Chapter 35

98 4 0
                                    

Kinakabahan ako sa totoo lang, mukha lang akong matapang pero ang totoo niyan ay hindi. Yung kwarto na kinuha ko ay may banyo, para hindi awkward ay siya ang kumuha sa mga gamit ko, pero ang problema niyan ay kung bumalik siya sa kwarto.

I waited for him, when he went back inside of motel our room. Kinuha ko ang bags ko para maghanap ng masusuot. May malinis pa akong t-shirt na nakita sa backpack ko, may undergarments at may maluwag na pants akong nahanap, hindi literal na maluwag sa bewang, ang maluwag ay ang nasa binti.

I took a warm shower and got changed. Si Wave ay nakita kong nakatingin sa labas ng bintana. Nakapamulsa siya at seryoso ang tingin kaya tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon.

"Tapos na akong maligo. Ikaw naman." Seryoso kong sabi. Hindi ako makatingin sa kanya.

Nakayuko akong lumapit sa kama pero hindi pa ako nakakaupo ay lumapit si Wave sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Lukot ang aking mukha nang mapatingin sa kanya, nakatingala pa ako dahil matangkad siya at nakaupo lang ako.

"What?"

He nodded his head toward the towel resting on my shoulder. "Pahiram ako niyan."

"Bakit mo hihiramin?" Confused, I asked.

"Wala akong gagamitin." Hindi pa ako nakakaangal nang agawin niya bigla ang towel sa aking balikat. Pinandilatan ko siya. Wala talagang modo ang lalaki na yun. Hanggang magsara ang pinto ng banyo ay masama pa din ang tingin ko sa pinto na para bang tatagos ang sama ng tingin ko.

Nagsuklay ako ng buhok ko. Binalik ko ang suklay sa loob ng bag tapos ay sumilip na ako sa labas ng bintana. Mas lalong lumalakas ang ulan sa labas. Umatras ako dahil yung hangin ay tumatama sa bintana. Nakasarado na yun pero dahil sa lakas ng hangin ay ramdam ko ang lakas ng ihip nito. Kahit hindi ko buksan ang electric fan, malamig na kasi sa loob.

Yung pinto sa banyo ay bumukas. Lumabas si Wave na bagong ligo at bago na ang suot na damit. I couldn't help but to mesmerized his posture. He's like a god from the anime movie I saw last week. Nakalimutan ko na ang title but he's dashingly handsome.

Lumapit siya sa kama at pinakiramdaman ang bag ko. Napakunot ang aking noo. Anong ginagawa niya?

"Hoy! Ba't mo pinapakialaman yung bag ko? Anong kukunin mo?" Inagaw ko sa kanya ang shoulder bag ko. Marami akong gamit dito na hindi niya pwedeng makita, o kahit sinong lalaki.

"Pahiram ng suklay. Magulo ang buhok ko kaya susuklayin ko." Kalmante niyang sagot pero halatang naiinis.

I snorted. Annoyed. I fished my hair brush, when I found it I gave it to him. Tinamaan ang matigas niyang dibdib. Napaigik siya dahil sa suklay na tumama sa kanya. Buti nga.

"Harsh." he murmured under his breath.

I rolled my eyes. "Hugasan mo yan pagkatapos mo. Baka magkaroon ako ng dandruff dahil sayo."

"Excuse me? Wala akong dandruff. Baka ikaw meron, you girls are always complaining about the brand of shampoos you're using kaya nagkakaroon kayo ng dandruff." singhal niya sakin.

Sisinghalan ko din siya pabalik pero tumigil ako. Having a mild argument was still a childish act. Ano naman ngayon kung palipat-lipat ng brand ng shampoo ang mga babae? Pero hindi naman lahat. Nagconclude si Wave agad, eh hindi naman totoo.

Hindi ko na siya pinansin dahil kapag pinansin ko pa siya ay masisiraan lang ako ng ulo. He's stubborn like me. Umupo si Wave sa sahig. Walang couch sa motel room namin kaya sa sahig siya umupo. Nasa kama kasi ako nakaupo. Kapag sa kama din siya umupo ay sa sahig ako. Yun lang naman para walang alitan sa aming dalawa.

Camp Sadness Of Dandelion Where stories live. Discover now