Chapter 15

120 6 0
                                    

Sinubukan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko kaya dahil ang lalim ng tingin sa akin na para bang sinusuri niya pati ang kaluluwa ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahon ko kung sasagot ba ako o tatayo agad para makita kunwari kung akin ba.

But I chose the latter.

"Uh... pwede ko bang tignan?" I said, standing.

His eyes blinked. "Yes of course. Miss ibibigay ko lang sa kanya." sabi niya kay Indy.

"Opo sir baka sa kanya nga yan kasi kamukha niya yung nasa picture."

Itong si Indy talaga kapag may maisip akong gawin sa kanya ay gagawin ko. Ipagkakalat ko din ang picture niya sa crush niya para matae siya sa kaba.

"Here." Bookworm had just handed me my ID.

Hindi ko na tinignan ang picture dahil akin naman talaga ang ID. "Akin nga. Sorry sa istorbo." Mabilis kong sabi bago umupo sa pwesto ko.

"No worries." Tipid siyang ngumiti sa akin at ibinalik ang kanyang tingin sa libro.

I saw Indy pinned her lips but I knew she was just hiding her victory smile. Tinago ko ang school ID ko sa bag ko baka tuluyan ngang mawala.

Pagbigay sa akin ni Indy ng ice cream ko ay lihim ko siyang mahinang kinurot sa hita. Umaray siya pero pinagtawanan lang ako, bumalik din siya ulit sa counter. Hindi ako natutuwa dahil pinakaba niya ako. Para talaga akong maiihi at matatae sa ginawa niya.

Nakasimangot akong kumain hindi na ulit ako nag-angat ng tingin sa taong nakapwesto sa tapat ng lamesa ko. He didn't mind what's happening around him because he was drowned in a different world. Napaka seryoso ng mga mata niya na nasa libro. Curious ako sa binabasa niya, sumilip ako sa libro, tinignan kung anong title ng libro.

The title of the book was Frankenstein by Mary Shelley. I heard about Frankenstein from several horror movies. My eyebrows furrowed. The last time I saw him reading, it's also a horror genre novel. Kapag ako ang magbasa ng mga horror novels ay kikilabutin yata ako. I was never afraid of those supernatural creatures because I grew up to never believe such things as those.

Then unanticipatedly, he looked at me. Mabilis akong nag-iwas ng tingin mula sa kanya. Bago pa ako ang matunaw ay tutunawin ko na muna ang ice cream ko sa tiyan. I ate hastily. Ice cream ang kinakain ko pero parang kanin lang na may flavor dahil  nagmamadali ako, gusto ko ng makauwi. Hindi ko na kaya ang hiya. Ba't ba kasi ako tumitingin sa kanya.

"Indy itong tip mo."

Nag-iwan ako ng ten pesos sa harap niya. Bago pa ako makaalis ng ice cream parlor ay narinig kong nagsalita siya.

"Mas tipirin mo sa susunod ha." Alam kong sarkasmo yun pero ngumisi lang ako.

Akala ko ay mauuna akong makaalis yun pala ay naunahan na ako ni bookworm na umalis. Yung ice cream niya ay naubos pala eh ako pa ang naunang kumain, or imagination ko lang yun? Basta. Ang gusto ko lang gawin kanina ay umalis dahil sa hiya.

Unexpectedly, napadpad ako sa national bookstore. Again. Para akong nakalutang dahil hindi ako makaisip ng maayos at basta nalang pumasok sa bookstore. I remembered the book that that bookworm read a while ago. It's Frankenstein by Mary Shelley. Naghanap ako ng paulit-ulit para madismaya lang ng wala akong mahanap na kahit ano.

Kumuha nalang ako ng isang libro na horror din ang genre. I just wanted to give it a try that's why I bought the book entitled It by Stephen King. I watched the movies of it before but maybe I should make reading a hobby. Boring din kung puro lang ako sa phone, nakakasawa ng manuod ng reels at palabas sa Netflix pero kapag gusto kong manuod ay sa TV nalang ako nanunuod.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now