Chapter 10

128 6 0
                                    

It was Sunday and we're doing our morning rosary as usual. Matron was leading the rosary, minsan ay kami pa, pero ngayon ay siya ang nag lead sa rosary. While I was watching her, bigla akong napaisip, kung sino pa ang madasalin siya pa ang makasalanan, napakalaking kasalanan ang ginawa niya.

Pina-ikot ko sa aking dalire ang rosary na bigay lang sa akin. Malapit na kaming matapos sa pagrorosary, kapag matapos ay sa dining area kami pupunta para mag breakfast. Then I'm going to my room and get changed. Ayun kay Matron ay kukunin daw ako ngayon nina Mrs. Alvis.

Sana ay mapaaga ang pagdating nila para kapag makauwi ay maaga din. I'd like to go outside and breath another air again. Nagiging toxic na dito sa orphanage. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan. I didn't mean not trust Amber but she seemed became another person kapag pinag-uusapan ang pagkukuha sa akin ng mag-asawang Alvis. I'd like to be with them again, sana ay sa kanila nalang ako manirihan hanggang sa maayos ang adoption paper ko.

"Saan ka pupunta?"

Biglang pumasok si Amber sa kwarto namin at nakakunot ang noo niya nang makita ang ayos ko. I was wearing my new dress. Nakatali ang buhok ko at handa na akong umalis.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. Umupo siya sa kama niya.

"Kukunin ako nina Mrs. Alvis ngayon." sagot ko.

Umasim ang kanyang mukha pero hindi siya nagsalita. Nakatingin siya sa sahig, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Umupo ako sa tabi ng bintana at pinagmasdan ang kanyang ekspresyon.

Nang may kumatok ay agad akong napatayo. Si Grace ang nagbukas ng pinto. "Lisa, pinapatawag ka ni Matron. Sa office niya daw." sabi niya.

Inayos ko ang nagusot kong dress sa pagkakaupo. Napatingin ulit ako kay Amber. "Amber aalis na muna ako." pagpaalam ko pero wala akong nakuhang sagot. Imbes na sumagot ay mas dumilim pa ang kanyang awra.

Umalis na kaming dalawa ni Grace na naghintay sa akin. Sinamahan niya ako hanggang sa office ni Matron pero iniwan na niya ako nang papasok na ako.

"Good morning Lisa." Mrs. Alvis greeted me first then followed by Mr. Alvis.

"Good morning din po." sagot.

"Nais kang isama nina Mrs. Alvis sa kanila. It's still early but they want to be with you before they leave here in Esmeralda. Ilang buwan muna silang aalis pero pagdating nila ay maayos na ang adoption paper mo at pwede ka nilang kunin." said Matron.

Hindi ko napigilan ang paglandas ng lungkot sa mukha ko. Aalis sila. Ilang buwan ko silang hindi makikita. Parang kay Gio lang, aalis din pero hindi ko alam kung magkikita pa kaming dalawa.

"Yes but don't worry Lisa. Babalik kami para kunin ka namin." assured by Mrs. Alvis.

"Saka nalang natin pag-usapan ulit yan. Lisa, isasama ka lang muna namin sa bahay okay?" ani Mrs. Alvis.

I nodded. The couple bid a goodbye to Matron. Sumunod ako sa kanilang dalawa palabas. Habang nasa byahe ay ang dami kong iniisip. Bakit hindi nalang ako nila kunin? Yung ibang adoptive parents ay kinukuha na agad ang kanilang adoptive child para hindi na paasahin na alagaan ng mga taga orphanage.

At yung isa ko pang iniisip ay si Amber. Ano kaya ang problema niya at bakit hindi maipinta ang kanyang mukha. Parang may halong galit, inggit, at insecurities, akong nakita sa kanya kanina. I never thought Amber would be like that. Pero sana ay maayos namin yun. Kakausapin ko siya agad para magkaliwanan kami. Ayokong umalis sa orphanage na may baong bigat sa dibdib.

Pumarada ang sasakyan sa harap ng gate ng malaking bahay nila Mrs. Alvis. Lumabas kami ni Mrs. Alvis but Mr. Alvis remained.

"It's just you and me Lisa. Si Richard ay aalis, his boss called him and it's an emergency." sabi ni Mrs. Alvis nang makapasok kami sa bahay nila at nang umalis si Mr. Alvis para puntahan ang opisina ng boss niya.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now