Chapter 32

86 4 0
                                    

Kung ano ang pinagkaibahan ng neighborhood sa Trinidad at dito sa bago kong tirahan, yun ay ang hindi nakikialam alam ang mga tao sa kung sino ang kasama mo, o anong ginagawa mo. They'd ask you if you're okay, sa Trinidad ay huhusgahan ka pa nga kung may ginawa ka kahit hindi naman masama.

Pinapasok ko ang kapatid ko sa loob ng bahay ko. Of course I welcomed with open arms. He's the one said that I should be with my grandmother noong hindi pumayag si Brandon na sumama ako kay lola. I was determined to go away and he was behind my back. Supporting my decisions. Wala ding nagawa noon si Brandon lalo na't nagalit sa kanya si lola.

"Ang laki nitong bahay mo para sa isang tao. Aren't you scared of being alone?" Nilibot ni Denzel ang kanyang paningin. He became taller, the last time I saw him he didn't have a muscular body but now he finally had the courage to be equalled his Dad.

"Why would I? I'm not afraid of being alone. Besides, I'm always ready when that time happened." Pagmamayabang ko sa kanya na ikinasinghal lang niya.

He shook his head in incredulity. I handed him my special doppio. He tasted it at nangasim ang kanyang reaksyon. I chuckled. "Ba't masyadong matapang? Lagyan mo nga ng kaunting asukal?"

Napailing ako at linagyan ko nga ng kapiranggot na asukal. Ang arte naman kasi ni Denzel. I didn't stop gawking at him. "Oh eto na."

"Thank you." he answered. Umupo siya sa silyang kaharap ko. He was examining my house. "Ba't hindi ka na tumira sa dating bahay ni lola? Malaki din yun."

"It's my decision to move out. Also, it's your Dad's decision kung ano ang gagawin niya sa bahay na yun. Kung ibenta niya yun then it's okay. Para naman may makinabang sa bahay na yun at hindi maging malungkot." I said.

"Hindi mo ba alam? Sayo ipinangalan ang bahay dahil nakasama mo si lola. Ikaw ang magdedecide kung ano ang gagawin mo sa bahay na yun."

Huminga ako ng malalim. I didn't know na sa akin pala nakapangalan ang bahay. I loved my grandma's house but I didn't feel like going back there anymore. Hindi sa nalulungkot ako kapag nandoon ako, gusto ko lang na umiba ng landas. And now I'm here in my new house. Living the best life I wanted ever since I was a kid.

Pinatong ko ang aking braso sa lamesa para ipatong din ang aking mukha sa kamay. "Kung sino ang gustong maghabol ng bahay ay sa kanya nalang. I have my new house and am happy to be here. Balak ko ngang bumili ng lupa sa Wyoming para magpatayo ng ranch. Gusto kong doon mapunta ang pera na nalikom ko."

Bumuntong hininga si Denzel at inubos ang doppio na ginawa. Mainit pa yun pero naubos niya. "Saka mo na planuhin yan kapag nakauwi ka na sa atin. Ito oh. Ito ang pinunta ko para sayo. I sacrificed being away from my fiancé just to find you so be there on my wedding day."

Mula sa makapal niyang suot na Louis Vuitton jacket ay kinuha niya ang isang invitation card. It was white and thick. Binasa ko ito at tinignan ang date. My eyes widened. "Seriously?! Eh next week na'to eh! May hahabulin akong deadline next week Denzel! Hindi ba pwedeng i-move nalang ito?" Hirit ko.

"Ano ka sinuswerte? Kami pa talaga ang mag-aadjust para sayo? Sino ba ang ikakasal, ikaw o ako?"

I curled the side of my upper lip, glared at him once again. "Hindi nalang ako aattend kung hindi mo ako pagbibigyan." Matapang kong sabi at ibinagsak pabalik sa kanya ang invitation card na binigay niya.

"Kapag hindi ka pumunta, kahit naka-pyjamas ka pa ay ako talaga ang magdadala sayo sa simbahan para umattend ka lang. Ginawa ka pa namang maid of honor ng fiancee ko."

I slapped his arm, hard. I knew that he knew me well enough that I didn't want to get involved in any parties because it's not my thing.

"I won't promise na aattend ako sa wedding mo. Gusto mo ng regalo? Magpapadala ako ng regalo."

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now