Chapter 14

120 8 3
                                    

Gio handed me his extra shirt to wipe my face. I was so wet because of the rain. Hindi niya muna pinaandar ang kotse hanggang hindi pa ako okay. I gave him a go signal na magmaneho na siya. Ang higpit ng hawak ko sa shirts niya na nasa ibabaw ng hita. I wasn't wearing a short shorts and I was thankful for it. Hindi ako malalamigan.

"Saan kita ihahatid?" Napaigtad ako nang magsalita siya.

Para akong may kasalanan, hindi agad ako nakapagsalita.

"Miss?" untag ulit niya sa akin.

"Ah, sa, sa susunod na village."

"Okay." he replied.

Words were sharp enough cut off people away. Ang sabi ko sa sarili ko noon ay hindi ako huhusga agad sa mga taong hindi ko pa nalalaman ang buong istorya. Kapag may malaman pa ako tungkol kay Gio ay kakalimutan ko agad siya. Hindi madaling makalimot pero susubukan ko at gagawin ko talaga.

Five minutes yung duration ng byahe hanggang sa village namin. Nagpapara lang ako sa hindi kalayuan sa bahay namin. I could walk alone to my our house.

"Dito na po ako." I announced.

Hininto naman niya ang sasakyan. He took a glance to me. And for the first time since the last time we met, I didn't like the kind of stare he gave to me. Parang narinig ko ang boses ni Indy... yung may pagbabanta. Hindi na siya ang Gio na nakilala ko dati. Noon ay bata pa talaga kaya hindi niya ako magustuhan but I'm sixteen now. Mas tumangkad, nag-iba na rin ang hugis ng katawan ko, at kuminis ang aking balat.

"Dito ka pala nakatira. May kilala ka bang-"

"Ah aalis na po, baka hinahanap na po kasi ako ng Mommy ko. Salamat po talaga ng marami sa paghatid."

I didn't let him say a word because when I opened the car's door, I hurriedly got from his car and stormed away. Tumakbo ako pauwi. Lumiko agad ako sa kanto para makarating sa bahay namin. Mabilis ang ginawa ko para kapag masundan niya ako ay makakapagtago ako sa bahay namin.

Pero hindi naman niya ako nasundan. Pumasok na ako sa loob at sakto din na may tao na sa loob ng bahay. I saw Kendra playing something on her phone. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Pagpasok ko sa kusina ay natagpuan ko si Lacy na umiinom ng tubig.

"Himala at nagabihan ka yata. Saan ka galing?" tanong niya nang maibaba niya ang baso sa lamesa.

Umupo muna ako sa high chair. Dati pinangarap ko ito, ngayon ay mayroon na kami nito. "Galing ako sa Strawberry's. Kumain lang ako ng ice cream." sagot ko.

"May pera bang iniwan si Mommy sayo?" direkta niyang tanong. Hindi manlang nagkwento kung saang lupalop ng mundo siya nanggaling noong nawala siya.

Bumuntong hininga ako. "Mamaya muna kunin. Pagod pa ako dahil naglakad lang ako."

Wala siyang nagawa kundi ang maghintay sa akin. Kung ano na naman ang gagawin niya sa pera ay wala akong pakialam. Bahala na siya dahil matured na siya.

Binigay ko sa kanya yung perang pinapaabot ni Mommy sa kanya tapos umalis ng walang paalam. Umupo ako sa hagdan.

"Kendra kumain ka na ba?" tanong ko kung sakaling hindi pa ay magluluto naman ako para sa kanya. Pero ako, busog pa ako.

"Oo kina Sunny ako kumain kanina dahil birthday ng Mama niya." sagot niya na hindi nakatingin sa akin, busy sa phone niya.

Laking pasalamat ko na yun, and I took a deep breath again before I went inside of my room. Nagbihis lang ako, hindi ako nakaligo dahil sobrang lamig ng tubig. We're not super rich na mayroong warm shower. Cold shower lang ang palaging available sa bathroom namin kaya nakakatamad maligo dahil sa sobrang lamig ng tubig.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now