Chapter 34

295 4 1
                                    

Chapter 34 || Fight For Him

Cyrish's POV

The security of their company successfully dragged me out of the building. Akala ko pa naman ay makakausap ko na sa wakas si Felix...

Pero bakit ganun? Bakit hindi siya hinayaan ng mga magulang niya na lapitan ako? Bakit ayaw nila kami paglapiting dalawa?

Ayaw ba sa akin ng parents niya?

Oo...

Hindi naman kasi ako 'yung babae na pinapakilala sa magulang. I'm not even the ideal girl. Kahit nga noong kami pa ni Kailer ay hindi naman ako gusto ng mga magulang niya. Mas gusto nila si Mikka.

Now that I found my greatest love, mawawala ba ito sa akin?

Nakaupo ako ngayon sa bench, sa labas ng building nila. Dito ako dumiretso nang kaladkarin nila ako palabas. Siguro may parte sa aking umaasa na lalabasin ako rito ni Felix para makapagusap kami. Hindi rin naman kasi niya sinasagot ang tawag ko.

"Pwedeng makiupo?" nagulat ako sa pagtatanong ng isang babae sa akin.

"Wala namang pangalan kong nakalagay so sure." I said because it's the truth. Narinig ko ang mahinhing pagtawa nito bago naupo. Umpisa pa lang ay hindi ko na gusto ang babae na 'to na parang may ibang lahi. Kung sino man siya, she's getting on my nerves. Siguro may instinct lang ako na pag hindi ko feel 'yung isang tao, tama lang na hindi ko siya feel.

Naglabas siya ng phone then she dialed a number on it.

"Hello Felix?" sa pangalang nabanggit niya ay mistulang lumakas ang pagsagap ng tainga ko. Siguro naman ibang Felix ang kausap niya 'di ba?

"I'm leaving now. Babalik na ako sa Amerika. Hindi mo man lang ba ako kikitain?" malambing na tanong nito sa kausap. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero sa lakas ng boses niya ay malabong hindi ko marinig ang sinasabi niya.

"Okay I'll wait for you outside. Sa bench." Mukhang kikitain pa ata siya nung Felix na kausap niya kaya naman mas lalo akong na-curious kung sino ito. Iintayin ko muna siguro 'to bago ako umalis.

While waiting for this Felix of hers, I tried to call Felix again and again but he's not picking up. Kumunot ang noo ko. Parang hindi niya ako girlfriend ah. Matatanggap ko pa kung kaibigan pa rin niya ako at ganituhin niya ako pero 'yung kasasagot ko lang sa kanya at ginaganito na niya ako? Ibang usapan na yata 'yun.

Nakadikit 'yung phone ko sa tainga nang sumigaw 'yung babaeng katabi ko. "Felix!" tumakbo ito palapit sa Felix na tinatawag niya at pagtingin ko rito ay nabitawan ko ang phone na hawak ko.

That b*tch hugged MY Felix.

Oo at niyakap nung bwisit na babae na 'yon ang Felix KO!

"What is the meaning of this?" nanginginig ang boses ko nang tanungin ko ito sa kanya.

Halatang nagulat din si Felix nang makita ako but then his eyes later on shows that he's sorry. For what?

I guess I know now.

Imbes na magsalita siya at kausapin ako ay tinalikuran niya ako. Nakita kong nakasunod sa kanya 'yung babae papasok sa building nila.

I had this urge to run after him kaya buong lakas akong tumakbo palapit sa kanya hanggang sa maabutan at mahawakan ko na siya sa braso.

Hinarap ko siya sa akin. I don't care if all eyes are on us right now but I'm freaking not going to stop just because of that. Ngayon pa ba ako magaalala sa iisipin ng ibang tao?

"What's happening? Tell me!" I demanded. I need him to tell me what's going on!

Hindi pa rin siya nagsasalita. Dumating pa 'yung mga magulang niya mula sa loob at 'yung babae kanina ay tumabi na sa kanila. Who is she anyway? Alam ko namang walang kapatid si Felix so who the hell is she?!

Inalis ng dahan-dahan ni Felix ang pagkakahawak ko sa kanya. Bumagsak ang balikat ko dahil ang sakit lang.

"Cyrish, umalis ka na. Tapos na kayo ni Felix." ma-awtoridad na utos ni Mr. Sarmiento sa akin na nagpalaglag sa panga ko.

