Chapter 18

111 5 1
                                    

Sobrang tahimik at ang dilim ng bahay pagkakita ko habang pababa ako ng taxi. Kahit isang tao lang ay wala. Binuksan ko agad ang ilaw sa loob at pati na rin sa labas para hindi madilim, may ilaw sa labas ng kalsada pero parang haunted house ang bahay namin kung hindi ko binuksan ang ilaw.

My housemates were out of nowhere. Mom's at work for sure. Lacy's with her friend and I'm sure about it, but Kendra? I'm unsure where she was. Palagi nalang akong mag-isa dito sa bahay namin, kahit magbukas ako ng TV, magpatugtog sa phone ko, tahimik pa rin ang bahay namin. Iba pa rin kapag may kasama kang nakakausap mo ng matino. It stressing me when I felt alone again. Nakakabingi ang katahimikan.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang matapos akong kumain. Nawalan ako ng ganang magbasa at gamitin ang phone ko. Pagkalipas ng ilang oras ay may narinig akong ingay sa labas. Pagsilip ko mula sa bintana ay nakita ko si Lacy na kasama ang boyfriend niya. Nandito na naman siya para humingi ng pera. Bumuntong hininga ako. Uuwi lang siya kapag may kailangan kay Mommy o di kaya ay may kukuning gamit.

Inayos ko ang kurtina para matakpan ang bintana. I had locked and also the door. Nakaugalian ko na yun para safe ako. I didn't trust strangers who were just invited by my mother and my sister. Kendra never invited her friends over pero kapag pumupunta dito sa bahay ay nasa labas lang.

I went back to my bed to lay down. Dumapa ako sa kama. Hindi na naman umuwi si Kendra agad. Away na naman ito kinabukasan. May ugali pa naman si Lacy na mahilig makisawsaw ng problema. Siya yung palaging dahilan kaya magulo dito sa bahay. She never got the chance to ruined me because I would not let her. I maybe a freak sometimes but I'm no loser.

I woke up feeling drained, my arms were aching when I stretched it out, it's probably because I slept with my arms beneath my head. Naghilamos ako para magising ang diwa ko. I'm dying to run off from sleepiness, it felt like I'm going to have an unproductive day if magpadala ako sa katamaran ko ngayon. Hindi ako nakunteto na maghimalos lang kaya naman ay naligo nalang ako para talaga magising ako.

I heard Mom's voice downstairs na sa may kitchen siguro siya at wala na siyang bisita. My eyebrows turned into tight knot. Anong oras na ba? I turned my phone on to check the time. It's seven, it's too early. Umupo na ako sa silya para kumain. Si Mommy ang nagluluto ngayon. Madalang lang niyang gawin ito dahil minsan ay tulog pa siya kada umaga lalo na kung may kasama siya sa kwarto niya.

"Anong oras ka nakauwi kagabi Mom?" I asked. I muttered thanks when she handed me the butter.

"Alas dyes ako umuwi. Wala akong kasama pero hinatid lang ako ni... Giovanni." sabi niya sabay upo sa harap ko. "Nga pala, ba't hindi pa bumababa si Kendra. Pakitawag nga para kumain at mag-uusap na naman kami. Pag-uwi ko ay nasa kwarto na siya niya, pero alam kong nagbulakbol na naman ang batang yun."

Sinunod ko ang sinabi niya. Umakyat ako sa taas para gisingin si Kendra. Bumuntong hininga akong kumatok sa pinto ng kwarto niya. No one answered. Lazily, I tried again but no one answered. My haunched was correct, maybe she's still lying on her bed.

I twisted the doorknob to open, and just to be surprised by what I saw. Ang kalat ng kama niya, doon ako nakafocus agad sa pagtingin. And it took me to realized that my sister wasn't on her bed. Something tugged in my heard. I suddenly felt the cold breeze coming from the cool morning outside. May narinig akong parang may gumugutak na bagay na parang may mababali sa likod ko. Slowly, I turned around, only to be stupefied.

Hindi ako makapagsalit agad sa nakita ko. Nahigit ko ang aking hininga at nanlaki ang aking mga mata. I couldn't move.

"K... KENDRA!"

Sumugod ako sa katawan niyang nakabitay mula sa lumang kisame ng aming bahay. I shouted for help. I didn't know what to do. Yumakap ako sa kanyang katawan na nasa ere na. Nanlaki ulit ang mga mata ko nang maramdamang malamig na ang kanyang katawan.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now