Chapter 39

92 5 0
                                    

Every day sumasali ako sa two-mile run every four in the morning. Yung trainer na si Paulina ang siyang sumasama sa mga runners. Sweats were falling down on my face that's why I wiped it with my hand. I hadn't brought my handkerchief para pampunas sa aking pawis.

Huminto ako sa rented car ko dahil may puno doon na pwedeng pagpahingaan. Nagpahinga muna ako sa puno, hindi pa sumisikat ang araw pero mainit sa pakiramdam dahil kagagaling ko lang sa pagtakbo. Sinubukan kong buksan ang tumbler na dala ko pero wala yata akong lakas kaya hindi ko ito mabuksan. I tried to open it again. Ba't ba kasi ang higpit ng pagkasarado ko nito? I tried but a hand snatched my tumbler from me, I gasped but he gave it to me when he opened it.

"I didn't expect you're joining the runners for their morning activity. How's your feeling today?" Wave joined me to sit on my rented car's hood. May ten inches distance sa aming dalawa kaya hindi kami magkadikit.

"Better. Sanay naman ako sa exercise." I replied, tinungga ko yung tumbler na hawak ko. Hindi malamig na tubig ang dala ko kasi malamig pa ang klima sa labas baka sumakit ang tiyan ko.

I caught him staring at my body, more specifically to my fits. Hindi naman malaswa ang suot ko. I was wearing a grey sports bra for exercise, a black flared leggings, and my favorite running shoes na binili ko pa sa Manhattan noong unang punta ko.

His eyebrows knitted. "Hindi ka ba nilalamigan?" Hindi niya napigilan pang sabihin yun sa akin habang nakatingin parin sa suot ko. I hugged myself.

"Not yet. Hindi pa malamig." Simpleng sagot ko.

Huminga siya ng malalim habang sa suot ko pa rin nakatingin. Para siya ang nahihirapan sa suot eh hindi naman ako mababastos nito. There were some female here at Camp Treat were wearing a revealing gym outfits. Eh kasi naman sino ba ang magsusuot ng gown, jeans, at dress during exercises wala naman.

Hinubad niya ang sweatshirt na suot niya at tinapon sa mukha ko. "Isuot mo yan. Kita ang pusod mo at boobs."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya sa akin. Nagpunas muna ako ng pawis, hindi ang sweatshirt ang ginamit ko kundi ang panyo na dala ko rin kanina. Saka ko sinuot ang sweatshirt. Nasa malayo na ang kanyang tingin, hindi ko matukoy kung saan siya nakatingin pero alam ko ring pinapakiramdaman niya ako.

"Thank you." I said after I wore his sweatshirt. Naamoy ko kanina ang pabango niya. Ang bango talaga. I didn't worry about him na malamigan dahil may suot siyang white t-shirt na makapal ang tela, and he's wearing cargo shorts.

I heard him answered but I just heard 'hum' siguro ay yun na ang sagot niya. Lumipad ang tingin ko sa ibang direksyon. Maliwanag na sa east side dahil malapit na ring dumungaw ang araw. I checked the time on my wrist watch, it's five thirty in the morning.

Napatingin ako sa katabi ko na malayo pa rin ang tingin. He's wearing the activity tracker or the fitness tracker. Siguro ay sa gym ang punta nito pero nakita ako at lumapit sa akin.

"Mag-eexercise ka rin?" I asked as I saw his fitness tracker.

He nodded at went back to look at me again. "I just go for jog but it's still early. I'll wait 'til the sun goes up."

"Mga anong oras naman? Alas dose eh mainit na yun." sarkasmo kong sagot.

He smirked. "Concern much?"

"Not much." I replied plainly.

"Well mamayang six na siguro ako magsisimula. Hindi naman ako nagmamadaling umalis. Ikaw? Nagmamadali ka bang umalis?"

"Bakit ano naman sayo kung nagmamadali akong umalis?"

He shrugged. "Ano naman ang rason mo para magmadaling umalis? Hindi ba ten minutes ka palang after you ran? It's not healthy for you to run off again, you might get crumpled."

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now