"Joke ba 'to?" I disrespectfully asked all of them. Itinaas ko ang mga kamay ko na animo nagbibiro. "May mga camera ba?" Tumingin ako sa paligid at nakitang ang baba ng tingin ng mga tao sa akin.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Felix habang umiiling siya. He doesn't want this either pero wala siyang magawa! Bakit? Ayaw sa akin nung mga magulang niya? Tapos ano? 'Yung babae 'yun 'yung gusto para sa kanya? Palagi na lang ganyan ang nangyayari sa mga dramang napapanuod at librong nababasa ko. Wala na bang bago? Kasi ako? I'm going to fight for him! Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.

"Akala ko ba matagal mong inasam na maging tayo ulit, wag mong sabihin na susuko ka na lang agad." panunuya ko kay Felix. Yumuko siya. Maybe he's still thinking about what he will do to resolve this. Or maybe he's thinking of giving up. Revenge? Ganun ba? Pwede rin.

"We know you Cyrish. We don't want you for our son." sabi ni Mrs. Sarmiento at para bang pumakla ang panlasa ko dahil dito.

"Thank you po pero hindi naman kayo ang pakakasalan ko. Hindi naman kayo 'yung gusto kong makita sa tuwing gigising ako at mas lalong hindi kayo ang gusto kong maging ama ng mga magiging anak ko kaya sana tigilan niyo na ang pag-control sa anak niyo gaya ng ibang matapobreng mga magulang dyan." Inis na sinabi ko pabalik. I'm not like the other girls out them who can't even defend themselves. I am different from everyone.

"Security!" galit na sigaw ni Mrs. Sarmiento habang namumula ang mukha sa galit nagulat ako nang hawakan ni Felix ang kamay ko. Mahigpit ito na parang mawawala ang dugo rito.

"Ma, maguusap lang kami." sabi nito at walang takot akong hinila palayo- papunta sa kotse niya at pinasakay ako rito. Ganun din siya. Tyaka ito pinatakbo ng mabilis. Nakita ko pa ang paghabol sa amin ng mga tauhan nila but they're too late.

***

I was wondering kung kailan niya balak magsalita.

Kanina pa kami nasa kalsada at umaandar pero hindi ko naman alam ang tumatakbo sa isip niya.

Siguro ako na ang dapat manguna kaya huminga ako ng malalim tyaka nagsalita. "Pwede ko na bang malaman kung ano ang nangyayari?"

"Kinausap sila ni Tito Romualdo. They know everything you did with Kailer and Mikka's relationship." nanlamig ako sa sinabi niya. This is worst I guess dahil alam kong masamang-masama na ang tingin nila sa akin ngayon.

"Then what are you planning to do? It's not as if hindi mo susundin ang mga magulang mo." Si Felix na yata ang pinakamasunuring anak na nakilala ko. He never once failed his parents.

Nakita kong nahirapan siya sa naging tanong ko. Mas bumilis ang pagpapatakbo niya ng kotse.

"I'm sorry kung ganito lang ako. I'm sorry kung hindi ako 'yung babaeng maipagmamalaki mo sa mga magulang mo - 'yung kaya nilang tanggapin. I know being Cyrish Villaroel is a curse! I know it!" I bursted out. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kung bibitawan ako ni Felix, alam kong mahihirapan akong lumaban.

"I love you Cyrish. It doesn't matter who you were or who you are. I love you because it's you!" He said with frustration.

"Then are you willing to fight again for this love? Wag kang susuko please. Ngayon pang mahal na kita? Felix please." I could feel the tears welling in my eyes.

"They want me to marry Sydney if I insist on being with you. I'm thinking of... us. Siguro wag muna tayong magkita at pag maayos na ang lahat at napaliwanag ko na sa kanila ng mas maayos, matatanggap din nila tayo. Then we'll get to see each other again." suhestyon niya at nanlaki ang mga mata ko.

"You're breaking up with me after one day? Wow! Just great!" I said sarcastically.

"Cyrish! Listen! If you can just wait just like what I did for you, maaayos natin 'to!" Nang sabihin niya 'to ay bumuhos na ang luha ko.

Nakarinig ako ng ingay ng busina at gumalaw na ang kotse namin ng hindi maayos.

The last thing I saw was the light from the car coming towards us.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now