Chapter 12

541 11 1
                                    

Chapter 12 || Masalimuot Na Nakaraan

Cyrish's POV

Inis na inis akong bumaba sa kotse nila Felix. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Kailer at kasama siya ng pinsan ko ngayon. Mukhang nagbabalak talaga siya na pagsabayin kami a. Tss.

At itong si Felix, hanggang kailan ba niya balak ipagsiksikan ang sarili niya? At bakit nagugustuhan ko na bigla ang pagsiksik niya? Naiinis ako sa sarili ko! What? Ako ang hiling niya? Pwe. Ang lakas mambola! Habol lang naman nila ang itsura at katawan ko. Kung hindi man ay habol lang nila na wag matapakan ang pride nila. 'Yun lang 'yun!

Nagsimula na akong mangulit kay Kailer sa pamamagitan ng text at tawag habang papasok sa loob ng bahay. Natigilan nga lang ako dahil sa pagtatalong narinig ko sa loob. Napaaga ako ng uwi kaysa sa sinabi kong oras kaya eto ang ginagawa ng parents ko? Nagaaway?

Papasok na sana ako at nakahawak na sa doorknob nang marinig ko ng bahagya ang pinagtatalunan nila.

"Bakit ha? Tingin mo sino sa atin ang mas inuna pa ang trabaho kaysa sa sariling anak noon ha?" sumbat ni Mommy.

"Ano ba Linda?! Alam mong si Wilfredo ang kabusiness meeting ko noon! Hindi pa ba tapos ang usapin na 'to? Bakit ikaw? Inintindi mo pa si Mikka noon! Imbes na nakauwi na tayo para kay Cyrish noon. Hindi sana nangyari 'yon kung hinayaan mo na siya sa magulang niya!" Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. What?! Si Tito Wilfredo ang kabusiness meeting nila that time? Si Mikka ang inuna ni Mommy? Si Tito at ang pinsan ko ang rason kaya nangyari sa akin noon iyon?!

Bumagsak ako sa kinatatayuan ko at narinig ko ang pagkalabog ng hawak kong phone. Naagaw ko yata ang atensyon nila kaya bumukas ang pintuna. Sumigaw si Mommy at si Daddy inalog ako ng inalog pero natulala na ako. Namanhid sa sobrang sakit ng loob ko. Nakaraan na 'yon pero hinding-hindi ko pwedeng makalimutan ang nangyari.

***

"Sige Mommy uuwi na ako sa bahay." Ito ang sinabi ko bago ko binaba ang tawag. Sakay-sakay ako ng kotse namin at malapit na sa bahay. Magaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko na kailangan pang pumunta sa bahay ni Sir George. Isa siya sa mga business partner ni Daddy. Isang linggo na siyang nakikipagkita sa akin noon. Pitong taong gulang lang ako noon kaya akala ko okay lang... hinayaan ko ito dahil akala ko walang masama na hinahawakan ako nito sa hita... hinahaplos o ano pa. Sabi naman kasi nito ay para iyon sa business ng mga magulang ko. Takot ako rito oo pero nang malaman kong importante pala iyon dahil para sa business ay hindi na ako nagreklamo.

Nang makauwi ako at makapasok sa loob ng bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto ko para makapagpalit ng pambahay. Mag-isa ako sa bahay ng araw na 'yon dahil nag day-off si Manang Lorna. Sanay naman akong mag-isa sa bahay dahil sa hindi lang naman ngayon nangyari 'to.

Bumaba ako at nagpunta sa sala para sana manuod pero naabutan ko si Sir George. Nakatitig ito sa akin at nanginig ako sa takot. Syempre hindi ko alam kung bakit siya nandito. Hindi ako naraan sa sala kaya hindi ko siya napansin. Lumapit ito sa akin. Tandang-tanda ko ang mga mata niya na puno ng pagnanasa. Bata pa lang ako ay binalot na ako ng kakaibang takot.

Wala akong nasabi kina Mommy at Daddy tungkol dito dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Palagi silang abala... hindi nila ako naiintindi.

Sumigaw ako pero walang nakarinig. Naramdaman ko na lang ang sakit ng sikmura ko dahil sa ginawa nitong pagsuntok sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Umiyak ako ng umiyak dahil sa unti-unti nitong tinatanggal ang saplot ko sa katawan. Doon ko naintindihan na masama itong tao. Na naging uto-uto ako.

Hinawakan ako nito sa kung anu-anong parte ng katawan. Halos ikamatay ko ang ginagawa nito. Takot na takot ako pero walang tulong na dumarating.

Nakita ko itong naghubad sa harapan ko. Nakita ko ang pagkalalaki nito.

Halos mawalan ako ng malay sa iniisip kong gagawin pa niya sa akin nang bumukas ang pinto ng bahay at sumulpot si Manang Lorna. Nanlaki ang mga mata nito at doon na ako tuluyang nawalan ng malay.

***

"Honey anak..." tawag ni Mommy sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Just leave me alone!" sigaw ko at tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Ngayon alam ko na kung sino ang dapat sisihin sa nangyari sa akin. Kasalanan ng Daddy ni Mikka... kasalanan ni Mikka. Kahit nakulong na si Sir George ay hindi doon natatapos ang lahat... hindi niya nadala ang sakit... naiwan sa akin ng buong-buo.

Sila ng parents ko ang may kasalanan. Silang lahat! Hinayaan nila ako. Hinayaan nilang mangyari sa akin 'yon noon. Hindi ko sila mapapatawad.

Oo... pagkatapos ng nangyari sa akin ay naging bantay-sarado na sila. Masyado akong pinrotektahan na halos masakal na ako. Hindi naman nila gagawin 'yon kung hindi pa nangyari sa akin ang insidente na 'yon e.

I'll make sure Mikka will never be happy. I'll make sure she and her family will experience hell gaya ng ipinaranas nila sa akin.

***

"Hello?" boses iyon ni Kailer. Sinagot ko ito kahit na nanghihina pa ako. Ngayon lang talaga niya ako naisipang tawagan? Anong ginawa niya kagabi? Pilit ko siyang tinatawagan!

"Kailer! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan? Hindi mo ba alam na nagalala ako ng sobra sa 'yo? Saan ka ba nagpunta ha? Kasama mo ba magdamag si Mikka? Akala ko ba ako ang mahal mo? Kailer... miss na kita..." naglambing ako kahit na sukang-suka ako sa sarili kong boses at mga salita.

"I love you..." nagkaroon ng malaking question mark sa ulo ko dahil sa sinabi ni Kailer. 'Nu problema ng isang 'to? "Mahal na mahal k-kita..."

"Okay ka lang ba? Umiiyak ka ba?"

"Oo naman walang problema." Ahh okay. Whatever. Gagamitin lang naman kita para masaktan ko ang pinsan ko. Wala na akong pake sa kanya. Siya ang isa sa dahilan sa nangyari sa akin noon. Bakit kailangan kong magparaya? Bakit kailangan kong gawin kung ano ang makakapagsaya sa kanya? Sa kanila ng pamilya niya? Tss.

"Pwede ba tayong magkita? Date tayo? May gusto akong bilhin e."

"Sorry Cyrish, may lakad kami nila Papa ngayon. Sa susunod na lang ah?"

"Ay ganun sayang naman. Sige ingat na lang kayo. Bye bye!" Wow. Binaba ko. Nagawa niyang tanggihan ang beauty ko? Tss. Bahala siya. Sa susunod na lang sige.

Bumangon na ako kahit na nahihilo pa ako at tumingin sa salamin. Namumutla pala ako. Magagawan naman siguro 'to ng paraan.




The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu