Chapter 17

121 6 0
                                    

Hours had passed since I went to the national bookstore again to buy a new good book to read when I decided to take turned at Strawberry's. I tried their new flavor lemon thyme ice cream, ang sabi ni Indy kapag may nakikita silang bagong flavor na nakikita sa TV or sa internet ay ina-adopt nila para palagi silang may bago sa ice cream parlor nila.

"Sa Thursday birthday ni Kendra diba? May plano ba kayo?" tanong ni Indy pagkalagay ng ice cream ko sa glass cup at binigay sa akin, nagbayad din ako agad.

It's been nine days since our moving up ceremony which Mom had failed to come to. Mabigat ang loob ko noon pero wala akong magawa kasi nga kinalimutan ang araw na yun na mahalaga sa akin. Senior highschool na ako sa susunod na academic year at dapat siyang maging proud sa akin dahil kahit ganun ay hindi ako naging katulad kay Lacy at Kendra na nagrerebelde. And it was my birthday too.

"Wala. Hindi sila magkasundo ni Mommy dahil palaging umaalis ng gabi si Kendra." sabi ko.

"Nakita ko nga siya noong nakaraang araw. Nagvivape kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ba alam ng Mommy mo yung ginagawa ni Kendra?"

"Syempre alam. Kaya hindi sila magkasundo dahil dun sa issues ni Kendra. Baka nga mabuntis yun ng maaga. Fifteen years old tapos buntis."

Bumuntong hininga ako. Si Indy naman ay napailing. Kapag pinagsasabihan ay grumagrabe lang siya, si Lacy umuwi kagabi ng lasing. Si Kristen ang kasama at mabuti nalang na wala si Mommy sa bahay kundi nasa bar.

Yung malapit sa pinto na ako umupo dahil may nakaupo sa ibang mga spots. Linagay ko lang muna sa ibabaw ng round table yung dalawang libro na binili ko kanina sa national bookstore. May nakita akong dalawang magandang basahin kaya bumili agad ako.

The door suddenly opened, nakita ko si Wave ang pumasok sa ice cream parlor. Napatingin sa akin agad si Indy nang masilip ko siya. She's smiling down at me parang may plano. Umiling ako sa kanya at tumingin kay Wave na pinalibot ang tingin bago napadpad sa akin.

He smiled when he saw me. Lumapit siya sa pwesto ko.

"Pwedeng makiupo?" he asked.

Napatango ako agad. "Yes."

"Nice. Thank you." he replied and I just shrugged.

It's just fine to me hindi naman masamang makiupo dahil puno na yang ibang spots. Ang daming taong pumasok sa Strawberry's. Binitawan muna ni Wave ang kanyang mga gamit para bumili. He got books again, parang binili pa niya sa bookstore kasi may mga supot pa.

Pagbalik ni Wave ay napatuwid ako ng upo. He sat down silently while I was observing him secretly. Napansin kong hindi na mahaba ang kanyang buhok. Bagong gupit siya. Wala siyang linagay na wax sa kanyang buhok pero ang kintab nito at maayos ang pagkakasuklay.

Tinanggal ko ang tingin sa kanya baka mahuli niya pa ako nakatingin sa kanya, ayokong isipin niya na pinapantasya ko siya dahil lang nakatingin ako sa kanya. It's just normal to stare but there were some people who were too presumptuous. Ang dami kong kilala sa school dahil ang akala nila ay may gusto ako sa kanila o naiinggit. Dapat talaga may gamot para sa ganyang klaseng pag-iisip.

"That's a good choice of you."

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kaharap ko. He was looking at my book. Pareho kaming nagbabasa but he stopped reading when he noticed my book.

"First time kong magbasa nito. I was just curious kay Jason Voorhees." I said, shrugging.

He chuckled. Now he closed his book. "You remember, but yeah, Jason Voorhees is my favorite killer. He's phenomenal killer than Freddy Krueger."

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now