Chapter 47

85 5 0
                                    

Sa Santa Monica ay twenty-five minutes lang ang layo mula sa Vanita. Bumalik ako kina Kristen para makuha ko ang address ng tinutuluyan ni Lacy na inalam pa ni Kristen sa isa nilang kaklase noong highschool pa sila. Kaya nang malaman ko na yung address ay nakipagkita ako kay Indy sa Strawberry's para magpaalam sa kanya. Ayoko namang umalis ulit na hindi nagpapaalam sa kanya.

"Finally makikita mo na ang kapatid mo. Alam mo hindi ako makapaniwala na nasa Santa Monica siya. Yung bayan na yun ay hindi naman naiiba dito sa Trinidad pero hindi ako makapaniwala na doon pala siya nagtratrabaho." ani Indy, magkaharap kaming dalawa sa isang lamesa habang yung ice cream namin ay nasa lamesa.

Tumango ako. "Pero uuwi muna ako kina Brandon para doon na ako tumuloy. Mahal ang magmotel. Baka maubos na ang pera ko sa pagmomotel." sambit ko naman.

Si Indy ay pinitik ang braso ko. "Ikaw naman kasi, bakit ka pa magbabayad sa motel eh inaalok na nga ng Daddy mo yung pera niya. Akalaain mo yun, hindi lang pala multi-millionaire ang Daddy mo kundi billionaire. Kaya ang daming investments at hindi na tumakbo ulit bilang senador." Hininaan ni Indy ang kanyang boses nang magsalita siya tungkol kay Brandon.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Saka ko lang nalaman na mataas pala ang status ni Brandon sa buhay. Kaya pala may sarili akong trust fund, kami nina Denzel, maraming mamahaling sasakyan sa garahe niya sa Vanita, may summer house at maraming katulong sa bahay nila. Nalula ako sa pamilyang yun. Parte nga ako ng pamilya nila pero kapag nakadikit ako ay para akong basura. Ako kasi ang may pinakasimpleng kasuotan. Sila, puro sikat na fashion brands ang mga sinusuot, ako ay ordinary lang na mga brands.

I changed the subject. "May gusto ka bang bilhin sa mall? Libre ko. Minsan lang tayo magkita eh." saad ko.

Nanlaki ang mga mata ni Indy at sunod-sunod na tumango. "Syempre naman oo. Galing sayo eh kaya tatanggapin ko. Alam mo na. Libre, kaya susunggaban ko na."

Inubos muna namin ni Indy ang ice cream namin bago kami nagpasyang magmall. Pumili siya ng dalawang dress at isang shirt at sapatos para hindi na paulit-ulit ang suot niyang sapatos. At home, I only had forty pairs of shoes, isa pa, hindi naman ako mahilig lumabas kaya hindi na ako bumili ng bago. Dalawang t-shirt lang ang binili ko para sa sarili ko.

Sinamahan ako ni Indy sa terminal nang sumapit ang hapon para makauwi na ako sa Vanita. Gabi na ako makauwi doon. I called Klara to announce her that I'd be joining there at their house. There's no more room for me to let the pride in. The only thing I'd do is to let them take care of me. Yun din naman ang gusto nila, bumabawi lang naman sila sa ilang taon na absent ako sa kanila.

Pagdating ko sa bahay nila ay sumalubong sa akin si Poppy na may malaking ngiti sa kanyang mukha. "Welcome home Lisa." bati ni Poppy. "Your room is waiting for you. Nandun na rin ang mga gamit mo at pinapasok na yun ni Daddy. Kumatok ka lang sa kwarto ko na tabi ng kwarto mo."

"Thanks."

Tinuro ni Poppy ang kwarto ko, at ang kanyang kwarto na kung sakali daw mayroon akong kailangan. I didn't have to call them because I wasn't hungry, bukas na ako bababa para magpaalam ulit sa kanila. The Kravat manor was huge. Walang pinagbago sa labas. Noon kasi ay hindi naman ako sumama kay Brandon sa loob kaya hindi ko nakita ang interior ng bahay nila.

My room was modernized of interior. Walang masyadong design at maluwag. The paint was cream and it's just minimize. Pasok sa taste ko dahil hindi ako mahilig sa maarteng style ng kwarto. I got my own walk-in closet. May maliit na fridge sa corner at yung higaan ko ay nasa kabilang corner din. May sofa sa gitna ng kwarto, kaharap ay ang malaking smart TV.

Nakakalula ang ganitong buhay pero hindi ko inalintana. This was my life from now on, sabi nga ni Indy, anak ako ng bilyonaryo at kailangan ay tanggapin ko yun.

Camp Sadness Of Dandelion Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum