Chapter 05

140 7 0
                                    

The next morning I expected we're going to clean the whole garden because of the party last night. It wasn't party for me by the way, it's like a formal dinner with businessmen, politicians, nuns, priest, and mistress of the orphanage. Naging instrumento lang kaming mga bata sa party nila. But at least I ate delicious food last night that's still good... and I was able to go outside... with Gio.

Pagkatapos ko sa washroom ay sa labas na ako pumunta para makapaglinis. Naabutan ko si Denice na winawalis ang mga damo. Denice was also same age as mine. Malapit na kaming mag-thirteen.

Nagwalis na rin ako para may masimulan, kaysa maghintay pa ako kay Amber hindi ako makakatapos sa trabaho namin dito sa garden.

I was drowned in sweeping the leaves away when Denice approached me. Binagalan ko ang pagwawalis ko.

"Lisa, alam mo na ba?" she whispered, kaya pala lumapit sa akin dahil may ibubulong siya.

"Alam na ano?"

"May pupunta daw dito yung congresswoman at gusto mag-ampon. Ang balak ay yung pinakabata dito. Kung hindi si Mica edi si Aica ang aampunin. Sayang yung mas bata pa ang pinili. Mukhang wala na tayong chance na ampunin dahil mga matanda na tayo."

"May chance pa namang ampunin tayo. Hintay-hintay lang. Marami pang walang mga anak."

"Sana nga, ayaw ko na talaga dito. Alam kong walang may gusto dito sa impyernong 'to."

I made a deep sigh as I continued to sweep the garden. Twenty minutes had passed and no one came in the garden except for Denice and I. It's so unfair. Alam kong hindi madami ang kalat sa loob dahil palagi kaming naglilinis, ayaw lang talaga nila na lumabas dito.

"Lisa pwede mo bang ilagay ito sa may gate? Yung isang sako kasi ay lalagyan ko pa ng mga basura." Pakiusap sa akin ni Denice.

"No worries." I mumbled. Kinuha ko ang sako sa kanya para ilagay sa tabi ng gate. The temptation to go outside subsided. Nakapunta na kasi ako sa labas kaya yung pagnanais kong makalabas ulit ay hindi umahon.

Bitbit ang isang sakong basura, kahit naghihirap ako ay dinala ko yun papunta sa gate para kunin ng mga basurero bukas. Araw-araw pinapakuha ni Matron ang mga basura para hindi kumalat ang amoy sa orphanage at para hindi na rin maamoyan ng mga tao sa labas.

It was a fine Saturday, the sun was smiling down to the creations of God below him. Ang tahimik at mukhang nasa good mood si Matron. I heard she's still in her bedroom but soon she'd go into her office to start her day.

I was supposed to head back to the garden when I heard a car's honk outside. It wasn't the Governor's because they're using black van to come here. I was curious but I never opened the gate for them.

"Denice!" Tinawag ko si Denice para matawagan si Matron.

Patakbong pumunta si Denice sa tabi ko. "Bakit?" she looked like a mother of twelve, she looked haggard.

"Mukhang may bisita si Matron. Pwede mo ba siyang tawagin? Ako na ang bahala sa sako, ako na ang magdadala nun." sabi ko sa kanya.

Tumango siya kahit nalilito siya ay sinunod niya ang sinabi ko. Bumalik din ako sa ginagawa namin kanina. Pinuno ko yung sako ng basura para hindi bumalik-balik pa para isang trabaho lang, tapos na agad.

Pagbalik ko papunta sa gate para ilagay do'n ang mga sako-sakong basura na makuha na rin ng mga basurero. Saktong papalapit na ako sa gate ay nakalabas na si Matron mula sa loob at nagmamadali siyang puntahan ang bagong dating na sasakyan. I paused when she opened the gate. Naglakad ako papunta do'n sa may gate para matapos na yung trabaho ko at makapagpahinga na ako. I wanted to sleep again for having a long day.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now