Chapter 28

103 3 0
                                    

Unexpectedly, I slept early that I could imagine. It's not what I expected because I thought I'd sleep early because of my back pain. Pero hindi sakit sa back pain kaya ako nakatulog,  it was from headache and... heartache perhaps? Pero konektado lang ang isip at ang puso.

I was in denial. I liked Wave. I just confirmed it by what I heard last night. Nakatulog agad ako dahil sa inggit at selos. Nagseselos ako. Hindi naman ako dating ganito. Hindi ako nagseselos agad sa taong gusto ko. Pero hindi ko lang gusto si Wave. Gustong-gusto.

Tulad nga ng sinabi ni Indy, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. In short in denial lang ako sa nararamdaman ko para kay Wave.

Ang utak ko ay nagdidikta sa lahat ng bagay, ang puso ko ang siyang nagpaparamdam sa anumang bagay na natatanggap ng utak. Kaya masakit ang ulo at ang loob ko dahil dun.

"Lisa? Hindi ka ba sasama sa mga kapatid mo? I heard you're friends with Waverick. Mabait ang bata na yun but you'd be careful you're Dad is eyeing you two. Sensitive pa naman si Daddy pagdating sa mga kasamang lalaki ng kanyang mga dalaga." Klara said. I almost choked with my own saliva.

Umiling ako. "We're friends." Mapait kong sagot. "There's no malice between our friendship." I added in animosity.

She sighed and smiled at me with her dull eyes. "I know dear. Your Dad is just so protective. Okay lang kung kasama ni Wave si Taylor dahil matagal na silang magkaibigan mula noong bata pa—"

"Kung si Taylor ang kasama ni Wave ay okay lang pero ako hindi? That's kin of... unfair you know."

Mabilis na umiling si Klara para itanggi ang sinabi ko. "Hindi sa ganun Lisa. Eh wala namang malisya sa kanilang dalawa dahil—"

"It's okay. I understand. Dapat sinabi niyo nalang sa akin ng diretsahan na huwag makipagkaibigan. Okay lang naman sa akin." Maanghang kong sabi bago lumabas ng bahay.

"Lisa nagkakamali ka hija—" Dinig kong sigaw ni Klara mula sa loob ng kusina pero nakalayo na ako kaya hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. 

Naglakad ako papunta sa kalsada kung saang walang tao at sasakyan na intereasdong dumaan. Dalawang summer house lang ang nakita ko dito. May mga nakita akong bahay nang dumaan kami papunta dito sa summer house nina Brandon pero ang layo ng distansya. Mas marami pa ang mga kakahuyan.

I sat on the pavement. Wala namang may sasaway sa akin dahil walang mga tao.

The skies looked dump, grey and miserable in the middle of summer. I smirked, parang dinadamayan ako ng langit ngayon. The sun might missing but I could feel the heat. Mukhang hindi  pa rin uulan. Mabuti pa rin kung umulan para maibsan ang init ng panahon. Rain and books were perfect match, mas ginaganahan akong magbasa ng libro kung malamig ang panahon. Parang yun ang gasoline ko sa pagbabasa. The guest room was air-conditioned, though, but it's still different if the weather outside was cold.

Narinig ko yung malutong na kaluskos ng dahon. Parang may lumalapit sa akin. Who might that be, he or she must not push me into his or her silliness. Wala ako sa mood para makipag-sabayan sa jokes.

Alam ko ang kilos ng kung sino ang tumabi sa akin sa pag-upo sa gilid ng kalsada. Paglingon ko ay naging tama ang hula ko. "What are you doing here?"

Para siyang palaka na nakaupo, hindi nakasaghid ang kanyang puwetan sa kalsada, dalawang braso ay nakapatong sa kanyang tuhod. Head was cocking sideways, looking at me at as if I'm just a joke. "Para kang nanlilimos dito." he joked.

I arched my brows. "I'm not as affluent as you are." Sarkasmo kong sagot.

His smile faded. "Oh, I didn't meant that. I'm just jesting."

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now