Chapter 22

105 5 0
                                    

First day of school ko noong grade seven ay maraming tao sa gate na nagkukumpulan. It was my first stepping out into the real school. Nakasuot ako ng magandang school uniform, magandang sapatos, may dalang magandang bag, at may pera din ako na bigay ni Mommy. Hindi ko akalain sa unang pagpasok ko sa classroom na may fifty students, may lalaki at babae, ay kailangan pang magpakilala— sa harap. That's when the time my classmates knew who kid I was.

My classmates laughed at me, made fun of my existence. Kasi sabi ng mga narinig ko, kapag pokpok daw ang nanay, pokpok din ang anak. Sobra akong nahiya, I was speechless, I came back to my armchair, dumbfounded.

That's what I felt again when my father, my biological father, came right in front of our doorsteps, taking his paternal rights at me.

Si Lacy ang nagbukas ng pinto, nasa kwarto ko at tinawag niya ako para daw makausap ko ang Daddy. Daddy, if it's just a food, niluwa ko na. Mapait para sa akin ang tawaging Daddy ang taong pinapasok ni Lacy. Nang nalaman ko na nasa labas siya at pinipilit ako ni Lacy na lumabas para makita ko daw ang father ko. But no. Nag-away kami ni Lacy.

"Bakit ba kasi pinapasok mo?! Ayaw kong sumama sa kanya!"

"Gaga ka rin ano! Kapag sumama ka sa kanya ay hindi ka magugutom! Mayaman ang tatay mo kaya sumama ka sa kanya. Lisa kung sa akin ka lang sumama ay wala kang mapapala. Yung kabutihan mo ang isipin mo. Walang savings si Mommy dahil naubos na sa pagpapalibing sa kanya! At sana maintindihan mo yun. Hindi naman ako hihingi sayo kung sumama ka na sa tatay mo! Sana isipin mo yun ng mabuti dahil kung nandito ka sa akin ay hindi ka makakapag-aral Lisa."

Tinulak niya ako palabas pero hindi niya ako napilit. Mas matangkad ako sa kanya at mas malakas kaya nang makatakas ako mula sa kanyang hawak ay tinulak ko siya palabas ng kwarto ko at kinandado yun. Kumatok lang si Lacy ng ilang beses at sumigaw pero sumuko din siya agad. Maybe she just realized her sister was so stubborn like her. And I didn't care about my father downstairs. Umuwi nalang siya sa kung saan siya nanggaling.

I didn't have the face to confront my father. Totoo ang sinabi ni Lacy na hindi ako makakapag-aral na, mahal ang tuition sa pinapasukan kong school— but I could enroll in public school. Pareho lang naman ang mga tinuturo nila, iba lang ang tactics but that would do.

I stayed inside of my room for two hours. Nakatulog ako. Lumabas ako nang makaramdam ako ng gutom. Tinali ko ang buhok ko dahil mukha akong sabog. Then I unlocked my room, dahan-dahan akong lumabas. Pinuntahan ko muna si Lacy kung nasa kwarto niya siya pero wala siya doon. Her room was empty, not literally empty I meant her presence was gone. Umalis siguro. Hindi naman yun naglalagi dito sa bahay.

On my way to the kitchen, para akong naging istatwa nang makita ang taong gusto kong umalis sa loob ng bahay ni Mommy. This was my Mom's house, her territory at kailanman ay wala siyang makukuhang pagmamay-ari ni Mommy. I only belonged to my mother.

His head was down, he had a nice posture, I assumed his tall kasi sa nakikita ko ay hindi bagay sa kanyang umupo sa couch namin. Parang masikip ang couch namin sa kanya. Ang linis ng pagkakagupit ng kanyang buhok, he was wearing a long sleeves navy blue polo shirt and a black slacks. Paired with designer shoes. May magandang wrist watch siya sa kaliwang kamay, it looked expensive. Everything about my father was expensive.

Napansin yata ng biological father ko na may nakatingin sa kanya. There, I saw my own carbon copy, mula sa hugis ng aming mukha, sa ilong, sa labi, sa hugis ng mata, at sa kilay ay nakuha ko, except for the color of my eyes, I got my eyes from my Mom. Sa kanya ko rin namana ang kulay ng buhok ko. My hair was bark color, it's like a brown but it's lighter than cacao color. I don't know, I'm not good with colors.

My father was looked like a man from Europe. Nang tumayo siya pagkakita sa akin ay naging tama ang hinala ko na matangkad nga siya. My father was a handsome man.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now