Chapter 20

112 6 0
                                    

Pagbalik ko sa mesa ay nandun na si Wave, nakaupo at may bagong ice cream kami sa lamesa. Parang nagpa refill lang kami ng ice cream. Napangisi ako sa iniisip ko. May bayad yung refill.

Sa harap ako ni Wave umupo, yung pwesto niya nung una ay ako na ang umupo. When I looked up at him, there's a hint of something else I couldn't utter but it's just a few seconds. He smiled at me and gently pushed my glass cup onward.

"May free cone siya, si Indy ang naglagay."

There I saw two cones on our ice creams. Sinulyapan ko si Indy pero hindi siya nakatingin sa amin dahil may inaasikaso siyang customer. Saka na ako nagbalik ng tingin kay Wave nang tawagin niya ang atensyon ko para magsimulang kumain.

I took a tiny scoop of my matcha ice cream. Napatango ako sa aking sarili. It was good.

"Good?" Wave asked. I smiled in return. Yeah it was.

I also asked him about the vanilla and chocolate ice cream. He answered, it wasn't bad at all. I told to explore more ice cream flavors para hindi siya magsawa sa matcha flavor ice cream. Nakakasawa kasi kapag paulit-ulit nalang ang kinakain mo. Trying different flavors wasn't bad though.

"Are you going home now?" tanong ni Wave nang makitang nag-aayos ng bag.

"Well it's time. Baka gabihin ako at magalit sa akin si Mommy. Sa susunod nalang ulit?"

He nodded. "Gusto mong ihatid kita sa terminal? Doon ka din naman sasakay diba?"

"Oo. Maglalakad tayo?" I asked. Mabasa pa sa labas at baka umulan pa dahil maitim ang mga ulan.

"I brought my Dad's Mustang. Wala pa akong sariling sasakyan kasi hindi pa ako graduate ng highschool." he explained.

Namamangha akong nagtaas ng tingin sa kanya. "So marunong ka palang magdrive. Mabuti at pinayagan ka nilang magdrive kahit highschool ka palang."

"Well I'm eighteen so wala naman silang ikababahala sa akin dahil marunong akong mag-ingat. I'm not that ride and die guy, you know, yung marahas na driver. I won't let something happened to me. I love my life." he stated, and showed his charismatic smirk.

So nagpahatid ako sa kanya papuntang terminal para na rin makaiwas sa nagbabadyang masamang panahon. I hadn't brought my umbrella because I only had my little bag with me. Mabuti kung bagpack ang gamit ko ay maipapasok ko ang payong sa bag.

We arrived at the terminal after three minutes. Hindi malayo ang terminal mula sa Strawberry's but if we walked, aabutan kami ng seven to ten minutes lalo na kapag nag-uusap ay mapapahaba talaga ang lakad namin.

"Thank you for driving me here Wave. Ingat ka." sabi ko habang dumudungaw sa kanya.

A thrifty smile had shown from him. "Anytime. Ingat din." sabi niya, nakahawak ang dalawang kamay niya sa steering wheel, tinanguan ko siya at naghanap ng masasakyan. Bago pa kamo makaalis ay nakita ko pa siya, nakaantabay sa pag-alis ko. Hindi siya umalis nang hindi umaalis ang taxi.

Nasa living room si Mommy nang makauwi ako galing sa Strawberry's. Walang emosyon siyang nakaharap sa screen ng TV. She's watching but her mind was everywhere.

"Mom." tawag ko.

Nakita naman niya ako, malungkot siyang ngumiti sa akin. Ilang araw na siyang ganyan. Kapag galing siya sa club ay napaka visible ng lungkot sa kanyang itsura. Hindi din siya nagdadala na ng mga lalaki sa bahay. Kahit sino ay wala. Wala ding nakaparada na mga sasakyan sa labas na pagmamay-ari ng mga parokyano.

"Nandito ka na pala anak. May pagkain akong hinanda sa lamesa. Kung nagugutom ka ay kumain ka nalang."

Hindi na siya ulit tumingin sa akin pagkasabi nun. Bumuntong hininga nalang ako saka tumango kahit hindi niya nakita. Umakyat muna ako sa taas. Ang totoo niyan ay hindi pa ako nagugutom kaya hindi pa ako kakain. Nabusog pa ako sa kinain kong ice cream kanina. And also, it could be better if we eat together. Namimiss ko ang presensya ni Mommy sa hapagkainan. Palagi nalang walang buhay ang kusina namin kapag wala ang mga kasama ko. Palagi kaming hindi kompletong kumain sa kusina.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now