Chapter 23

101 5 0
                                    

Umabot ng kalahating oras ang byahe papunta sa Vanita, they're residing there. Ang akala ko ay nasa Bella Vill sila nakatira but they had a summer house there. Brandon said that his family was there and he just came to Trinidad to get me. Hindi nga siya nabigo dahil napasama niya ako.

We stopped at their house, a huge house that I never seen in my entire life. Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa maluwag na garahe. He helped to got out from his Benz. May kukunin din siya dito sa bahay nila kaya siya huminto dito, pero babyahe din kami pagkatapos niyang kunin ang iilang gamit niya.

"Are you hungry?" he suddenly asked, umupo ako sa sementong hadgan, yung hagdan na yun ay may sampung andana bago ang malaking main door.

I shook my head. Umurong ang gutom ko.

"Okay. Wait for me here. And... pwede kang maupo sa loob muna, hindi ba madumi diyan?" he asked again pero umiling lang din ako.

I heard him sigh in defeat. Hinayaan niya ako at umakyat na para pumasok sa bahay nila. Habang wala siya ay malaya kong pinalibot ang aking tingin sa kabuuan ng kanilang bahay. Their house had a wide ground. Maraming puno ang nakapalibot at marami ding ilaw. Maganda siguro ito kapag gabi dahil sa mga ilaw. Then the house wasn't the contemporary style of house. It was modernized but it wasn't the box and glass type. Yung bubong ay kulay tsokolate at ang exterior ay kulay beige.

Paglabas ni Brandon ay tumayo na rin ako. Pinagpag ko ang aking puwet at naglakad papunta sa Benz. I opened it myself at hindi na siya hinintay na pagbuksan pa ako.

Bumiyahe ulit kami papunta sa Bella Vill kung nasaan ang summer house nila. Iba talaga kapag marami ang pera. Nakakabili ka ng magarang sasakyan, malaking bahay, at summer house. Only if hindi lang pinagkait sa akin ang pagiging anak ni Brandon noon.

I could call him my Dad if may sustento lang ako, at palagi niya akong nabibisita. Ganito pala kahirap yung anak sa labas. Palagi kang second choice. Kung nasa karagatan kami at lumubog ang barko at iisa lang ang life boat, syempre uunahin niya ang asawa at mga anak niya, hindi na kasi ako kasya sa life boat, kapag makisiksik pa ako ay malulunod kaming lahat.

That's a sad reality.

But I promised I'd separate my ways from them when I turned eighteen. Maybe that time I could make myself proud... alone without carrying much pain.

During our way to Bella Vill, Brandon kept asking me about me just to eased the atmosphere. He kept asking me about my life with Mom when she's still alive, my favorites, place I wanted to visit, hobbies, things I wanted to learn, and more questions I simply didn't take an effort to answer because I'm still absorbing his presence as my father, bigla ba naman siyang pumunta sa bahay namin at kunin ako.

I knew may magbabago sa buhay ko dahil kasama ko sila ng kanyang pamilya. I couldn't help but to feel anxious. Kapag maliitin ako ng pamilya niya ay hindi agad ako mag-aalinlangan na umalis sa kanila. Ito yung problema bilang illegitimate child, hindi masyadong natutuuan ng pansin at palaging minamaliit. I won't let that happened to me. Never again.

Dalawang oras kaming nasa byahe ni Brandon bago kami makarating ang sign na nasa Bella Vill na kami. Bella Vill was a generous place. There were a lot of tall trees, mga namumunga at yung hindi. Ang layo-layo ng pagitan ng mga kabahayan sa Bella Vill. This was a private and secured haven pero delikado pa rin dahil sa dami pa naman ng puno ay talagang mahirap tumawag ng tulong kapag may mangyaring masama.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa summer house nina Brandon. It's cringe to call him Dad because... it's just cringe. But I didn't call him on his name either. Yet.

May babaeng lumabas ng summee house na sa tingin ko ay si Klara. Brandon's wife. She was smiling widely. Pero nang lumabas ako ng Benz, akala ko ay mabubura ang kanyang ngiti. She gasped when she saw me. I didn't know if my eyes were playing tricks on me but I saw her eyes watered. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pinalibot ang tingin sa summer house. Unlike sa bahay nila sa Vanita ay malaki, ang summer house nila ay kasing laki lang ng bahay namin.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now