Chapter 49

84 6 0
                                    

My plan to go back to meet Lacy again earlier this morning was postponed because Klara invited me to shop. Hindi ako mahilig magshopping pero wala akong magagawa dahil pinilit niya ako. Brandon just gave his mastercard. Nalula nga ako dahil ang laki ng pera ang laman nun. Hindi ko sana yun tataganggpin kaya lang ay pinilit ako ni Klara na kunin yun para makagamit ako.

Nakakahiya ding ibalik. So I just kept it in my bag. Hindi ko yun gagamitin may sarili naman akong pera at doon nalang ako kukuha ng panggastos. Hindi na kailangan pang gamitin yung pera ni Brandon.

Ang plano kung pagpunta sa Santa Monica ay isinantabi ko lang muna. I'd go there later, siguro hapon na. Klara and I shopped for four freaking hours. Ang laking oras ang nasayang dahil sa pagshopping. Ako nga kung nagshoshopping ay isang oras lang dahil hindi talaga ako mahilig mamili.

I just bought two new shirts and a running shoes kasi yun lang naman ang kailangan ko, hindi ako mahilig lumabas kaya aanhin pa ang bagong shoes at dresses kung sa loob ng bahay lang ako palagi. Klara bought some MAC and Dior cosmetic products. Marami ang binili niyang makeups but again, I'm not a fan of makeups.

I rather looked natural because my skin was allergic to cosmetic products. Yung iba ay ibibigay ko nalang kay Indy kung gusto niya. Yung ititira ko lang ay yung para sa skin care products, sayang kasi.

Nakauwi kami ni Klara alas kwatro na ng hapon. Hapong-hapo ako nang makauwi. Padapa akong humiga sa kama at pinikit ko ang aking mga mata. I fished out my phone to check the time. I groaned. It looked I needed to get my ass off of the bed. Naligo ulit ako para magbihis ng bago. I just wore a comfortable white t-shirt, black cargo pants and running shoes.

Bumaba ako ng hagdan para kumain sa kusina. Kahit kunti lang ang kainin ko basta may laman ang tiyan. Yung phone ko lang ang dadalhin ko kapag umalis ako, I made sure hindi maiinis ang power ng phone ko kaya nicharge ko yun bago ako maligo. Yung mga gamit ni Mommy na naipon ko mula sa bahay ni Lacy ay linagay ko sa ibabaw ng kama.

Yung kinain ko ay sakto lang para makakilos ako ng maayos. I wanted to eat heavy dinner but I couldn't. Sa kitchen sink ay may nakita akong bread knife. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa akin nang maisipan kong kunin lang yun at ilagay sa bulsa ko. I had an instinct that there's something might going to happened to me tonight. But it's just for safety reasons. Bread knife lang naman ang kinuha ko hindi butcher knife.

Nasa living room na ako nang makita ko si Saint na hawak ang kanyang phone. Lumapit ako sa kanya. Sa likod lang ako at sinilip kung ano ang ginagawa niya. I saw him playing online game.

"Hey Saint."

Nag-angat si Saint ng tingin sa akin, when he realized it's me, tinago niya ang kanyang phone.

"Hey Lisa. How are you?" he answered.

"Good. Are you busy tonight?"

Nag-isip muna siya nang ilang minuto bago siya nagsalita. "Wala... naman sa ngayon. As far as I know wala akong ginagawang projects so I'm safe tonight."

"Well then. Pwede mo ba akong samahan sa Santa Monica? Hindi naman masyadong malayo doon. Gabi pa naman ngayon at mahirap makasakay."

"Santa Monica? As in now?" Nakakunot ang noo at hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo. Madali lang naman, pupuntahan ko lang si Lacy, yung kapatid ko sa nanay ko. Kahit sa loob ng kotse ka na lang ako na yung lalabas."

Gusto kong komprantahan si Lacy kung may alam siya sa pagkamatay ni Mommy. Pareho silang wala ng gabi na yun. Masakit man isipin na pinagdududahan ko siya lalo ng pareho kaming dalawa ay galing kay Mommy. Hindi ko gustong magbintang kaya lang ay gusto ko lang na sagutin niya ako para makaiwas sa mga masasamang ulat ng isip ko.

Camp Sadness Of Dandelion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon