Chapter 34

93 4 0
                                    

Brandon and Klara went after me when I decided to go back to the inn I'm situated in. I had doubts, but I just let them. Hindi muna sila pumasok sa hotel kung saan ginanap ang handaan ng kasal ni Denzel. Ang sabi ni Klara ay nagpaalam naman daw sila kay Denzel bago sila nagdesisyon na lumabas para kausapin ako.

They checked my room. I knew they disapproved my choice but I chose it. Besides, pupunta naman ako sa Trinidad para bisitahin si Lacy. May purpose ang pag-uwi ko sa Vanita. Hindi lang sa pagbakasyon kundi sa pagbisita na rin kay Lacy. And also Indy. Isang beses ko siyang nasendan ng email at nine years ago pa yun. I wanted to apologize to her for leaving her without any right words to explain why I suddenly left Trinidad.

Pinasuyo ko kay Klara ang wedding gift ko para kina Denzel at Kim dahil hindi ko naidala kanina. Tinanggap niya naman yun ng walang reklamo, sa katunayan nga ay natuwa pa siya ng pinasuyo ko sa kanya. Maybe she thought that I'm starting to softened with them.

Kinabukasan, ang balak kong pag-alis papuntang Trinidad ay nabulilyaso dahil sa papalapit na bagyo. Ang sabi sa news na napanuod ko ay maaaring mamayang madaling araw daw dumating ang bagyo o baka bukas ng umaga. Ang prinoblema ko ay saan ako manunuluyan. Ang inn kasi na tinutuluyan ko ay hindi safe, yung drainage na nasa harap ay sumasapaw daw ang tubig kapag lumalakas ang ulan o bumabagyo, konektado daw kasi yun sa Vanita river kaya may chance na bumabaha sa labas.

Kaya ang ilan sa mga naka-check in ay umalis na para iwas din sa baha. I wanted to go to Kravat residence but my pride was eating me. I couldn't just... forget anything? Kahit sino namang tao.

The rain started pouring, may hangin din na kasama pero hindi pa malakas. I guessed the typhoon would be as the hurricane Katherine. Pero sana ay walang masaktan sa bagyo.

I started to pack my stuff. Ang dami kong dala at mahirap dalhin isa-isa pero kaya ko naman. Sino ba naman ang hindi kakayanin dalhin ang lahat ng 'to? I'm starting to feel the adrenaline rush. Nagpatulong ako sa owner ng inn na buhatin ang maleta ko papasok sa kotse.

Nabasa na ako dahil sa ulan. I didn't have an umbrella or raincoat pero nakasuot ako ng makapal na jacket para hindi masyadong mabasa ang suot kong damit sa loob ng jacket. Lahat ng gamit ko ay nasa loob na ng kotse. Nagpasalamat ako sa inn owner bago umalis. Kinuha ko ang Chaumet watch na regalo pa sa akin ng isang kaibigan kong writer. This was one of the prized possession I had. Kaya kong bumili ng mga mahal na damit, sapatos, alahas, o kotse pero hindi ako mahilig gumala. Also I'm not an influencer or a socialist, so I didn't bother to buy those.

I rather spent my money on feeding the community than spending my money on those things I didn't need.

I started the engine, nang gumana ang makina ay sa gas station agad ang punta ko. Pwede akong pumunta sa Trinidad sa bahay ni Mommy, bahay ko rin naman yun kahit wala na si Mommy dahil hindi naman ako lumayas, sinama lang ako ni Brandon para mas makilala niya pa ako. But things weren't exactly as what's planned.

Pagkatapos ko sa gas station ay unti-unti na akong nagmaneho. Kahit maulan ay naging matapang ako sa paglusong dahil wala akong ibang mapupuntahan. During my journey back home to Trinidad, I slowed down the car because the wind was blowing harshly, at ang lakas ng tama ng ulan sa salamin ng kotse. Ang dami na ring mga sanga ng kahoy ang natapon sa kalsada.

I sighed as my patience was wearing off. Sana ay hindi nalang ako umalis sa inn. Dalawang oras pa naman ang byahe pauwi ng Trinidad. I moved the car again when I needed to stop it in the middle of the road. Pero sa kadimalasan ay namatay ang makina ng kotse.

"Shit." Napamura ako. How lucky I am huh! Note the sarcasm.

Dismayado akong napailing. Kinuha ko ang basang jacket ko sa likod at sinuot. Malakas at masungit na hangin at ulan ang sumalubong sa akin nang lumabas ako ng kotse. Pumunta ako sa harap ng kotse para tignan kung ano ang problema.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now