Chapter 48

79 6 0
                                    

Lahat ng mga gamit na naipon ko na nakuha ko sa bahay ni Lacy ay inayos ko sa aking kwarto. Tatlong beses palang akong nakapunta sa bahay niya. Kahit nagkakasagutan kami ay pumupunta pa rin ako doon. Isang buwan na din ang nakalipas mula noong una akong dumalaw sa kanya. Then sumunod pa ng dalawang beses, hindi ako araw-araw na dumadalaw sa kanya dahil hindi ko kayang magtagal sa environment na yun.

Sa Vanita ako tumuloy kina Brandon dahil siya na mismo ang nagsabi na huwag lang daw muna akong bumalik sa Utah.

Hindi matanggal sa isip ko yung misteryosong pagkamatay ni Mommy. Her case was close. Yun ang nakakainis dahil hindi sineryoso ng mga pulis ang paghanap ng hustisya sa pagkamatay ni Mommy. Matagal na panahon na yun pero hindi ako mapakali dahil parang may mali.

May nakita akong ID sa bag ni Mommy, yung mga resibo sa wallet niya, at ang lumang red lipstick na sinusuot niya kapag pumapasok siya sa bar. I just kept all of it.

Nagpahinga muna ako mula sa malalim na pag-iisip kay Mommy, tungkol sa kanyang pagkamatay. Bumaba muna ako para kumuha ng makakain. I'm not hungry but I just wanted to eat something. I got the grapes and shoved it inside my mouth.

Brandon and Klara were in Manila. Bibisitahin nila si Taylor at aasikasuhin yung biniling condominium unit ni Poppy. Kami lang ni Saint ang nandito sa malaking bahay pero minsan lang kaming nagkikita dahil pareho kaming sa kwarto lang nakatambay. Saint wasn't around because he's at school. Busy din siya sa curriculums niya kaya hindi talaga kami nagkikita.

Lumabas ako at pumunta sa pavilion. The housekeepers greeted me, gusto ko sanang tumulong sa kanila sa garden kaya lang ay sinaway ako ng mayordoma na huwag humawak ng bolo dahil magagalit ang Daddy ko.

I just rolled my eyes at Brandon kahit wala siya ay parang minomonitor niya kaming mga anak niya. Kahit si Denzel na may asawa na, binibisita din nila. They're like, obsessed parents.

Sa likod ng pavilion ay may mataas na pader. May maliit na pinto na gawa sa bakal. Lumingon ako sa mga katulong, mabuti at wala sila sa likod ng bahay kaya dali-dali akong tumakas mula sa kanila. Hindi naman ako iniistrektuhan nila Brandon, I'd do whatever I wanted to do but they're paranoids.

Nasa labas na ako at ang malamig na hangin ang sumalubong sa akin, malamig dahil sa tulong ng mga naglalakihang kahoy. Humakbang ako palayo sa pader. Parang nasa gitna na ako ng gubat dahil ang daming puno. Mabuti at hindi natatakot sina Klara dito. Pero hindi naman nakakatakot dahil secured ang village nila.

Dama ko ang pagliliwaliw, gusto ko sanang pumunta pa sa gitna pa ng mga kakahuyan kaya lang ay baka mawala ako. So I decided to go back to the house, until someone grabbed my arm. I almost pushed my lungs out but the man who grabbed me covered my mouth and a familiar men perfume enveloped my nostrils.

"Shh, it's me. It's Wave."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nilingon si Wave. He was smiling when I looked up at him, agad akong nakabawi sa gulat kaya naman ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Oh gosh it's you." Hindi makapaniwalang sambit ko.

Wave hugged me back too tightly, napaangat pa ako sa lupa dahil sa higpit ng kanyang yakap. "I miss you." he murmured.

"Miss you too." Bumitaw ako sa yakap niya at hinarap siya ulit. "Kailan ka pa dumating? Ano na ang naging resulta?" agad kong tanong sa kanya. I wanted to know about his problem, yung pinunta niya sa Manila.

Natawa si Wave, kita ang maliit na biloy sa gilid ng kanyang labi. "It's done. Of course good news ang ibabalita ko sayo. Walang bad news."

"Ano?" Hindi ko na matiis kung ano ang resulta.

Camp Sadness Of Dandelion Kde žijí příběhy. Začni objevovat