Chapter 37

96 3 0
                                    

Nine years ago, I was there. And nine years later, I'd visit there again.  Ganun pa rin ang Bella Vill sa dating ayos. Walang pinagbago ang lugar. May nakita akong ibang mga tindahan pero hindi kagaya sa Vanita, Trinidad, at Santa Monica na may malalaking establishments. Itong Bella Vill ay dahil pribadong lugar ay hindi rin pumayag ang mayor na gumawa ng malaking gusali dahil walang malawak na lupain na mapapagtirikan nga iba't-ibang establishments.

Nagrenta ulit ako ng kotse para hindi na ako magbayad sa taxi. The first car I rented ay si Wave na ang nag-asikaso nun at wala na akong kinalaman pa dun.

Kung maraming mga puno sa Trinidad at Vanita, mas maraming puno ang nasa Bella Vill. Parang may village lang sa gitna ng gubat. Ang daming matataas na kahoy, at marami din ang may-ari ng mga lupa.

Ang Camp Treat na nakita ko sa pamphlet ay nasa bundok mismo kaya dahan-dahan lang ang pagmaneho ko dahil may nakitang bangin na delikado para sa mga paspas magmaneho.

I didn't take a lot of time to find that Camp Treat because I already saw the white paint sign written on a wood that was nailed on a tree. May arrow kung saan tinuturo ang entrance ng Camp Treat.

Pumasok ako sa isang malaking gate. Pagpasok ko ay may nakita agad akong mga tao na nasa labas. Mayroong nag-eexercise at mayroong nag-uusap, yung iba ay nagbabasa ng libro. Pinarada ko ang kotse sa katabi ng puno, mayroon namang sign kung saan ang parking area kaya doon ko hininto ang kotse.

Iisang bag lang ang kinuha ko, yun ay ang bagpack at ang ibang gamit ko sa paggiuguhit. I remembered my manga. I needed to update at least one or two episodes kasi maiinip ang mga readers ko.

"Hello may I help you?"

May babaeng nakasuot ng wine red pencil skirt at white shirt, na lumapit sa akin. My bag was clinging on my shoulder, inayos ko yun. "Hello. Uh, kapapasok ko lang actually. I saw this Camp Treat on a pamphlet, so, I'd like to stay here maybe for one to two weeks?"

"Sure, you can stay here anytime you want ma'am. Open ang Camp Treat anytime. Our boss decided to open this camp for as long as people need it. Marami kaming natulungan dito. Maraming activities na pwede mong gawin miss..."

"Lisa. I'm Lisa Morais Kravat." sabi ko.

I shook my hand with hers.

"Nice to meet you miss Kravat. May room kaming available para sayo. Gusto mo bang tumawag ako ng katulong para matulungan ka sa pagdala ng bag mo?"

"Oh no, kaya ko naman." I said with a smile. The woman smiled at me. I saw her name on her nameplate. Marie, that's her name.

Pumasok kami sa loob ng mismong Camp. It wasn't the literal camp, yung tent lang o di kaya ay hut. The Camp Treat was huge and the space was wide enough for five hundred people. It's like a mansion. May chandelier na nakasabit sa mataas na kisame. The design was very Victorian era but every parts of the camp was already renovated.

"Sa east wing ang mga babae. Sa west wing naman ang mga lalaki. Kung may couple na gustong magsama sa iisang kwarto ay mayroong kwarto sa second floor para sa kanila pero kalimitan lang ang may couple na dumadayo dito sa Camp Treat. Karamihan ay single na broken hearted, may family issues o friends issues, may problema sa sarili, o di kaya ay gustong madevelop ang kanilang sarili." Marie explained to me about it.

Kung sino man ang owner ng Camp Treat ay pinagplanohan talaga ito ng maayos. I thought the mansion was already built before the owner built the Camp Treat because of the style of the mansion. Para ka lang nasa England dahil sa itsura ng mansion.

Sa room zero-three-two ako dinala ni miss Marie. She handed me the key. Ang sabi niya ay iisa lang daw dapat ang umuukopa sa kada kwarto para daw may privacy ang mga tao. Pero dahil marami ang kwarto, kunti lang ang space sa kwarto, ang banyo ay hindi rin maluwag, walang bathtub pero may shower. Binitawan ko ang bag ko sa ibabaw ng kama. May isang bag pa akong nasa rented car pero mamaya ko nalang yun kukunin.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now