Chapter 43

83 6 0
                                    

I felt like I was sinking in the deepest of ocean. I couldn't breath properly. Cobwebs were developing in my head. I couldn't control my fingers when it fiddled, mannerisms flashed. Gulat na gulat si Wave nang hagkan siya ng babaeng kakapasok lamang ng office niya. Mas nagulat ako dahil akala ko... ako lang, pero bakit may iba?

Hindi ko kinaya ang eksena na nasaksihan ko, I excused myself from their moment.

Habang tahimik na naglalakad sa hallway ay hindi ko napigilang hindi madismaya kay Wave. Umamin siya sa akin na gusto niya ako, na ako lang, ako lang pala ang pangalawa niya.

Hindi pa ako nakakalayo ay malakas na boses ang tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako kay Wave. Ang laki hakbang niya palapit sa akin. Humahangos siya nang makalapit. Ako naman ay matapang siyang hinarap.

"Lisa it's not what you think it is. I don't know why she's here and she doesn't know I'm here. Hindi ko alam kung ang Mommy ko ang nagsabi sa kanya na nandito ako but I swear she doesn't know I owned this place and—"

Hinarang ko ang aking kamay sa kanyang labi para mapahinto siya sa pagsasalita.

"Stop, huwag tayong mag-usap dito Wave, baka may dumaan at makita tayong nagpapalitan ng salita. Ayoko rin na pag-usapan ako." Walang emosyon kong sagot.

Umalis na ako sa harap niya at hindi na nagpahabol pa sa kanya, hindi rin naman siya sumunod sa akin. Pero nasaktan ako dahil hinagkan siya babae. Siya ba si Yumi, yung sinasabi ni Denzel?

Bumalik ako sa loob ng kwarto ko. Diretso sa kama at nahiga. Napaka-imposible ng umasa pang kakausapin ako ni Wave dito sa kwarto ko lalo na't kasama niya ang babae na yun.

Pero umasa pa rin ako na pupunta siya sa kwarto ko hanggang sa gabi. Pero walang anino ni Wave ang bumisita sa kwarto. Alas onse na ako nakatulog. Hindi ako lumabas para kumain. Pagsapit ng umaga ay sumali ulit ako sa two-mile run kada umaga para makalimot. I also went to challenged myself again to rope climbing, naiinis ako dahil hindi ako nakakarating sa may bell. Umabot hanggang alas otso ng umaga ay naiirita akong pumasok sa kwarto ko.

Nagpadala lang ako ng pagkain, pati lunch at dinner ay nagpahatid lang ako dahil wala akong ganang umalis sa kwarto ko lalo na't buong araw ay hindi ko nakita si Wave, hindi siya pumasok sa kwarto ko para kausapin ako. Naghihintay akong kausapin niya ako pero hindi siya sumipot sa kwarto ko.

Five days, five days na wala si Wave sa Camp Treat. Hindi ako mapakali kaya nagtanong ako kay Marie kung nasaan ang amo niya. She's shocked that I knew Wave and I knew that he's the owner of the Camp Treat. So when I asked where was Wave, she said Wave's was not in the Camp Treat. Umalis daw dahil may emergency. Emergency siguro yung babae kaya umalis ng Camp Treat.

Hanggang matapos ang araw ng pagstay ko sa Camp Treat ay hindi siya bumalik sa camp. I wondered. Nag-empake na ako para sa pagbalik ko sa Trinidad. Sa Trinidad ako pupunta para hanapin si Lacy at para makumustahan ko siya. Wala akong natanggap na update ni Indy tungkol kay Lacy dahil busy din siya sa trabaho.

My last day in Camp Treat was bittersweet. Bitter because I'd leave this place without Wave knowing about my departure. And sweet because I had a sweet memories here in Camp Treat. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito. Plano ko kapag makita si Lacy ay hindi ko na itutuloy ang isang buwan pang bakasyon sa Trinidad. Babalik na ako sa Utah para matapos na ang trabaho ko. I had piles of episodes to update and I must finished all my works within fall.

Nakaupo ako sa buhangin at tinatanaw ang papalubog na araw sa ilalim ng linya sa dulo ng dagat. Huminga ako ng malalim. Tanggap ko naman kung ano lang ako kay Wave. Hindi ako mag-aambisyon na maging sa kanya kung hindi talaga ako para sa kanya. Pero totoo yung nararamdaman ko sa kanya dahil noong bumalik ako galing sa Utah at nakita siya sa kasal ni Denzel ay nanumbalik ang akala kong nabaon na sa lupa na pagkagusto sa kanya.

Camp Sadness Of Dandelion Où les histoires vivent. Découvrez maintenant