasama siyang ibang lalaki pero kinikimkim ko lang lagi noon...

Nasasaktan ako ngayon sa simpleng pagyakap niya kay Kailer... Lalobna kapag pumapasok sa isip ko na hindi ko naman siya pagaari at wala akong karapatan.

Nagmaneho ako paalis. Binilisan ko na parang nakikipagkarera ako. Mukhang hindi naman mahalaga kung malalaman pa niyang aalis ako. Mabuti nang hindi ako magpaalam. I doubt if that'll even make a difference.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakaayos na ang maleta ko. This is urgent dahil sa pagdating na pagdating ko agad sa America ay didiretso ako sa hotel para kausapin ang dapat kong kausapin. Sabi ni Papa ay kailangan ko munang ipakita na I can be trusted para makabili ako ng share sa hotel na 'yon. Malaking tulong din kasi ito para in the future ay may pangpundar na kami sa sarili namin hotel doon. It'll be our stepping stone.

"Sige Ma, Pa, I'll be going." Inakap nila ako bago hinayaang umalis ng bahay. Masama pa rin ang loob ko dahil sa nakita ko kanina. Bumigat din ang pakiramdam ko lalo na at alam kong aalis ako nang hindi man lang nakakapagpaalam sa babaeng mahal ko...

Na hindi naman ako mahal...

Nang nakarating na ako sa airport ay may ilang minuto pa ako para matawagan si Cyrish. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinawagan ko siya.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya pero wala namang sumasagot. "Hello Cyrish?" wala akong sagot na narinig. Hindi ko alam kung dahil sa signal pero wala na akong nagawa kundi ibaba ang tawag dahil sa kailangan ko nang pumasok sa loob.

Goodbye Cyrish...

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEKde žijí příběhy. Začni objevovat