Chapter 25

107 7 0
                                    

Paggising ko ng umaga, nagtaka pa ako kung nasaan ako. Ilang segundo kong inalala kung nasaan ako, kaninong bahay ang tinutuluyan, at kung sino ang mga kasama ko. But then, it's just a few seconds before I realized that I was in my father's summer house.

Ilang minuto muna akong nanatili sa kama bago ko naisipang bumangon para maligo. Kumuha ako ng tuwalya mula sa mga binili nina Klara at yung ibang hygiene kits, it's not my cup of tea na pakialaman yung gamit ng iba lalo na kapag hygiene ang pinag-uusapan. Dati noong bata pa ako ay wala akong pakialam kung magsalo-salo kami ng sabon at shampoo ng mga kasama ko sa orphanage pero ngayon ay hindi na.

Nagdala din ako ng pamalit, simple lang ang kinuha kong damit. I got faded wide jeans and black oversized t-shirt then my undergarments.

Paglabas ko ng kwarto, saktong lumabas din si Taylor unlike me she's only have towel while I thought I brought the whole room. We're both heading to the bathroom. Nagkatinginan kaming dalawa. Kung magkasama lang kaming dalawa, o di kaya kahit sino sa mga anak ni Brandon ay aakalaing ako lang ang anak niya, I'm not being conceited but I'm Brandon's girl version. Kung mayroon kaming pagkakapareho ng mga kapatid ko ay yung kulay ng buhok.

"You... you get in there first. The one beside your room. Nasa loob si kuya sa isang bathroom." she said, nag-iwas din ng tingin agad.

"Paano ka?" Agad kong sagot. Baka may lakad siya.

She tilted her head to look at me again. "No you go first. Matatapos na rin si kuya." she replied.

How nice of her. It was supposed to be sarcastic. Well she's being nice to me so I might grab that chance to follow what she said. Mabilis akong nagshower, ayokong may pinaghihintay ako sa labas. Ayokong magpaka-importante dahil hindi naman. But I made sure na malinis ang katawan ko, walang duming naiwan sa katawan ko.

Paglabas ko ay walang tao na naghihintay, I heard the shower next door. Baka tapos na si Denzel maligo and maybe Taylor was taking a shower. Pumasok ulit ako sa kwarto ko, I was drying my hair using my towel when I sneaked a glance to Brandon's neighbors' house.

I spotted no one in their yard, siguro ay tulog pa sila Wave. And wait a minute? So nagpunta dito si Wave sa Bella Vill? Kailan pa kaya siya nandito? Sa pagkakaalam ko ay dalawang araw lang akong absent sa Strawberry's bago nagpakita si Brandon sa bahay. I'd like to know about it but I thought maybe later, hindi ko pa kasi siya nakikita. Kapag makita ko ay pupunta ako sa kanila.

Nang lumabas ulit ako ng kwarto pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko. Mag-isa lang si Klara sa kitchen. She's busy cooking with I didn't know what she's cooking. When she saw me, her smile became visible.

"Oh nandito ka na pala. Gutom ka na ba? May hinanda akong waffle at pancakes but I also cooked fried rice in case gusto mo ng fried rice."

In a moment, natuliro ako. Namangha sa nakita ko, yung dating pinangarap ko na si Mommy ay maaabutan ko sa kitchen, nagluluto ng paborito naming pagkain ay nalusaw dahil ibang nanay ang naabutan ko. Gusto kong gawin ni Mommy yun, yung tatanungin kami nina Lacy kung ano ang paborito naming pagkain.

But that dream of mine faded when Klara covered my forehead with her soft palm. "Are you okay? Wala ka namang lagnat?" Nag-aalalang tanong niya, she really looked so worried of me. Hindi yun fake. Maybe she's a good at faking everything. Pero hindi agad ako makukumbensi sa ganyang paraan dahil natuto na ako.

"No I'm not sick. Gutom lang ako. Can I eat?"

She was amazed by my answer. Her eyes gleamed at my response. Pina-ikot niya ang braso niya sa akin marahan akong hinila sa lamesa. "Of course! Kaya ako nagluto ng marami para sayo. Saglit lang at tatawagin ko ang iba para sabay-sabay na rin tayo."

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now