Chapter 27

104 4 0
                                    

One sunny day, the next day eventually, I just woke up from the noises outside. Pagsilip ko mula sa aking kwarto ay maraming tao na may dalang shopping bags. I didn't exactly know what happened until I asked Poppy when she knocked on my room.

"It's Taylor's eighteenth birthday on twenty-fifth. Maraming gowns na inorder si Mommy para sa atin." she explained.

"At bakit kasama ako?" taka kong tanong.

She gave me a puzzled look like I said something weird. "Because you're Taylor's sister? Silly you're family kaya invited ka din. Besides, ready yourself because grandma would visit here from SLC. She's attending Taylor's special day!" she said excited.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang lola. Nanay ba ni Klara or kay Brandon? I shrugged my shoulders before I said my thank you. Sinarado ko na ulit ang pinto. Taylor's eighteenth birthday. Pwede bang mag-celebrate ng birthday na walang gowns at guests? I didn't want to be in Taylor's birthday. Gusto ko ay nandito lang ako sa kwarto. Ang makihalobilo sa mga tao ay ang huli kong gagawin.

I was reading my book when Klara knocked on my door again. I thought it was Poppy but it turned out it was her. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Hello Lisa, breakfast is ready."

"Pwedeng mamaya nalang ako kakain? Hindi pa ako gutom." sabi ko sa marahang boses.

Kumunot ang noo niya. "Bakit may masakit ba sayo? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?" Concern niyang tanong.

"Okay lang ako. Wala lang akong ganang kumain." sagot ko.

"Ah okay. Pero kapag magutom kay ay bumaba ka lang, okay?"

Tumango ako at sinarado na ang pinto. Isa sa dahilan kung bakit hindi ako bumaba sa pagkain dahil ayaw kong pag-usapan yung birthday ni Taylor. I didn't want to be on her birthday party. Uuwi ako sa Trinidad bago pa dumating ang araw ng birthday ni Taylor. I also didn't want to be in their family picture. Papangit lang ang image nila kapag nakisawsaw pa ako.

Hindi pa nangalahating oras nang kumatok ulit si Klara at may dalang isang basong gatas. "Dinalhan kita ng gatas. Kung wala kang ganang kumain ay uminom ka nito habang mainit pa para naman may laman ang tiyan mo. It's not good na magpapagutom ka. Hindi ko nilagyan ng sugar ang gatas, kagabi nung nagtimpla ka ay hindi mo nilagyan ng sugar kaya baka kako ayaw mo, hindi ko nalang nilagyan."

"Thank you Klara." Kinuha ko ang tray na nakaibabaw ang baso na may gatas.

Nginitian ako ni Klara bago siya umalis. Linagay ko sa sahig ang tray at naupo do'n. Sa sahig ako umupo dahil malamig ang sahig. Ang aga-aga ay mainit na. Habang pinagpatuloy ko ang pagbabasa ay iniinom ko rin ang gatas na dinala ni Klara para sa akin.

Hindi ko namalayan ang oras na malapit na palang magtanghali. Dun palang ako lumabas. Hindi ko muna tinapos ang libro na binabasa ko kaya linagay ko muna ito sa ibabaw ng kama. Pagpasok ko ng kusina ay si Poppy at Saint lang ang nakita ko. Yung apat na matatanda ay wala.

"Umalis sina Mommy at Daddy papuntang Vanita. May kukunin lang daw sila doon at sina Denzel at Taylor ay nasa bahay nila Waverick. And it's just three of us here."

Hinila ko ang silya na nakadikit pa sa lamesa. "Anong ginagawa nina Taylor at Denzel sa bahay nila Wave?"

Nagkibit balikat si Poppy. "Denzel's probably playing online games with Waverick's cousin. And Taylor? She's flirting with Waverick kasi crush niya dati si Waverick. Ewan ko lang kung hindi pa rin nagbago yun." she explained.

Bumigat ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa nakahandang pagkain na nasa lamesa. Bigla ding nawala ang gana kong kumain. Tipid na ngumiti ako kina Poppy at Saint. "Maybe I should get back to my room. Sumama agad ang tiyan ko."

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now